04

1.5K 42 14
                                    


"Sila Mama po?"


Umuwi ako sa bahay para sana kamustahin sila Mama pero pagdating ko roon ay wala akong naabutan. Saturday naman pero wala na naman sila sa bahay. Wala rin naman kaming practice ngayon kaya ko naisipan muna na umuwi.


"Umalis po sila," sagot sa akin ng isang kasambahay namin.


Tumango ako bago dumiretso sa kusina para uminom. Kumunot ang noo ko nang makita kong maraming pagkain ang nakalagay sa lamesa.


"Manang," tawag ko. "Bakit po maraming pagkain? May ano po?"


Ngumiti lang sa 'kin si Manang at hindi ako sinagot. Nakakapagtaka dahil hindi ko naman sinabi na uuwi ako ngayon.


Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yon sa bulsa ko at tinignan kung sino ang nag-text. Binaba ko na ang basong pinag-inuman ko sa lababo bago sumandal sa sink.


From: Hera

Sama ka, Cap? Bar ulit kami mamaya


I chuckled before typing my reply.


To: Hera

Can't. Nasa bahay ako ngayon HAHA magpapahinga muna ako


From: Hera

Sige, Cap. Sasabihin ko na lang sa kanila


Umalis na ako sa kusina at tumambay muna sa living room para hintayin sila Mama. Nag-scroll lang ako sa Facebook hanggang sa makarinig ako ng ingay na papasok sa bahay.


Tumayo ako para salubungin sila pero nagulat ako nang makita kong kasama nila si Tita, ang bunsong kapatid ni Papa. Sinundo pala siya nila Mama!


"Oh, you're here." Sabi ni Mama.


"Oh my gosh! Tita!" Tumakbo ako papalapit sa kaniya. Hindi nalalayo ang edad namin ni Tita kaya siya ang pinakaclose ko sa lahat ng Tito at Tita ko.


Tumawa sila Mama nang makita ang reaksyon ko. Hindi man lang nila sinabi sa 'kin na uuwi pala si Tita!


"Kim!" Lumapit din siya sa 'kin bago niya ako niyakap.


Nakakamiss din pala si Tita dahil sa tagal na rin naming hindi nagkikita. Nagpunta siya abroad pagkatapos niyang mag-aral dahil doon siya nakahanap ng trabaho.


"I missed you!" I said as I hugged her tighter. She laughed as she kissed my head.


"Kamusta na ang pinakamahal kong pamangkin?" Tanong niya nang kumalas na siya sa pagkakayakap sa 'kin.


"Let's talk inside," I said. Gusto kong sabihin kay Tita 'yung pag-quit ko sa volleyball dahil simula nang maglaro ako noon ay suportado niya 'ko.


Nice Game, CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon