"Ako? Hindi ako marunong maglaro ng basketball!"
Sumimangot ako pero tinawanan lang ako ni Dominic. Bumalik ang tingin niya kay Froilan at nagpamulsa. Sumama na rin ang tingin ko kay Dominic bago nag-crossarms. Hindi ko alam kung ano'ng trip nitong lalaki na 'to ngayon kasi pati ako ay isinama niya.
"Kung ayos lang naman po kay Engineer, e, bakit hindi?" Froilan answered before glancing at me then smiling a little. "Gusto n'yo po ba, Engineer?"
"I don't know how to play!" Reklamo ko bago lumapit sa kanila para hampasin si Dominic. He looked at me, laughing. "Magiging pabigat lang ako sa grupo mo kapag sinama mo 'ko."
"Hindi 'yan," he shakes his head. "Magtiwala ka sa 'kin."
I sighed, tilting my head on the side. Ayokong makita 'yung mga mata niya, masyadong malalim. Nakakalunod. Mahirap sisirin dahil sa dami nang mga emosyon na nakatago.
"Bahala ka," huminga na lang ulit ako nang malalim bago tumingin kay Froilan. "Sige, sasama ako at huwag n'yo 'kong pagtatawanan kasi hindi talaga ako marunong maglaro noon."
"Okay lang po 'yon, Engineer," tumawa ng mahina si Froilan bago bumaling kay Dominic. Binigyan niya 'to ng isang maliit na ngiti. "Sabay-sabay na po tayong pumunta roon sa malapit na court, Architect."
"Sure," Dominic then smiled at him too. Tumingin siya sa 'kin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. He then gave me a thumbs up before smiling. "Pwede na 'yang suot mo, Engineer."
Agad ko siyang hinampas ulit nang magsimula na kaming maglakad. Nasa harapan namin si Froilan habang nakasunod lang kaming dalawa. "Pasalamat ka ganito ang suot ko ngayon."
Like I said, I don't wear heels kapag sa site ako dumidiretso kaya naka-rubber shoes ako. Siyempre, ako ang mahihirapan dahil malamang construction 'to! Mahirap maglakad kapag naka-heels, 'no!
"You don't wear heels whenever you're here in the site," he said casually – like he always checks me out. "Always rubber shoes."
"How did you know?" Sumingkit ang mga mata ko sa kaniya. "Don't tell me, you secretly visit the site these past few days?"
"Well," he avoided my eyes before laughing awkwardly. "You can tell that."
"You-" I suddenly stopped talking when he held my arm. Napatingin tuloy ako sa harap ko at nakitang nandito na kami sa court na sinasabi ni Froilan.
"Tara na po, Architect, Engineer," Froilan said as he stepped aside. He smiled at us when he saw Dominic's hand on my arm. "Sila po ang magiging teammates n'yo." He pointed to the four men.
"Kayo na lang maglaro, Dominic," I whispered at him. "Sakto naman na kayo."
"You already agreed," ngumisi siya sa 'kin nang mapang-asar. "Wala nang atrasan."
"Pwede pa, 'no!"
BINABASA MO ANG
Nice Game, Captain
Teen FictionKim, the captain of Lady Phoenix, decided to quit the team after the finals because her parents wanted her to focus only in her academics. Dominic, the captain of Blue Phoenix, pursue her to continue playing the sports she loves.