"Sorry, ate! Kailangan ko nang umalis, hinahanap na 'ko sa school."
Kinuha ni Alexa ang drinks niya bago niya hinila patayo ang kapatid. Hindi na tuloy ako naka-react sa sinabi ni Dominic kaya ngumiti na lang ako kay Alexa. Hindi rin ako makatingin nang diretso kay Dominic. Naiilang ako!
"Ganoon ba? Sige, I'll see you on Wednesday." I gave her a small smile before standing up. Lumapit siya sa 'kin para yakapin ako habang nakatingin lang sa 'min si Dominic. His hands were on his pocket.
"See you, ate!" She waves at me, pulling his brother along with him.
Hindi na rin ako nag-abala pang gumala sa loob ng mall. Wala naman kasi akong kailangan ngayon o sa bahay, kumpleto pa naman. After that, I drove to my condo then played with Yum. Buong maghapon, nagpahinga na lang ako. Bumawi na rin ako ng tulog para bukas, hindi na 'ko mukhang kulang sa tulog.
"Good morning, Kristina!" Gab greeted when I sat on my chair. Lumapit pa siya sa 'kin, hindi kuntento na medyo malayo siya sa 'kin. "Mukhang hindi ka sa site ngayon, ah? Ano'ng mayroon?"
"Mamaya pa 'ko roon," I answered him before doing my works. Hindi naman siya umaalis sa tabi ko, nakangiti lang. "Hindi ko nakakalimutan 'yung sinend mo sa 'kin. Kaya umalis ka na diyan sa tabi ko at baka masuntok kita."
"Pikon," umiling siya habang natatawa. "Joke lang naman 'yon! Wala na kasi akong mapag-send-an kaya sa 'yo na lang."
"Ah, so last choice mo na lang ako?" Tumaas ang kilay ko sa kaniya kaya kaagad na siyang lumayo sa 'kin habang nakataas pa ang dalawang kamay. "Ganoon, huh."
"Huy, hindi, ah!" Tanggi niya kaagad. "Sa 'yo ko kaya 'yon unang sinend."
"Palusot," I pointed at him before rolling my eyes. "Bumalik ka na lang sa trabaho mo."
He was laughing while looking at me, parang may nakakatawa sa sinabi ko. Hindi na rin niya 'ko ginulo pagkatapos noon kaya naging tahimik ang pagtra-trabaho ko. Nang mag-lunch na, inaya niya 'kong kumain sa labas kaya um-oo na lang ako.
"Oo nga pala, gusto mo bang makipag-laro ng basketball sa mga workers?" I suddenly asked him out of nowhere.
Nandito na kami ngayon sa malapit na restaurant sa kumpanya. Nilakad na lang namin 'tong dalawa kahit mainit. Ayos lang naman, malapit lang naman talaga. Saka sayang din naman sa gas kung magko-kotse pa kaming dalawa.
"Sure! Kailan ba?" Masaya niyang sagot sa 'kin. Sumubo muna ako ng pagkain ko at inubos 'yon bago siya sinagot. Siya na lang 'yung pumalit sa position ko tapos sasamahan ko na lang si Justin sa gilid, kami 'yung magche-cheer!
"Hindi ko pa alam, kapag hindi ulit nagpunta si Engineer Bernardo sa site." I shrugged and he just gave me a thumbs up. "Text kita kapag wala siya."
"Sige lang! Sino ba 'yung makaka-team ko?" I smirked at him which made him widened his eyes. "Huwag mong sabihin na kasama ko si Architect?"

BINABASA MO ANG
Nice Game, Captain
Teen FictionKim, the captain of Lady Phoenix, decided to quit the team after the finals because her parents wanted her to focus only in her academics. Dominic, the captain of Blue Phoenix, pursue her to continue playing the sports she loves.