03

1.7K 48 32
                                    


"What?! No! Walang nangyari!"


Minsan, nakakabigla ang bunganga ni Lorraine. Ang straight to the point magtanong! Hindi man lang marunong magpigil!


"Relax, I'm just asking. Mamaya may nangyari talaga," natatawa niyang sabi sa 'kin. Binato ko tuloy siya ng throw pillow na nakuha ko na kaagad naman niyang iniwasan.


"Magtigil ka nga," naaasar kong sabi. "Nagpunta ka lang yata rito para mang-asar."


Umiling siya bago lumapit sa 'kin. She sat beside me before throwing her arms on my shoulder.


"I'm here to talk about you quitting volleyball," inirapan niya 'ko, halatang ayaw sa desisyon ko.


I chuckled a bit. Seriously, hindi pa rin siya tapos dito?


"I told you, it's really okay. I already told our coach, hindi ko na pwedeng bawiin pa." Nilapit niya 'ko sa kaniya dahilan para mayakap niya ang leeg ko na parang sinasakal niya 'ko.


"Babawiin mo 'yan. May tiwala ako sa 'yo."


Sana nga mabawi ko pa dahil magugustuhan ko kapag nangyari 'yon.


"Hilingin mo lang, malay mo matupad." I said as I completely ignored her she'll choke me to death.


"Sige," sabi niya bago niya 'ko bitawan. "Ano'ng gusto mo kainin? Magluluto ako mamaya sa lunch."


"Wow, chef ka na? Akala ko ipagpapatuloy mo ang pagsusulat mo." Asar ko naman sa kaniya. "Hindi mo ba malutuan ang boyfriend mo kaya ako na lang lulutuan mo?"


"Gaga," she said before standing up. Pumunta siya sa may lamesa at naglabas nung mga pinamili niya. Huminto siya sa ginagawa at tinignan ako habang nakataas ang isang kilay. "Ano nga gusto mo?"


"Alam mo naman paborito ko kapag ikaw ang nagluluto," umirap ako. Alam na alam naman na niya 'yung gusto ko pero bakit tinatanong pa niya?


"Right, chicken adobo." Inayos niya muna ang mga pinamili niya bago lumapit sa T.V. para buksan 'yon. She opened my Netflix at nanood lang kami ng movie roon.


"How are you and Jiro by the way?" I suddenly asked after watching the second movie she played. Naghahanap na ulit siya ng susunod pero napatigil nang magtanong ako.


"We're good," she answered but in a low voice. Oh, something's not good. "Just busy with schools."


They're in different university, first year pa lang. Buti nga nakayanan nilang dalawa kaso mukhang may nangyayari ngayon.


"He's busy with his law books while I'm busy with my writings," binaba na niya tuloy 'yung remote nung T.V. para ibaling sa 'kin ang atensyon.


"You guys will keep it up," I cheered her up. "Knowing you guys, you're a strong couple. Mapapa-sana all ka na lang."

Nice Game, CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon