NINE'S POV
Naglibot-libot muna kami bago napagpasyahang kumain ng lunch.
Sobrang gulo nila! Parang ang tagal-tagal na nilang magkakilala lahat eh.
Pero ang wierd lang ha, ba't kelangan mag mask ng lima? Ewan ko sakanila.
Naghanap kami ng makainan, nagdesisyon din silang mag boodle fight na lang kaya G! Para masaya na din.
Umupo kami sa mesang magkakasya kaming labing-tatlo.
Umupo kami ng mga kaibigan ko sa may right side tapos sila Felip naman sa kabila.
Kaharap ko si Felip.
While waiting for our orders ay nag-usap usap muna.
"Hoy ba't ang tahimik mo?" tanong ko kay Felip
"Tahimik naman na talaga ako a!" sagot niya
"Nag-aaway na naman ba kayo?" Sejun asked
"Eto kasing si Ken eh!" sagot ko kay Sejun
"Inaano na naman ba kita!?" iritang sagot ni Felip sa akin
"Teka nga, mematanong lang ha. Ken hindi ka naman ginagapang nitong si Nine diba?" kuya Xel asked out of the blue kaya nagsipagtawanan ang mga kasama namin.
"What the hell Kuya! what are you saying?!?" pinanlakihan ko siya ng mga mata
"Pfftt" pagpipigil ni Felip ng tawa
Pinandilatan ko din siya ng mga mata, naalala ko na naman ang kahihiyang ginawa ko kaninang umaga. Pakinggg tape!
"Ikaw Nine wala namang may ginagawang masama sayo si Ken? " tanong naman ni Stell
"Anong wal~" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil tinakpan agad ni Felip ang bibig ko.
Sinamaan ko naman agad siya ng tingin at pilit kinukuha ang kamay niya sa bibig ko.
"Para kayong mga bata alam niyo yon?" Josh said while laughing.
"Si Nine lang naman yung parang bata dito" sagot agad ni Felip kaya ang ginawa ko ay kinagat ko ang kamay niya
"Aray!" sigaw niya at agad namang binitawan ang bibig ko, binelatan ko agad siya.
Nagtawanan ang mga kaibigan namin.
Hindi nagtagal ay inihain na din ang aming pagkain. Nakakatakam puro seafoods. May king crabs, big shrimps, squid, fish at marami pa!
Nilantakan agad namin ito. Isa sa paborito ko dito yung malalaking shrimps at king crab.
Halos lahat ay abala sa pagkain nila ng...
"Ouch!" natusok ang daliri ko ng matulis na ulo ng shrimp
"Hindi kasi nag-iingat eh!" asik ni Felip at agad kinuha sa akin ang hipon at siya na mismo nag balat para sa akin.
"Ehem-ehem~ sorry nabilaukan ata ako" sabi ni Mic
"Ehem~ ako din ata Mic!" dagdag ni Stell
"Kami din dito eh, paabot nga ng tubig mga dre!" Karl said with a teasing smile
Nanunukso ba tong mga to?!
Nanatili lang na seryoso si Felip habang yung iba ay naghahagikgikan na.Nabigla ako ng pinagbalat niya na naman ako ng isa pang hipon.
"K-kumain ka na Ken, tama na yan" nahihiyang sambit ko sakanya pero hindi pa rin ito tumitigil
"Gago dre, kumain ka ng hipon?!" gulat na tanong ni Justin
![](https://img.wattpad.com/cover/218947455-288-k340904.jpg)
YOU ARE READING
ATTACHED TO A BADBOY
FanfictionNianne Janel Centineo told her self not to fall inlove easily, most especially to those bad boys who are making fun and plays with every girls heart. She's afraid she might got hurt again just like the way his father scarred her heart for cheating o...