30

1.2K 28 0
                                    


"So, I am his daddy, huh?"


Dirediretso lang akong naglalakad papasok sa bahay habang siya ay nakasunod lang sa 'kin. Wala pa rin siyang suot na damit kaya humarap ako sa kaniya bigla. He stopped from walking too, wearing his signature smile. A teasing one.


"Wear your shirt, Dominic," I said using my serious tone. He smiled wider, teasing me again. "I'm serious. Nasa kusina lang si manang at kapag nakita ka noon, baka ano pang isipin sa 'tin."


He just looked at me and slowly walked towards me. I stepped backward and almost yelped when I suddenly fell on the sofa. Nabitawan ko si Yum na buhat-buhat ko kaya naman nagtatakbo na 'to sa loob ng bahay. Dominic leaned on me, putting both of his hands on my side for support.


"What are you doing?" Nilakasan ko na lang ang loob ko habang sinasabi 'yon sa kaniya. Nawawalan ako ng lakas na itulak siya dahil nakahubad siya ngayon sa harap ko.


Dang, he has a nice body. Kahit ang tagal na niyang hindi athlete, napapanatili pa rin niya 'yung maganda niyang katawan. Samantalang ako, minsan na lang mag-work out pero napapanatili ko pa rin naman 'yung katawan ko noong college.


"Hoy, DJ. What the hell?" I whispered to him when he slowly leaned down. I put my hands on his chest, preventing him from leaning more.


"DJ," he said in a low voice before sitting beside me. Sinuot na rin niya 'yung damit niya kahit basa pa. "It's your first time saying my other nickname."


"Hindi ka sanay?" Napahinga ako ng maluwag pagkatapos niyang lumayo sa 'kin.


"Hindi naman," umiling siya at tumingin sa 'kin. He wrapped his arm around my waist and pull me closer to him. He put his chin on my shoulder and lightly kissed it. "Sabi ko nga sa 'yo, unang pagkakataon mo 'kong tinawag niyan."


"Gusto mo bang 'yun na lang itawag ko sa 'yo?" I asked him.


"Call me whatever you want." Binitawan niya 'ko nang tapikin ko ang braso niya bago siya sumandal sa couch at pumikit. Tumayo naman ako para kumuha ng damit na pwede niyang gamitin at saka magpapalit din ako.


"Diyan ka lang, ikukuha lang kita ng damit." Pumunta muna ako sa kusina para tignan kung tapos na ba si manang na magluto. Pagpunta ko roon, hinahanda na niya 'yung mga pagkain. "Manang, dalawang plato po ah."


I winked at her and she just laughed at me. Siya yata ang nagpapasok kay Dominic kanina kaya hindi na siya nagulat nang sabihin kong dalawang plato ang ihanda niya. Nakita kong nakatayo na si Dominic nang dumaan ulit ako sa sala.


"Sasama ka?" I asked him when he started walking. He nodded and walked behind me. Sa kwarto ako dumiretso para uunahin ko ang sarili kong magpalit muna ng damit. Makakapaghintay naman si Dominic kaya ayos lang naman siguro sa kaniya.


Nang makapasok kami sa kwarto ko, nilibot niya ang paningin niya roon. Wala lang halos nagbago sa kwarto ko pero wala na 'yung mga picture ko na nakalagay sa side table. Nilagay ko na 'yon sa kwarto ko roon sa condo.

Nice Game, CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon