22

1.1K 28 3
                                    


"Ah, I mean- Architect! Ikaw po pala ang nakakuha kay Yum."


I bit my lower lip to stop myself from saying something. I looked at Gab who was staring at me. He's teasing me with his wide smile. Tinalikuran ko siya para maka-usap nang maayos si Dominic.


[Oh.] He sounded amused but then shrugged it off. [Kukunin mo na ba siya?]


Pero makulit si Gab at sumunod sa 'kin. Tinapat pa talaga niya 'yung tenga niya sa cellphone ko, pinapakinggan din 'yung sinasabi ni Dominic. Tinulak ko siya para lumayo siya sa 'kin at tinawanan niya lang ako. Bumalik na lang siya sa pagkakasandal sa pader at nagpamulsa.


"Huwag ka nga magulo," banta ko sa kaniya nang ilayo ko ang cellphone ko. "Isa ha."


[Engineer?] Dominic called on the other line. [Idadala ko na lang siya sa unit mo, kung gusto mo. I.. Uhm.. meeting with a friend.]


"Okay lang ba sa 'yo, Architect?" Tumaas ang isang kilay ko kahit hindi niya nakikita. "I mean, wala naman po problema sa 'kin. Nasa mabuting kamay naman po ang alaga ko."


[Yeah, okay lang sa 'kin.] I heard him chuckle a bit. [Mabilis lang ako so you don't need to worry about him.]


"Thank you, Architect," I smiled a little.


[No worries. He's cute, though.] He said before ending the call.


"O, ano'ng sinabi sa 'yo ni Architect?" Tumaas ang isang kilay ni Gab nang humarap na 'ko sa kaniya. Hindi ko siya sinagot at tinago na lang 'yung cellphone ko. "Wow, secret ba, Engineer?"


"Ikaw? Ano 'yung sinabi mo kay Dominic kanina nung kumain kayo?" Ako naman ang nagtaas ng kilay sa kaniya kaya naman napaayos siya ng tayo. He looked amused while staring at me then he chuckled.


"Wala naman. Nagtanong lang siya ng tungkol sa 'kin." He shrugged before putting his hands on his pocket. Nauna na siyang maglakad pabalik sa unit ko kaya naman sumimangot ako at sumunod. "At sa 'yo."


"Huh?" Sa 'kin din? "Ano-ano 'yung mga tinanong niya sa 'yo?"


"Sa naging buhay mo," he glanced at me and smiled a little. "Hayaan mo, hindi ko naman sinabi na mahal mo pa rin siya."


"What the hell, Gab!" Hinampas ko siya sa braso niya kaya lumayo siya ng kaunti sa 'kin. He laughed a little before opening my unit's door. "'Yang bibig mo talaga, walang pigil."


"Joke lang, captain," natatawa niya 'kong hinila papasok sa loob ng unit ko at sumunod siya. He sighed before sitting on my sofa and lean on it. He also closed his eyes while his hands were on the back of his head. "Halata naman kasi sa 'yo, Kristina. Hindi mo naman kailangan itanggi. Marupok ka, alam ko."


"Tangina ka talaga," he opened his eyes before glaring at me. He then pointed at me – like I did something wrong.

Nice Game, CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon