"Mauna na 'ko sa inyo, may pupuntahan pa 'ko."
Kumaway ako sa team pagkatapos kong mag-shower. Dala-dala ang duffel bag ko ay lumabas ako ng gym. Gusto kong magpunta sa stall dahil ang tagal ko na ring hindi nakakapunta roon.
Since ilang araw na rin naman na kaming hindi nag-uusap ni Dominic, hindi ko na rin naiisipan na magpunta roon. Ngayon na lang ulit kasi wala na 'kong mapuntahan na iba bukod sa condo.
"Ate, 'yung lumpia nga po." Nung last time na pumunta kami rito ay nasarapan ako sa lumpia nila. Gusto ko sana na ayain ang team dito, kaso baka kung anong sabihin sa 'kin ng basketball team.
"Uy," react ni Ate nang makita niya 'ko. Ngumiti lang ako sa kaniya at nag-abot ng bayad. "Hindi mo kasama boyfriend mo?"
"Sino po?"
"Si pogi!" Sinigaw pa niya talaga kaya napapatingin sa amin 'yung ibang nabili. "'Yung palagi mong kasama na napunta rito."
"Ah," awkward akong tumawa bago kunin 'yung biniling lumpia. "Hindi ko po siya boyfriend."
"Ganoon ba?" Tumango siya sa 'kin. "Akala ko kasi boyfriend mo 'yon! Sayang naman."
"Sige po, Ate." Ngumiti ako sa kaniya kaya ngumiti rin siya pabalik. "Thank you, aalis na po ako."
"Sige, ingat ka! Balik ka ulit ha!" Masigla niyang sabi at kumaway pa ng kaunti.
"Opo," ngumiti na lang ulit ako bago ako tumalikod. Naglakad ako pabalik sa kotse ko pero napahinto nang makakita ng pamilyar na kotse. Huminto 'yon sa likuran ng kotse ko at biglang lumabas si Yves.
"Cap! Ano'ng ginagawa mo rito?" Inirapan ko siya, hindi ba obvious? Tinaas ko 'yung binili ko kaya napatango siya. "Masarap 'yan, Cap."
"Hoy! Ano 'yang ginagawa mo, ha?" Tumingin ako kay Jake na kakababa lang sa kotse. May hawak-hawak pa siyang bola na akala mo ibabato niya kay Yves. "Lagot ka niyan!"
"Sabihin mo, may girlfriend ako." Tumawa lang si Jake bago lumapit sa amin. Kumaway pa siya sa 'kin kaya tumango lang ako sa kaniya.
"Hala!" Napatingin ako sa lumpia na binili ko nang ituro 'yon ni Jake. "Ganyan din pinapabili sa 'kin ni Cap!"
"E?" Tinignan din ni Yves 'yung lumpia na nasa plastic.
"Etlog," barumbadong sabi ni Jake.
"Hindi ka na sana sikatan ng araw," Yves raised his middle finger. Tumawa ako sa kalokohan nilang dalawa.
"Aalis na ako," tumango sila sa 'kin kaya ngumiti lang ako. Sumulyap ako sa kotse ni Dominic at nanatili lang siya roon sa driver's seat. Mukhang wala siyang balak na lumabas.
BINABASA MO ANG
Nice Game, Captain
Teen FictionKim, the captain of Lady Phoenix, decided to quit the team after the finals because her parents wanted her to focus only in her academics. Dominic, the captain of Blue Phoenix, pursue her to continue playing the sports she loves.