"Bakit naman kami magda-date dito?"
Tumawa nang malakas si Hera sa likod ni Coach dahil nakahanap na siya ng kakampi sa pang-aasar sa 'kin. Sumimangot ako kay Coach at tumalikod na lang. Tumawa lang din naman si Dominic sa tabi ko kaya mas lalo akong sumimangot.
Magsama silang tatlo diyan, kung ano-ano ang sinasabi.
"Malay ko diba," Coach shrugged. "Naabutan niya lang daw kayong dalawa dito."
"That doesn't mean we date here!" I tried to defend ourselves from their accusation. Humarap ulit ako sa kanila para samaan ng tingin si Hera. "Mas nauna nga siya sa 'kin dito."
"Ano ka ba naman, Cap! Okay lang naman na aminin n'yo na nagdate kayo dito, e. Kami lang naman ni Coach ang nakakaalam." Hera teased again.
"Hindi sana kayo magtagal ni Jake!" Sa sobrang inis ko ay halos isumpa ko na sila. Tumawa si Coach bago ibaba ang gamit niya sa upuan.
"Biro lang, Mendoza. Mamaya umalis ka nang biglaan, e," makahulugang sabi ni Coach. Umirap ako at kumuha ulit ng bola para doon ibuhos ang inis ko.
"Magugulat ka na lang, Coach," sumulyap ako kay Dominic at nakita ko ang pagbabago ng mood niya. Mukhang hindi na siya masaya sa nagiging usapan namin.
Hinagis ko ang bola at malakas na hinampas 'yon. Tama na 'yon, kaawa naman 'yung bola.
"Ano 'yang pinag-uusapan n'yo? I'm confused!" I shrugged at Hera, hindi na lang ako magsasalita.
Hindi rin nagsalita si Coach at hinayaan lang si Hera na mag-ingay. Natatawa minsan si Coach pero hindi niya pa rin ito sinasagot. Hindi naman makalapit sa 'kin si Hera dahil baka mabato ko lang siya ng bola.
"Are you sure you're quitting?" Tumingin ako kay Dominic, hindi siya nakatingin sa 'kin. Naka-upo na lang kami ngayon sa bench habang pinapanood pa rin na kulitin ni Hera si Coach.
Tumango ako at iniwas ang tingin sa kanya. Mamaya sabihin pa niya na tinititigan ko lang siya.
"Wala na bang makakapigil sa 'yo?" Umiling naman ako. Wala na talagang makakapigil sa 'kin unless sabihin nila Mama na ipagpatuloy ko lang.
"Isa na lang pag-asa ko ngayon," sabi ko habang nilalaro ang daliri ko. "Si Tita na lang."
"I can help you," seryoso niyang sabi kaya tumawa ako nang mahina at umiling sa kanya.
"Thank you but I'm sure she can handle my parents," sabi ko na lang habang umiiling pa rin sa kanya.
Ako na mismo ang hihingi sa inyo ng tulong kapag kailangan na kailangan ko na. Sa ngayon, kaya ko pa 'to ng mag-isa lang.
"You know..." Napatingin na lang ulit ako sa kanya at nakitang nakatingin na siya sa 'kin ng seryoso. Tinaasan ko tuloy siya ng kilay habang hinihintay 'yung susunod niyang sasabihin. "If you still play with the team, you can be a better person."
BINABASA MO ANG
Nice Game, Captain
Genç KurguKim, the captain of Lady Phoenix, decided to quit the team after the finals because her parents wanted her to focus only in her academics. Dominic, the captain of Blue Phoenix, pursue her to continue playing the sports she loves.