"Uy, Cap! Anong mukha 'yan? Natatakot na 'ko sa 'yo!"
I raised my middle finger in the air at narinig ko pa ang tawa nilang lima. Wala ako sa mood na makipag-biruan sa kanila. Naaalala ko 'yong sinabi sa akin ni Tita at hindi 'yon mawala sa isip ko.
"Hey," tumango ako kay Dominic nang pumasok na sila sa gym. Silang tatlo nina Jake ang bumili ng pagkain namin ngayon. Hindi ko pa rin nakakausap si Dominic tungkol sa pagpunta niya sa bahay noong isang araw.
Inihanda na lang nila ang kakainin namin pero tahimik pa rin ako sa tabi niya. Naiinis ako sa kaniya kasi bakit kailangan pa niyang pumunta sa bahay? At talagang sila Mama pa ang hanap niya! Bakit? Anong balak niya?
Susubukan niya rin kausapin ang mga magulang ko? Gusto niya rin na patigilin sila na pag-quit-in ako sa team? 'Yun ba?
"May problema ka ba?" He suddenly whispered then gave me my food. Umiling ako sa kaniya kasi hindi ko siya balak na kausapin ngayon dito. Huwag dito, maririnig nila.
He just gave me a look but didn't say anything. Hindi ko na rin siya pinansin at hinayaan niya na lang din naman ako. Nakikipag-usap pa rin naman ako sa team kaso hindi kagaya nung dati na nakiki-ingay rin ako sa kanila.
"Ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit ka nagkakaganyan?" Hindi ko sinagot si Cha nang abutan niya 'ko sa labas ng shower room. "Tungkol ba 'to sa pag-quit mo kaya ka nagkakaganyan?"
"Hindi," umiling ako sa kaniya habang inaayos ang gamit ko sa bag. Hinawakan niya 'ko sa braso para mapatigil ako sa paglalakad. "Nakaalis na 'yung iba, pwede mong sabihin sa 'kin."
"Hindi nga kasi 'yun tungkol doon," binawi ko ang braso kong hawak niya para maka-iwas. "Iba ang gusto kong maka-usap ngayon."
"Who?" Hindi pa rin siya tumigil sa pagsunod sa 'kin kaya huminto ako at hinarap siya. "Dominic?"
"Oo," diretso kong sagot sa kaniya. "Ikaw ba nagbigay ng address ng bahay namin sa kaniya?"
Bukod kay Lorraine, si Cha ang isa sa nakakaalam ng address bahay namin. Ang alam lang sa 'kin nina Hera ay 'yung address ng condo ko.
"He asked me to," tumawa ako nang mahina. Binigay niya ng walang permiso ko? Seryoso ba siya? "Hindi ko masabi sa 'yo kasi ang sabi niya sa 'kin ay huwag kong sasabihin sa 'yo."
"Nakaka-disappoint lang," umiling ako sa kaniya. Napayuko siya, hindi na alam ang sasabihin. "Isa ka sa pinagkatiwalaan ko, e."
Tinalikuran ko na siya pero napatigil ako nang magsalita na naman siya.
"Pinagkatiwalaan ka rin namin, Cap." Lumingon ako at nakitang nakayuko pa rin siya. "Pero bakit ganoon? Parang wala kang tiwala sa amin?"
"Sasabihin ko naman sa kanila, alam mo 'yan," tumango siya kahit nakayuko pa rin. "Hindi nga lang ngayon."
BINABASA MO ANG
Nice Game, Captain
Teen FictionKim, the captain of Lady Phoenix, decided to quit the team after the finals because her parents wanted her to focus only in her academics. Dominic, the captain of Blue Phoenix, pursue her to continue playing the sports she loves.