25

1.1K 28 2
                                    


"I already texted them. Ang kailangan na lang natin na gawin ay hintayin sila."


We made our way on the seat we just reserved. Nauuna si Gab sa 'kin habang tinatago ko 'yung cellphone ko sa bulsa, siya 'yung nakakaalam kung anong couch kami, e. Siya na rin ang nag-decide kung saang bar kami, halos malapit lang yata 'to sa kumpanya.


Sa second floor 'yung couch na na-reseve niya kaya tumaas pa kami. Dalawang couch 'yon kasi marami kami at baka hindi kami magkasya. Kaya para safe, dalawa.


"Okay," he said before sitting in the couch. Sumunod naman ako sa kaniya, doon sa tapat niya. "Nag-reply ba sila?"


"They don't," I glanced at my phone. "Pupunta 'yon sila. Huwag kang mag-alala."


Mukha siyang nag-aalala kahit wala naman dapat. I don't know! Alam ko naman na makakasundo niya lang din naman 'yung mga kaibigan ko because he's a good person. He has a good personality, na talagang magugustuhan mo sa kaniya as a person. And oh, dimples. He has one, on his right cheek.


"Kinakabahan ako," sabi niya sa 'kin at humawak pa sa dibdib niya, pinapakiramdaman ang tibok ng puso. "Mamaya maging boyfriend mo na naman ako."


Ever since we got close to each other, halos napagkakamalan ng boyfriend ko siya. Ewan ko ba, bakit ganoon ang tingin sa 'min ng tao sa paligid namin. Kahit ang totoo naman, magkaibigan lang naman kami.


"Na naman?" I furrowed my brows, curious. He let out an amused smile before chuckling. "Sino nagtanong sa 'yo na boyfriend kita?"


"Si Architect Gonzales!" He answered. "Naalala mo ba 'yung inaya niya 'ko ulit na mag-lunch noon? 'Yun! Nagtanong siya sa 'kin!"


"Nagtanong din siya sa 'kin," I informed him. Buti na lang, na-open up niya 'yung ganitong usapan. "He even said that he's glad that I'm single."


He was about to say something when I suddenly stood up. I saw Lorraine and Jiro, walking towards our couch. I smiled at them before waving a little. Lorraine runs, dragging Jiro along with her.


"Kristina Imogen!" Tumakbo na rin ako palapit sa kaniya at sinalubong siya ng yakap. Parang sobrang tagal namin na hindi nagkita, ah. "Kumusta ang aso mo?"


"I named him, Yum," I forgot to tell them that. "And to answer your question, he's okay."


"Mommy duty," she teased me before glancing at Gab. "Oy, Gab."


Gab looked at her and smiled a little. Hindi niya maasar si Lorraine kasi kasama nito si Jiro, hindi pa naman sila pormal na magkakilala. Inaalala niya siguro na baka kung ano ang gawin sa kaniya ni Jiro kapag inasar-asar niya si Lorraine.


"Oy, Lorraine." I saw how Lorraine smirked at him. "Oy, oy, Huwag ka tumingin nang ganiyan sa 'kin, ngayon lang 'to."


Tumawa si Lorraine bago hilahin palapit sa kaniya si Jiro. Lorraine put her hands around Jiro's shoulder making him bended a bit.

Nice Game, CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon