"Why are you trending on Twitter, Miss Captain?"
I rolled my eyes at Lorraine when we entered my unit. Binagsak ko ang sarili ko sa sofa habang siya ay nakatayo sa harap ko. She was scrolling on her Twitter while her brows are furrowed. Kanina pa siya roon nakatitig sa phone niya habang naglalakad ako papunta rito sa unit ko.
"What is this?" Tumayo ako para uminom ng tubig. Pinapanood niya 'yung nangyari kanina sa video. Mayroon na kaagad na video na nakakalat. Ang bilis talaga ng balita. "Is he yelling your name?"
Kagagaling ko lang sa pakain ni Coach bilang celebration sa pagkapanalo ng team. Hindi ako nagtagal doon dahil bigla na lang siya tumawag sa 'kin na nandito na naman siya sa unit ko. Hindi ko alam kung ano na naman ang nangyari sa kanila ni Jiro pero sana, wala naman.
"Yeah," I answered. Dominic was also the one who dropped me here. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko dahil kanina pa kami pinagtitripan ng team! As in buong team, kasama na roon 'yug mga kaibigan ko.
"Sino 'yung lalaki?" Naka-kunot pa rin ang noo niya habang paulit-ulit na pinapanood 'yung video. "Hindi ko makilala!"
Nakatalikod kasi si Dominic doon sa video habang ako lang ang nakikita ang mukha. Isa siguro sa team ni Dominic ang nag-video nung ginawa niya kanina kaya hindi kita ang mukha niya. Halatang-halata pa roon sa video kung paano ako magtaka sa ginagawa niya kanina.
"That was Dominic, the team captain of our basketball team," I answered before washing the glass.
"Si Mister Captain?! Siya 'to?" Gulat niyang sabi.
Tumango na lang ako bago itabi ang basong pinag-inuman ko. Sumunod siya sa 'kin papunta sa kwarto and sat on the edge of my bed. I don't know what to say to her because I really don't have any idea of what happened.
"He told me something," I said while looking at her phone. The video was still playing at kitang-kita ko ang pagtalon ng mga kateam niya doon sa video. Ang gulo nila kanina! 'Yun na ata 'yung part na sumigaw si Dominic.
"Yeah, I heard he was saying something. Hindi ko lang maintindihan kasi ang ingay nung background." Nilapit pa niya sa tenga niya 'yung cellphone niya para maintindihan 'yung sinisigaw ni Dominic.
"He said I was his ideal girl." Nahihiya ko pang sabi sa kaniya. First time 'tong nangyari sa 'kin dahil halos lahat naman ng umaamin sa 'kin ay sa chat lang! Siyempre, bago ito sa akin. Hindi ko nga alam 'yung sasabihin ko kanina, e.
"Seryoso?!" Lumingon siya sa 'kin, nang-aasar. "I mean, you two are compatible with each other because you're both captains! Pero hindi ko naman inexpect na magkakaroon na talaga kayo ng progress!"
"Speed, sis," biro ko. "Hindi ko rin alam, okay?! Nagulat rin ako sa sinabi niya kanina."
"E, ano naman sinabi mo?" She asked, raising a brow.
"Tinalikuran ko siya..." Her lips parted and her eyes become wide. "Pero nagtatawa siya nung lumapit ulit sa 'kin at hindi binawi 'yung sinabi. Binulong pa nga niya ulit sa 'kin."
BINABASA MO ANG
Nice Game, Captain
Teen FictionKim, the captain of Lady Phoenix, decided to quit the team after the finals because her parents wanted her to focus only in her academics. Dominic, the captain of Blue Phoenix, pursue her to continue playing the sports she loves.