"Dominic..."
His kisses went down to my jaw as I pulled him closer to me. I closed my eyes as I felt him smirked when he went down from my jaw down to my neck. Pinatakan niya ng isang halik ang leeg ko bago niya nilayo ang mukha sa 'kin.
"'Yon ba ang gusto mong gawin ko?" He whispered, voice husky.
"Fuck you," nagmulat ako ng mata at sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa lang siya sa 'kin at pinatakan ulit ako ng halik sa labi. Naka-upo pa rin ako sa breakfast table habang siya ay nasa pagitan pa rin ng hita ko.
"Good morning too, love," he laughed again when he saw my annoyed face. "Galit ka pa rin?"
Hindi ko siya sinagot at tinulak lang siya. Bumaba ako sa lamesa para ayusin ang pinagkainan naming ginulo niya. Itulak ba naman niya sa gilid, buti nga hindi bumagsak.
"Love," he called me when I was washing the dishes. Kanina pa siya nanggugulo roon sa likod ko pero hindi ko lang siya pinapansin. Para kasi siyang bata! "Cap,"
"O, ano?" Humarap ako sa kanya nang matapos na 'kong maghugas. Nakasandal siya sa lamesa habang nakatitig lang sa 'kin. Tinaasan ko siya ng kilay nang hindi siya sumagot. "Hatid mo na 'ko sa condo, pupunta pa tayong practice."
"Okay," he smiled then he walked towards me to give me a peck. "Wait lang, maliligo na 'ko."
Tumango lang ako sa kanya kahit gusto ko na ulit siyang suntukin. Wala pa kaming isang araw pero nakakailang halik na siya sa 'kin! Mamaya baka mamihasa pa 'yan sa kakahalik sa 'kin!
Naupo ako sa sofa niya habang hinihintay siyang matapos na maligo. Nasa loob pa ng kwarto niya 'yung mga gamit ko. 'Yung cellphone ko nandoon pero ayokong pumasok, baka kung ano pa ang makita ko.
Sinubukan ko rin na mag-nap para makabawi pa ng tulog pero maya maya lang rin ay nagmulat ako. Inaalala ko 'yung ginawa niya sa 'kin kanina. Tangina, ang speed. Hindi naman 'yon ang gusto kong gawin niya! May hinihintay lang akong sabihin niya.
'Yun lang! Hindi 'yung manghahalik na lang siya bigla!
"Anong iniisip mo?" Napatingin ako kay Dominic nang lumabas na siya sa kwarto niya. He was wearing his usual practice outfit, a jersey short and a black shirt. Dala na rin niya ang duffel bag niya at gulo-gulo pa ang basa niyang buhok.
"Ikaw," sagot ko sa kanya. "Kung paano kita hihiwalayan."
"Kakasagot mo pa nga lang sa 'kin, 'yan na agad ang iniisip mo?" He looked hurt when he said that. "I'm hurt! You hurt me!"
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Niyakap niya 'ko sa bewang kaya natatawa akong yumakap sa kanya pabalik.
"Soft boy," tumawa ako sa tenga niya nang higpitan niya ang yakap. "Malapit na game niyo."
BINABASA MO ANG
Nice Game, Captain
Novela JuvenilKim, the captain of Lady Phoenix, decided to quit the team after the finals because her parents wanted her to focus only in her academics. Dominic, the captain of Blue Phoenix, pursue her to continue playing the sports she loves.