"That's.. the house you designed three years ago."
Halos bumubulong na lang ako habang sinasabi sa kaniya 'yon. Hindi ko alam ang sasabihin ko habang pinagmamasdan 'yung design sa laptop niya. I didn't know that he kept it and didn't change any of the design. Ganoon pa rin, walang pinagkaiba.
"This was my first design as an architect," he said in a low voice and avoided my eyes. "Ayokong pakawalan ng ganoon lang."
Hindi ko alam na 'yon ang una niyang gawa bilang isang arkitekto. Akala ko may iba pa kasi hindi niya naman nabanggit sa 'kin 'yon noon, ngayon lang talaga. Itong bahay na 'to ang sinabi niya sa 'kin na magiging bahay sana namin.. kung hindi kami naghiwalay.
"I didn't know," I whispered, glancing at him a little. Kahit nakaiwas siya ng tingin sa 'kin, nakita ko pa rin ang maliit niyang pag-ngiti. "Saan 'yung lupa na pagtatayuan?"
Mabilis siyang tumingin sa 'kin nang sabihin ko 'yon. Medyo nanlalaki ang mata niya, hindi makapaniwala sa sinabi ko. Ngumiti lang ako at kinuha ang laptop niya para makita ko nang maayos 'yung design. Gusto kong tanungin kung may gusto ba siyang baguhin o wala na.
"You'll take it? Ayos lang sa 'yo?" Mahina niyang sabi, sapat lang para marinig ko. Pakiramdam ko, gusto na niyang bawiin 'yung sinabi niya kanina sa 'kin. Bigla ata siyang natauhan na malaki 'yung hinihingi niya sa 'kin. "Look, I'm not forcing you to accept it but-"
"I'll take it, Architect." I smiled at him before avoiding his eyes and focusing on his design. "Malapit na rin naman matapos ang construction doon sa Quezon kaya mapagtutuunan ko 'to ng pansin."
He parted his lips like he wanted to say something. I waited for him to talk but then he pursed his lips, avoiding my eyes.
"Thank you," he said, still avoiding my eyes. "I will change some design and I want your opinion about it."
Tumango na lang ako, hindi na nakipagtalo pa. Tumayo na 'ko at binigay na sa kaniya 'yung laptop niya. Tumingin na siya sa 'kin at marahan niyang sinara ang laptop. Hindi pa 'ko umaalis kasi baka may sasabihin pa siya sa 'kin.
"I'll inform you when I already finish changing it," he nodded at me, smiling a little. Kinuha niya 'yung kape na binili ko at tinaas ng kaunti. "And uh.. Thank you for this."
I nodded before turning my back on him. Naglakad na 'ko palabas sa office niya at mabilis din na umalis sa Architecture Department, 11th floor 'yon kaya stairs na lang 'yung ginamit ko pababa. Nang makarating sa Engineering, mabilis na hinanap ng mata ko si Gab.
"Gab," mabilis siyang tumingin sa gawi ko nang tawagin ko siya. Kaagad niya rin na iniwas ang tingin niya at binalik sa kaniyang ginagawa. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol doon sa sinabi sa 'kin ni Dominic na may gusto raw siya sa 'kin. "Busy ka?"
"Hmm," he nodded at me, still not looking at me. He then glanced at me, raising a brow. "Bakit? May problema ba?"
"Wala," mabilis akong umiling sa kaniya at binigyan siya ng isang maliit na ngiti. "Usap na lang tayo mamaya, mukhang marami kang ginagawa ngayon."
BINABASA MO ANG
Nice Game, Captain
Teen FictionKim, the captain of Lady Phoenix, decided to quit the team after the finals because her parents wanted her to focus only in her academics. Dominic, the captain of Blue Phoenix, pursue her to continue playing the sports she loves.