14

1.2K 42 2
                                    


"Okay nga lang, love."


Birthday na niya bukas at 'yun nga, finals na! Tapos itong si Dominic naman ay parang mawawala sa tabi ko dahil hindi na niya 'ko binibitawan. Nakaupo kami sa sofa dito sa living room at siya ay nakayakap na naman sa bewang ko.


"Sa livestream ka na lang manuod," tumawa ako nang malakas nang maalala 'yung ginawa ko sa kanya nung finals ng basketball.


Okay lang naman sa 'kin na hindi siya makapanuod sa mismong arena. Pero siyempre, iba pa rin sa pakiramdam kapag naroon siya. I have my inspiration to win the game.


"Kristina Imogen,"


"Hmm.." I was busy scrolling on my Instagram when someone messaged me. Galing kay Lorraine. "Wait lang, Lorraine messaged."


itslorraine: hoy kristina imogen


kristinaimogen: Ano na naman


itslorraine: sasabay na kami kila Tita papunta sa arena


kristinaimogen: Okay, see you there! Muah


I smiled when she greets me good luck. Tahimik lang si Dominic sa tabi ko na mukhang malalim ang iniisip. Binaba ko ang cellphone ko at hinawakan ang kamay niyang nasa tiyan ko.


"Hey," nag-angat ang tingin niya sa 'kin kaya nilingon ko siya ng kaunti. "Birthday mo bukas dapat hindi ka malungkot."


I was trying to lift up his mood. Hindi naman na nila 'yon kasalanan kung hindi na sila nakabili ng ticket. Well, it got sold out already and that's not their fault. Hindi naman nila akalain na gan'on kabilis mauubos 'yung ticket.


"'Yun na nga, birthday ko bukas pero bakit ganito? Hindi man lang ako pinagbigyan na mapanuod ka sa arena bukas!" He was sulking.


I laughed a little.


"That's life," I shrugged at him. "Minsan hindi lahat ng gusto mo ay nakukuha mo."


"Unfair," he whispered.


I pinched his cheeks making him made a face.


"Life's so unfair, love," natatawa kong sabi sa kanya. "Maybe because there's something big that will come on your birthday that's why you didn't get a ticket."


He nodded at me and he looks like he's still not convinced.


"Gagawa ako ng paraan," he whispered again.


Ngumiti na lang ako at iniwas na ang tingin sa kanya. Tumayo na 'ko at hinila na siya. Kailangan ko nang ihanda 'yung regalo ko sa kanya at 'yung cake na binili ko kanina. Tinago ko 'yung cake sa closet ko kasama 'yung regalo.

Nice Game, CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon