"Huh? Ano naman pag-aagawan nilang dalawa bukod sa bola?"
Tinawanan na naman nila ako at hindi sinagot ang tanong ko. I also saw how Dominic shakes his head while drinking. I glared at him but then he just shrugged at me. Bumalik na lang ulit sila sa game pagkatapos ng kaunting pahinga dahil wala na naman oras.
"Hoy, shoot n'yo na 'yan!" I cheered on Gab's team. Si Froilan ang may hawak noong bola at bigla niyang pinasa kay Gab 'yon. He jumped when he saw that he's wide open. Walang naka-predict noong ginawa ni Froilan kaya naka-shoot sila.
"Tie na!" I heard Ariel shout. "Bawi lang!"
Sila naman ngayon ang nag-offense. Nakakatuwa kasi talagang bumabawi ang bawat team habang ako, naroon lang sa bench, nagche-cheer. Nakakapagod din pala mag-cheer for both teams, nakakawala ng energy! Kaya nang matapos sila ay para na 'kong lantang gulay! Pawis na pawis din ako dahil sa sobrang init.
Panalo ang team nila Dominic, 78-75 ang score! Siya rin ang last na naka-score ng three points. Well, he's the former team captain and he always do that for the last seconds of the game. He always scored for his team, 'yun ang gusto niya.
"Congrats!" Mas una kong nilapitan ang team nila Gab. I tapped each other's shoulder while giving them a smile. Gab was the last one I gave a tap because I also squeezed it, telling him that it's okay.
"Hindi kami ang nanalo, Kristina. Bakit kami ang binabati mo?" Natatawa si Gab habang sinasabi niya 'yon sa 'kin. Sumulyap siya sa likuran ko at bahagyang ngumuso, parang may tinuturo siya roon. "Naroon sa kabilang team ang naghihintay sa 'yo."
"Congrats pa rin!" Inirapan ko lang siya at hindi pinansin kung sino ang nginunguso niya roon sa likuran ko. "Galing n'yo pa rin! Bawi na lang sa susunod kung mayroon pa."
"Imposible na po 'yon, Engineer," natatawang sabi ni Froilan sa 'kin. "Matatapos na po ang construction."
"Oo nga, e." Tumango ako at bahagyang nalungkot kasi matatapos na ang trabaho ko rito. Ang tagal ko rin silang nakasama tapos matatapos na 'to, hindi ko na alam kung kailan ko ulit sila makikita. "Pero ayos na rin sa inyo 'yon, 'di ba? Makakasama n'yo na ang pamilya n'yo ng matagal."
Naramdaman ko ang pag-akbay sa 'kin ni Gab kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin lang naman si Gab sa kanila kaya binalik ko na rin ang tingin sa team niya. I looked at Gab again when he sigh and saw him smile at them.
"Ang galing n'yo kanina," he gave them a thumbs up and smile wider. "May babaunin na kayong happy memories sa pagtra-trabaho n'yo rito, hindi 'yung puro sigaw na lang sa inyo."
Siniko ko si Gab kaya naalis niya 'yung braso niya sa 'kin. Hinawakan niya 'yung tiyan niya at natatawang tumingin sa 'kin. Umiling siya at bahagya akong tinulak gamit 'yung isang kamay. Ngumuso siya ulit sa likuran ko kaya tumingin na 'ko roon.
I saw Dominic talking to the others while holding two bottles of water, wala pang bawas 'yung isa. Binalik ko ang tingin kay Gab at tinaasan siya ng kilay. Natatawa na naman siyang nag-taas ng dalawang kamay at umiling sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Nice Game, Captain
Teen FictionKim, the captain of Lady Phoenix, decided to quit the team after the finals because her parents wanted her to focus only in her academics. Dominic, the captain of Blue Phoenix, pursue her to continue playing the sports she loves.