CALL

1.3K 57 5
                                    

NINE'S POV


After that night with kuya Josh, I thanked him for saving my life and for everything he have done to me. I then fly back to Boracay. Mabuti na lang at may flight pa ng mga gano'ng oras kaya nakabalik naman ako agad. Kung umiiyak man akong nagtungo sa Manila, kabaliktaran naman ng pag-uwi ko sa Boracay dahil buong byahe ko ay parang baliw akong nakangiti. Inaalala ko kasi lahat ng mga pinagdaanan ko nitong mga nakaraang araw, wala lang ang gaan lang talaga sa loob ngayong naiintindihan ko na ang lahat.







Ang buong akala ko ay magtatagal ako roon sa Manila since nakila Daddy ako pero it turned out na gano'n nga ang naabutan ko roon. Si Pauline na naman ang naabutan ko, ayoko man alamin kung ano meron sakanila pero ang masasabi ko lang ay anak din siya ni Daddy sa ibang babae. Malungkot syempre, kasi hindi naging kuntento sa amin si Dad kaya yun ang naging bunga. Maybe they are starting to build they relationship again since wala na kami don ni Mom. It's okay for me, as long as masaya si Dad okay ako don.







And about Pauline, naiintindihan ko naman kung bakit gano'n na lang ang naging akto niya sa akin. I know that we have this misunderstanding kaya niya ako nasampal at kung bakit galit na galit siya sa akin. But I still treat her like my sister though, wala akong sama ng loob sakanya as in wala talaga. Pwede pa naman naming ayusin ang lahat, ibalik yung friendship namin katulad ng dati, at yung turingan na parang magkapatid talaga since totoo namang magkapatid nga talaga kami sa tatay namin. I really hope na maging maayos na talaga ang lahat.








Kukwento ko na rin pala na may mga nagtampo sa akin kasi hindi man lang daw ako nagpakita sakanila at mukhang nagtampo rin ata kay kuya Josh kasi hindi man lang tinawagan ang tatlo na naroon nga ako kanina sakanila. Nalaman lang nila kuya Stell, kuya Sejun at Justin nung nakauwi na akong Boracay. Tinawagan pa nila ako isa-isa para lang alamin ang lahat ng nangyari, so bilang mabuting bunso nila ay nag-explain naman ako. Nag-alala rin silang tatlo ng malaman nilang muntik na'kong masagasaan pero sabi ko sakanila wag na lang munang ipaalam kay Felip dahil alam kong busy 'yon. At alam kong kapag nalaman nun ang nangyari ay hindi magda-dalawang isip 'yon na umuwi rito sa Boracay.









It was 2am when I arrived on Caticlan, nag-antay pa'ko sa port ng 30 mins para lang may masakyang bangka pauwing mansion. Habang nag-aantay ay sinubukan kong buksan ang phone ko at tingnan ang mga mensahe ni Felip. His last message was sent an hour ago, hindi pa rin siya tumitigil sa pag message sa akin since he left.









From Gah:

Love, I miss you so much :(

12:30 am.





While reading his last message, hindi ko napansing namamasa na naman ang gilid ng mga mata ko. Napag-desisyunan kong kausapin na rin siya dahil sobrang namimiss ko na rin siya T_T







To Gah:

I'm sorry love, sorry for everything :(
Still up? Can I call?
Sobrang namimiss na rin kita.







After I sent that, hindi niya na hinayaang ako pa ang tumawag kasi tinawagan niya ako bigla.








"Love..." the moment I hear his voice, nag-unahan ng pumatak ang mga luha sa mga pisngi ko. I even tried to stifle my sobs but I just can't help it. Hindi ako makapag-salita, ang tanging nagawa ko lang ay ang umiyak nang umiyak. Sobrang namiss ko yung boses niya, sobrang namiss ko ang lahat-lahat sakanya T_T








ATTACHED TO A BADBOY Where stories live. Discover now