ALMOST

1.2K 51 22
                                    

NINE'S POV


Agad kong nabitawan ang cellphone ko dahil sa gulat. I thought this won't surprised me at all, sabi ko pa no'ng mga nakaraang araw hindi na ako magugulat kung ito ang bubungad sa aking balita pero heto ako't nagluluksa. Humihikbi na parang wala ng bukas. Napatunayan ko lang ngayon sa sarili ko na hindi ko nga talaga kaya.











But there's this little hope inside me na hindi totoo 'yon, na hindi 'yon magagawa sa akin ni Felip dahil mahal na mahal ako nun eh. May parte sa akin na hindi naniniwala roon pero may mas malaking parte naman na naniniwala talaga doon since ShowBTPhil was kinda like a name of a company? I don't know.










Dali-dali kong pinulot ang aking cellphone at tumakbo pababa para tanungin si Kreia about sa nabasa ko. Sa sobrang pagmamadali ko pababa ay muntik na akong mahulog sa hagdan, mabuti na lang at na control ko ang sarili ko. Pagbaba ko ay sakto namang nasa living room siya at nanonood lang ng TV. Nabigla pa siya ng makita akong humahangos papalapit sakanya.










"Do you know ShowBTPhil?" tanong ko agad sakanya. Napakurap-kurap pa siya na tila gulat na gulat dahil sa tanong ko.











"ShowBTPhil?" tanong niya pabalik, may bahid ng pagkagulat ang mukha.










"Kreia please answer me!" pagmamakaawa ko pa sakanya.









"T-that was their company, why?" she answered, a little bit bothered about my reaction. Damn! I knew it. It was a company, so it's really true. Hinang-hina akong naupo sa couch katabi niya at nag-umpisa na namang umiyak. Bago pa siya magtaka sa naging reaksyon ko ay inabot ko na sakanya ang cellphone.












"Fuck! This can't be..." saad niya pa na tila hindi makapaniwala. Ang dami-daming tanong na bumabalot sa utak ko ngayon pero hinang-hina ako para tanungin 'tong lahat kay Kreia. Anong mga alam niya pa na hindi ko alam? Dapat ba...ako mismo ang umalam sa mga 'yon? Bakit lagi na lang ako yung parating walang alam? Tangina naman!











Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, gusto ko na lang humilata araw-araw at umiyak lang ng umiyak. Hindi ko na rin kasi maintindihan kung bakit nangyayari 'to lahat sa akin. Kung may papatunguhan pa ba ako nito sa buhay? Lahat na lang ata ng masasamang pangyayari nangyayari sa akin. Sumpa ko na ba 'to? Is this where my life going through? Pero ginusto ko naman 'to diba? Kasalanan ko naman kung bat nagkagan'to ang buhay ko. Nasapo ko ang noo ko dahil sa dinami-rami na naman ng iniisip ko.













I wanna tell it to Mom, I really need my parents right now! I really need my parents comfort but Mom is too far away. Maybe I can go to Dad? Right! Well, I just want to feel his comfort again. Kahit isang yakap lang ng mahigpit mula sakanya, maibsan lang 'tong nararamdaman ko. Sobrang bigat na kasi talaga parang hindi ko na kayang pasanin.










Dad is just 2 hours away from here, so napagdesisyunan kong puntahan siya sa bahay namin sa Manila. It took me how many hours before I decided to book a flight back to Manila. Ng dahil sa sobrang pag-iisip ko ay nakalimutan ko ng mag lunch, kahit dinner ay nakaligtaan ko na rin.










Kreia got back to her hotel kaninang lunch pa since hindi niya naman ako makaka-usap kanina kasi sobrang lunod na lunod talaga ako sa pag-iisip. Gustuhin niya man akong samahan rito pero pinilit ko pa rin siyang bumalik na lang sa hotel niya.









ATTACHED TO A BADBOY Where stories live. Discover now