12

1.2K 48 2
                                    


"Don't worry, they're nice."


Hinawakan niya 'yung kamay ko bago ako hatakin papasok sa bahay nila. Sobrang laki ng bahay nila Dominic, aakalain mong nasa ibang bansa ka sa sobrang ganda nung design at sobrang lawak. What do you expect? Her mother is the head architect of their company. Malamang, siya ang nag-design nito.


Naka-suot na 'ko ngayon ng white dress and sandals, may dala rin ako na small purse. Siya naman, naka black ripped jeans at white polo na nakatupi na naman hanggang siko niya.


"Alexa," he called his sister as we saw her sitting in one of the couches in their living room. Tumingin siya sa amin at kaagad na tumayo.


"Uy, hello ate," sa 'kin siya kaagad lumapit at hindi man lang pinansin ang Kuya niya. Sumulyap ako kay Dominic at nakitang hindi man lang siya natinag. "Malapit na po finals 'di ba? Manunuod po ako!"


"Sure," ngumiti ako. "I'll see you there!"


"Alexa," napatingin siya sa Kuya niya. "Where's Mom and Dad?"


"Kuya," she giggled. "Nasa kitchen sila."


"Tara," hinawakan ni Dominic ang kamay ko at hinatak ako nang marahan. Kinakabahan ako habang lumalapit kami sa kitchen nila. Gusto ko na lang ulit magtago at huwag magpakita.


"Dad," napalingon sa amin ang Daddy niya nang tawagin niya 'to. Naka-upo sa high chair ang Daddy niya habang kumakagat ng tinapay na hawak niya.


"Dominic," dumako ang tingin sa 'kin ng Daddy niya. "Are you Kim?"


"Yes po, Sir," ngumiti ako. "Kristina Imogen Mendoza."


"Hi, nice to meet you!" Lumapit din sa amin 'yung Mommy niya. Katatapos lang nitong kunin ang binake niya. May suot pa siyang gloves nang lumapit sa amin.


"Hello po, Ma'am." Hinawak ko ang isang kamay ko sa braso ni Dominic. "Nice to meet you po."


His parents both giggled, nagkatinginan pa silang dalawa na akala mo may nakakatawa sa sinabi ko. Damn, mas lalong gusto ko na lang na magtago.


"Hi, Kim! You're a volleyball captain, right?" Tumango ako at ngumiti sa Mommy ni Dominic. "We're the same! Nung college rin ako, captain din ako!"


Kaya siguro player rin si Alexa, tinrain siguro siya nung Mommy nila.


"And my husband right here..." Itinuro niya ang asawa niya na kumakain pa rin ng tinapay. "He was a basketball player too! Ang kaibahan lang ay hindi siya captain."


Ang sporty naman ng pamilya nila. Base nga sa narinig ko noon kay Tita, kaya pinatitigil ako nila Mama na maglaro ay dahil ayaw nila akong matulad kay Papa, na nagkaroon ng malalang injury.


Hindi naman kasi nila nabanggit sa 'kin na naglalaro din si Papa noon ng volleyball kaya wala 'kong alam. Hindi rin nila nababanggit sa 'kin na may sports pala sila.

Nice Game, CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon