PAULINE'S POV
"Babe..." tawag ko kay Felip Jhon pero agad din kaming napalingon sa pinto ng sumara iyon ng pagkalakas-lakas. Susundan niya sana si Nine pero napigilan ko siya at iniharap sa akin.
"Let's talk" I said as my eyes started to water. Hindi niya man lang ako magawang tingnan sa mata.
"Wala tayong dapat pag-usapan and please...just go" he answered, tinabing niya ang kamay ko na nakahawak sa balikat niya.
"I-I missed you so much Ken" I stuttered as my tears started to roll down my face. Marahas niya akong tiningnan sa mata.
"And I am so sorry about what happened 4 years ago" dagdag ko pa at medyo pahikbi na sabi sakanya. Nakita ko kung paano napalitan ng galit at poot ang kanyang mga mata.
"You don't have to explain, kinalimutan ko na yon...pati ikaw" sabi niya pa at diniinan ang pagkakasabi ng huli. Damn parang sinampal ako ng katotohanan dahil sa sinabi niya.
"Just p-please hear me out" I begged. Gusto kong mag explain sakanya, umaasang maiintindihan niya ako at bumalik na ng tuluyan sa akin. Pero makikita sa mata niya kung paanong hindi niya gustong nandirito ako ngayon sa harapan niya.
"Stop it Kaela, just stop it. You already ruined my life back then, ngayong okay na ako parang-awa mo na umalis ka na lang. Just leave!" he said and then left me inside their house. Parang piniga ang puso ko sa mga binitawang salita niya. Ngayon niya lang akong tinawag na 'Kaela' at hindi ako sanay roon, no'ng kami pa ay tanging 'Paui' lang ang tawag niya sa akin and I find it sweet. But things got changed now and I'ts my fault. Fuck!
Kung sana naipaglaban ko lang siya noon sa parents ko edi sana kami pa rin hanggang ngayon. Pero masyado akong duwag, and I really hate myself because of that. Naupo ako sa couch at nag-isip kung ano ba ang pwede kong gawin, and I just find myself searching for them outside. Nakita ko sila sa di kalayuan, nakayakap sa isa't-isa. I held my chest because of the pain I am feeling. It pained me seeing them together, pero bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo bakit sa best friend ko pa?
Hindi muna ako lumapit sakanila, tinahan at kinalma ko muna ang sarili ko bago napagpasyahang lumapit na nga sakanila.
"Pauline diba uuwi ka rin bukas? Isama mo na si Ken. Please take care of him" nabigla ako ng isabi 'yon sa akin ni Nine ng may pagsusumamo. Nalilito man ay tumango ako sakanya. Halata sa mata ang bigat na nararamdaman niya and I felt guilty, kasalan ko 'to lahat. Wala na akong nagawang tama simula pa man no'n. Mas ikinabigla ko nung pilit itinulak sa akin ni Nine si Ken.
"Bumalik na kayo sa mansion, I'll be out for this night wag niyo na ako aalahanin" she gave us a sad smile. Pilit kong kinontra ang sinabi niya pero ayaw rin niyang magpatalo.
"I'll be fine Kaela, you know me well" saad niya pa at pinagtulakan na kami pareho ni Ken. Babalik pa sana siya pero nahatak ko na siya palayo. I'm so sorry Nine, magiging selfish muna ako kahit ngayon lang. Sana maintindihan mo.
"Let's fix this Ken" sabi ko agad ng makarating kami sa mansion nila.
"Fix what?" he asked, the anger is very evident on his voice.
"Us..." sagot ko at bigla na namang may namumuong luha sa mata.
"Shut up Kaela, you don't know what I have been through when your parents told me you're dead back then" nahihimigan sa boses niya ang pait at galit.
"I am really sorry, hindi pa kita kayang ipaglaban noon sakanila" sabi ko habang unti-unti ng naglalandas ang luha sa mga pisngi ko. Parang hangin lang akong nagsasalita rito dahil hindi niya man lang ako pinagtuunan ng pansin. Busy siya kaka-kalikot ng phone niya, halatang tinatawagan o mine-message si Nine. Ganito pala kasakit 'to, pero hindi ko hahayaang gan'to na lang ang kakahantungan nito. I have to make a move so that we can fix this up.
"Ken, please...balik ka na sa akin" desperada kong sabi sabay lapit at hawak sa braso niya. Binigyan niya naman ako ng sobrang talim na titig. He's not the Ken I knew before and I really hate myself because I know I turned him into this. Damn you self!
Marahas niyang hinawi ang kamay kong nakakapit sa braso niya. Agad siyang napatitig sa may bintana ng bumuhos ang pagkalakas-lakas na ulan. Ilang sandali pa ay tumayo siya at lumabas sa mansion, alam kong hahanapin niya si Nine. Napangiti ako ng mapakla, he already moved on from me huh? Ang swerte naman ni Nine, I wish I was her.
Wala akong nagawa kundi ang hintayin ang pagbabalik nila pareho dito. Ng tumila ang ulan ay siya ring pagbukas ng main door, inexpect ko na agad na magkasama na sila pero mali ako. Mag-isang pumasok si Ken na hindi kasama si Nine. I assumed na hindi niya 'to nakita sa kanyang paghahanap. Hindi niya pa rin ako magawang dapuan ng tingin kahit pasiring lang.
It was already 3am when I heard him talking someone on the phone.
"Krei, diba nandito ka rin sa boracay?" tanong niya sa katawagan niya. Nagkukumahog ito sa pagkilos na animo'y hindi mapalagi dahil sa sobrang pag-aalala.
"Justin told me, I'm sorry if I disturbed your sleep. Mukhang lasing ka pa. But anyway if you happened to see a girl--wait what? Explain mo sa akin anong itsura" sabi niya pa sa katawagan niya. Umaliwalas ang mukha niya sa isinagot ng kausap niya. Hindi ko man rinig ay batid kong si Nine ang pinag-uusapan nila. Nawala ang pag-aalala sa mukha ni Ken at napalitan ito ng lungkot.
"She's sleeping? Alright! Please tell her I have to go back in manila in a few hours kapag nagising na siya...ipaintindi mo sakanya ng mabuti Krei, mahal na mahal ko yan. Ayoko sanang umalis dahil hindi ko siya kayang iwan dito, pero alam mo naman ang trabaho namin nila Justin" nagpakawala siya ng mahabang buntong hininga. Sobrang sakit para sa akin ang mga naririnig ko mula sakanya. Binibiyak ang puso ko, gan'to niya na pala ka-mahal si Nine. Sobrang nagsisisi ako dahil hindi ko man lang siya naipaglaban noon. Sana pwede pa maibalik ang noon para maitama ko 'to, pero masyado ng malabo.
"And another thing Krei, please tell her I'll be back. Babalikan ko siya rito kahit ano man ang mangyari. Matatagalan pa pero pangako babalikan ko siya, ikaw na muna ang bahala sakanya Krei ha. Alagaan mo siya, tutulungan rin kita kay Justin bilang kapalit basta wag mo siya pababayaan ha" unti-unting nababasag ang boses ni Ken, paiyak na. Maging ako man ay paiyak na rin kasi sobrang sakit lang talaga, ang malaman mong may mahal ng iba ang mahal mo ay sobrang nakakabiyak ng puso and knowing that sa best friend ko pa. But I have nothing to do with it.
"And do me just one last favor Krei, ilagay mo sa tenga niya ang phone..." pinigilan niyang wag maiyak pero nabigo siya. Muli ay nagsalita siya na para bang si Nine na ang kinakausap niya. Harap-harapan akong pinapatay sa sakit pero wala akong magawa kundi ang makinig sakanya.
"Love, I-I'm so sorry. I'll be right back okay? Please wait for me, sayo at sayo pa rin ako uuwi. Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko. I love you so much gah" napahikbi na siya at tumakbo na papuntang taas. Mag-iimpake na siguro since ang flight ay exactly 4:30am. Wala na akong nagawa kundi ang lumabas na lang sa mansion nila at bumalik sa hotel kung saan ako nag book at nag-impake na rin. Being ignored by the man you loved is really a heartbreaking.
Hindi pala lahat ng binabalikan ay pwede pang balikan...
But I just can't...forget him.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
YOU ARE READING
ATTACHED TO A BADBOY
FanficNianne Janel Centineo told her self not to fall inlove easily, most especially to those bad boys who are making fun and plays with every girls heart. She's afraid she might got hurt again just like the way his father scarred her heart for cheating o...