10

1.4K 43 12
                                    


"Sobra akong nagpapasalamat sa 'yo, Dominic."


Nanlalaki pa rin ang mata niya na nakatingin sa 'kin, hindi makapaniwala. Feeling ko maiiyak ako sa harap nilang apat kapag hindi pa rin ako umiwas ng tingin sa kaniya. Nakita ko rin ang pag-iwas niya ng tingin sa 'kin at nginitian si Tita. I can't tell how happy I am right now.


"Mama, Papa," mahina kong tawag sa kanila. They just gave a smile before glancing at Dominic. "Thank you."


Umiling sila sa 'kin bago tumawa nang mahina. "Hindi kami ang dapat mong pasalamatan, ibinigay lang namin ang kasiyahan mo," sabi ni Mama.


I reached for his hand under the table and squeezed it a little. Napatingin ulit siya kaya ngumiti ako sa kaniya. Binitiwan ko rin kaagad 'yon at nilagay na lang sa lap ko 'yung kamay ko.


I mouthed 'thank you' at him, mamaya ko na lang siya kakausapin nang mas matagal. Ayoko sa harap nila Mama dahil hindi ko gusto na makita nila akong umiyak ng todo. At least kay Dominic, alam na alam na niya kung ano itsura ko tuwing umiiyak.


"Manonood kami sa finals," napatingin ulit ako kay Mama. "Susuportahan ka namin."


"Mahal ko kayo," I gave them a finger heart. Natawa silang tatlo sa ginawa ko at ganoon din ako. "Pero sana sinabi n'yo kaagad sa 'kin ng maaga para hindi ako nagalit sa kaniya kagabi."


Hindi na napigilan ni Tita ang pagtawa nang malakas dahil sa reklamo ko.


"Sasabihin na nila sana sa 'yo kagabi, nagmamadali ka lang. Kahit ako, kagabi ko lang din nalaman pagkatapos mong umalis," paliwanag niya habang natatawa pa rin.


Nagalit ako kay Dominic na hindi alam na siya pala ang makakapagpalit sa desisyon ng mga magulang ko.


Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan sila Tita na kausapin siya.


"Ano'ng course and year mo na Dominic?" tanong ni Papa. May hawak pa siya na wine sa kamay. Naglabas kasi siya kanina habang magkausap kami ni Tita.


"Architecture, 4th po," magalang niyang sagot kay Papa.


"Do you have sports too? Pansin ko kasi you have a good body!" Tumango siya kay Tita. "What sports?"


"Basketball po," awkward siyang ngumiti kay Tita kaya natawa ako sa kaniya. Napatingin siya sa 'kin at sinamaan ako ng tingin. I shrugged at him before drinking water, hiding a smile.


"Captain ka rin?" tanong naman ni Mama. Tumango siya ulit bago inabot ang wine na binigay ni Papa sa kaniya.


"Thank you po, Mr. Mendoza." He said before drinking a bit. "Humihingi na rin po ako ng paumanhin kung naabala ko kayo nitong nakaraang mga araw."


"Wala ka dapat ikahingi ng tawad, Dominic! Dahil nga sa 'yo, nabuksan ang isipan nila Ate, 'e!" Tinignan ni Papa si Tita nang masama kaya natikom niya ang kaniyang bibig.

Nice Game, CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon