"What did he say to you?"
I saw how worried Gab was when I sat on my chair. I just smiled at him and tapped his shoulder. Hindi naman sa ayaw kong sabihin sa kaniya 'yung sinabi sa 'kin ni Dominic, ang sa 'kin lang ay huwag sana dito. Baka kasi marinig pa niya o bigla na lang siya lumabas doon sa office.
"Huy, ano nga? Umiyak ka ba sa harapan niya?" Pangungulit niya pa rin. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. "Ang tagal n'yo rin na hindi nagkita, ah? Ilan na nga? Magdadalawang taon?"
"Gago ka talaga," masama pa rin ang tingin ko sa kaniya. "At oo, magdadalawang taon."
He chuckled before leaning on his chair. He crossed his arms, looking at me with his teasing smile.
"O, move on," he commented before chuckling. "Bawal maapektuhan ng presensya."
Nang mag-break kami ni Dominic, I heard he got an opportunity to work in Spain. Pagkatapos noon, hindi na 'ko nakarinig ng balita pa sa kaniya. Kaya lang naman ako napunta rito sa Gonzales Company ay dahil kinuha ako ng Daddy ni Dominic. Mag-iisang taon pa lang ako rito, hindi pa 'ko ganoon katagal.
Kaya nagulat ako nang kunin ako ni Engineer Bernardo para sa project na 'yon sa QC. Wala akong kaalam-alam na si Dominic ang nag-design nung building na 'yon.
Si Gab naman, siya ang unang nakilala ko rito sa kumpanya. Sa kaniya ko rin na-kuwento ang naging relasyon namin ni Dominic. And I was so thankful to him, kasi hindi niya kinuwento sa iba ang tungkol doon. Ang sabi niya rin naman sa 'kin ay hindi niya kilala si Dominic dahil magdadalawang taon pa lang siya rito. Ibig sabihin, nagsimula siya rito nang makaalis na si Dominic.
"Hindi," inirapan ko siya at biglang napunta ang atensyon namin sa office ni Engineer Bernardo nang bumukas ang pinto noon.
Napatayo ang iba, kasama na 'ko roon, habang 'yung iba naman ay nagtatakang tumingin sa kaniya, hindi siya kilala. Tumikhim si Althea, 'yung tumawag sa 'kin, at lumapit kay Dominic na nakita kong sumulyap pa sa 'kin kanina.
"Everyone," nabaling ang atensyon kay Althea nang bigla itong magsalita. Tinuro niya si Dominic at ngumiti ng maliit. "This is Architect Dominic Jared Gonzales, the son of Architect Dalia Gonzales and CEO Alexander Gonzales."
Napatayo 'yung mga hindi tumayo kanina, kasama na roon si Gab. Natawa pa 'ko sa kaniya dahil kanina ay nagtataka siyang tumingin sa 'kin nang tumayo ako. I saw how he glanced at me and I chuckled.
"Nice to meet you all," ngumiti si Dominic ng maliit bago nagpamulsa.
"Last week lang siya rito dumating sa Pilipinas, galing ng Spain. Kaya 'yung iba sa inyo ay hindi siya kilala." Althea added. "He's also the one who designed the project Engineer Bernardo and Engineer Mendoza currently working on."
Gab leaned on my ear and slightly come close to me. "Kaya ka niya pinatawag?" He whispered.
BINABASA MO ANG
Nice Game, Captain
Novela JuvenilKim, the captain of Lady Phoenix, decided to quit the team after the finals because her parents wanted her to focus only in her academics. Dominic, the captain of Blue Phoenix, pursue her to continue playing the sports she loves.