13

1.2K 37 4
                                    


"Congratulations, Blue Phoenix!"


Nandito pa rin kami sa arena dahil hinihintay namin na matapos ang awarding. Lumipat na rin kami ng pwesto dahil nandito na kami sa bench ng basketball team.


"Cap," lumingon ako kay Ria nang tawagin niya 'ko. "Anong regalo mo kay boss cap?"


"Wala," inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako. "Manahimik ka d'yan."


Matagal pa bago natapos 'yung awarding. Anong oras na yata n'on nung matapos kaya inaantok na rin ako. Sigurado ako na may pakain na naman si Coach R niyan. Hindi 'yon mawawala dahil nanalo na naman sila.


"Are you tired?" Dominic asked when the awarding finished. Nasa arena pa rin kami at nandito kami sa room kung saan nakalagay 'yung ibang gamit nila.


"A bit," I answered, eyes closed. Nakaupo ako sa isang upuan at siya naman ay nasa pagitan ng hita ko, nakatayo. "Magce-celebrate pa kayo?"


"Hmm," he held my chin, making me open my eyes. Our eyes met and I can see his tiredness. He smiled at me before nodding.


"Okay, take care." I smiled at him before kissing his cheeks. "Text me when you're already home."


"Okay, love," he smiled at me again. Tumingin ako sa paligid at abala pa rin silang nag-uusap. Sila Cha ay nakikipag-tawanan kila Coach habang 'yung dalawa, si Hera at Jen, ay kasama ang boyfriend nila.


"Okay, boys!" Napatingin kaming lahat kay Coach R nang bigla siyang sumigaw. "We'll celebrate at the bar and of course, that will be the last celebration na makakasama n'yo ang team captain n'yo."


Binalik ko ang tingin ko kay Dominic na maliit lang na nakangiti. He was holding my right hand and softly caressing it.


"It will also be the farewell party for the graduating players," dagdag ni Coach R.


Dominic and Yves are graduating, maiiwan nila si Jake na 3rd year pa lang. Naiimagine ko na nga ang itsura ni Jake kapag hindi na niya nakasama pa 'yung dalawa sa susunod na school year.


"Cap! Mamimiss kita!" Rinig kong sigaw ng isa sa teammates niya. "Wala na 'yung masungit na captain namin!"


Dominic laughed a little. He motioned his other hand to stop him from shouting. "Don't worry, nand'yan naman si Jake para mag-lead sa inyo next time."


"Huh?!" Gulat na napahawak si Jake sa dibdib niya. "Ako?!"


"Oo," si Yves ang sumagot para kay Dominic. "Ayaw mo ba?"


"Siyempre, gusto! Pero nakakagulat naman!" Hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Jake. Nakita ko ang pag-irap ni Hera sa tabi niya.


"You should be thankful," napalingon siya kay Hera nang magsalita 'to sa tabi niya. "Ikaw ang pinili niyang next captain."

Nice Game, CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon