"Remind me why I'm here again?"
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako napasama sa labas nila Lorraine at Jiro. Bigla na lang din kasi akong hinatak ni Lorraine palabas ng unit ko at pumunta kaming mall. Buti na lang nakaligo na ako noon, ang kaso lang naka-short lang ako na pink at white na shirt tapos tsinelas lang suot ko. Shit, first time kong mag tsinelas sa mall.
"Because you're my best friend?" Lumingon siya sa 'kin habang naka-kunot ang noo. Nasa likod lang namin si Jiro habang tahimik lang na sumusunod. To be honest, hindi ko talaga alam kung bakit ako narito ngayon.
Gusto lang ata ni Lorraine na maging third-wheel ako, e. Oo na, ako na 'yung walang boyfriend.
"Okay?" Nagtataka kong sabi. Ano ba kasing ginagawa namin dito?
"Babe, here." Napahinto naman si Lorraine sa panghatak sa 'kin nang marinig si Jiro. Nakahinto siya ngayon sa tapat ng book store. Hindi ko alam kung ano ang trip nitong mag-jowa ngayon.
"Bibili lang ako ng gagamitin ko tapos kain na tayo," sabi sa 'kin ni Lorraine bago niya 'ko binitawan. Naiwan tuloy kami rito ng boyfriend niya sa may parteng unahan. I crossed my arms while watching my best friend before looking at Jiro.
"Okay ka lang?" Hindi ko pa kasi nakakausap si Jiro tungkol sa naging pag-uusap nila ni Lorraine kaya ito na ang pagkakataon ko.
"Huh?" He looked at me with his confused look but then realized what I just asked. "Ah, that. Oo, okay na. Nakapag-usap naman na kami at naging malinaw naman na sa 'min pagkatapos noon."
"Ayos 'yan," sabi ko at binalik ang tingin kay Lorraine pinapanuod siya na maghanap ng mga kailangan niya. "Kung kinakailangan n'yong mag-grow as individual, okay lang na tumigil kayo. Kung 'yun ang dapat n'yong gawain."
Natawa siya sa sinabi ko pero hindi na nagsalita. Hindi na lang din ako nagsalita dahil wala na rin naman na akong sasabihin sa kaniya. Ayos na 'yon, hindi na lang ako mangingialam sa relasyon nilang dalawa. Tamang suporta na lang ako sa kanila.
"Excuse me." I stepped aside when I heard a voice behind us. Ganoon din naman si Jiro kaya sabay kaming napalingon doon sa nagsalita at nagulat ako nang makita ko si Dominic.
He was wearing an Adidas jogging pants and a white shirt. Nakapamulsa pa siya habang naglalakad. May kasama siyang babae na mukhang mas bata sa amin. Baka high school pa lang 'to base sa itsura niya.
"Kilala mo?" Tanong sa 'kin ni Jiro habang natatawa kaya tumango ako. Nakita siya siguro 'yung gulat sa mukha ko kaya niya 'ko natanong.
"Medyo. He's the captain of our basketball team." Tumango ako at tumawa.
"He glanced at you earlier," Jiro raised both of his brows and wiggled it. "Crush ka yata."
"Hindi, 'a." Natawa ako dahil imposible naman 'yon. "Puntahan ko lang girlfriend mo, kanina pa 'yon naghahanap hindi na nabalik."
BINABASA MO ANG
Nice Game, Captain
Teen FictionKim, the captain of Lady Phoenix, decided to quit the team after the finals because her parents wanted her to focus only in her academics. Dominic, the captain of Blue Phoenix, pursue her to continue playing the sports she loves.