01

3.5K 77 19
                                    


"I want you to focus on your study, Kim."


Napapikit ako nang mariin nang maalala ko ang sinabi nila Mama at Papa sa akin kanina habang busy ako sa paggawa ng mga requirements na next week pa ang deadline. Maaga ko namang ginagawa 'yung mga requirements ko para hindi na maging hassle pa kapag nagsimula na ulit kaming mag-training para sa volleyball pero bakit gano'n? Gusto pa rin nila akong mag-quit sa paglalaro?


"I don't want," sabi ko kahit hindi naman maririnig 'yon ni Mama. College na ako pero sila pa rin ang dapat masunod.


Minsan, naiinggit na lang ako kay Lorraine dahil hindi na siya pinapakialaman nila Tita sa kaniyang mga desisyon sa buhay. Ang swerte na rin niya kay Jiro dahil suportado rin siya sa lahat ng gusto niya sa loob ng ilang taon nilang magkasama.


Ako? Ito, hawak pa rin sa leeg ng mga magulang ko.


Susubukan sana na kausapin ni Lorraine sila Mama tungkol sa paglalaro ko ng volleyball pero pinigilan ko lang siya dahil baka magalit pa sa kaniya sila Mama and I don't want that to happen.


"Come on, Kim. I'll talk to Tita and Tito," Lorraine said while I'm having a phone call with her.


"It's okay, ayaw ko na rin naman na maglaro." And that's a lie dahil mahal na mahal ko ang paglalaro ng volleyball.


"Stop lying. I know you," napangiti ako ng mapait pagkatapos niyang sabihin 'yon. Humilata ako sa kama ko at tumingin sa kisame. Iniisip kung susundin ko ba ang gusto nila Mama.


"Pagkatapos nitong laban namin sa school n'yo, I'll quit as the captain of the team." Sabi ko kahit labag sa kalooban ko ang pag-quit sa volleyball team. I just want to enjoy my life but there's a wall blocking it.


"Kim," malungkot niyang tawag sa akin. "I'm serious, I'll talk to Tita and Tito."


"Lorraine, It's really okay. You don't need to do that," sabi ko habang nakangiti nang malungkot at nakatitig pa rin sa kisame.


Ayoko talagang iwan ang pagvovolleyball ko pero dahil 'yun ang gusto nila Mama ay wala na akong magagawa. Hindi ko kayang sabihin 'yung nararamdaman ko sa kanila dahil baka ang isipin nila ay nag-iinarte lang ako at ayoko silang sundin.


"Sige na, I'll see you soon! Love you," paalam ko at hindi na siya hinintay pang sumagot dahil baka pilitin pa rin niyang kausapin sila Mama.


Nag-open na lang ako ng messenger ko para i-check kung tuloy ba 'yung training namin ngayong hapon. Five months from now, the last game will start and five months from now, I'm no longer the captain of the volleyball team.


Riana: @Captain tuloy daw practice ngayon sabi ni Coach


Kim: Sige sige, nand'yan na ba kayo?


Charity: I'm on my way na.

Nice Game, CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon