MOMENT

1.2K 47 6
                                    

NINE'S POV

2 weeks passed and I didn't even tell Felip about what I overheard from them. Ayoko muna sabihin, alam kong malulungkot siya kapag nalaman niyang alam ko na at mas lalong malulungkot ako kapag nagkataon.








Walang gabi na hindi ko iniisip ang pag-alis ni Felip, wala ring mintis ang paghikbi ko ng patago. Hindi ko kailanman naisip na magkakaganito, na baka maiiwan nga ako rito ni Felip.








Ni hindi ko na siya magawang awayin ngayon, gusto ko na lang iparamdam sakanya na mahal ko siya sa araw-araw na lumilipas.








Ito na kaya yun? Yung kapalit ng bawat saya namin noon? Kasi kung ito na nga, naiisip ko pa lang hindi ko na kinakaya. Pero wala naman akong magagawa diba? Kasi mangyayari talaga ang kung ano man ang mangyayari. We can't control what will gonna happen.








"Gah, the dinner's ready" napabalikwas ako sa kinauupuan ko ng tawagin niya ako.








"Are you okay love? Kanina ko pa napapansin na parang wala ka sa sarili mo" dagdag niya pa at umupo sa tabi ko at hinarap ako.









"I'm sorry gah, I am just not in the mood" I lied.









"Aww, come here" hinatak niya ako palapit sakanya at hinagkan ng pagka-higpit higpit. Pinigilan kong huwag maiyak dahil sa inasta niya. Nagiging emosyonal na naman ako. Naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko. Gusto ko na lang na tumigil ang oras para manatili kaming nakaganito.








"Something's bothering you?" he asked me. I pursed my lips, gaya ni Mom alam niya kung mayroong bumabagabag sa akin kapag umaasta akong ganito. Should I tell him now? Na may alam ako? Nah~











"Nothing love" I answered. I choose not to say him, hindi ko kaya.










"Tara na, kumain na muna tayo" saad niya at inakay ako patayo. Kahit sa pagkain ay nawawalan ako ng gana pero kailangan kong ipakita sakanya na okay lang ako. Sobrang tahimik na naman namin habang kumakain. Alam kong pinagmamasdan at pinakikiramdaman ako ni Felip habang kumakain kaya pinilit kong huwag magpakita ng kahit na anong reaksyon.












Hindi ko alam kung bakit sobrang nanlulumo at nalulungkot ako ngayon. Pilit ko naman winawaksi ito para hindi ako mahalata ni Felip.











Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa living room at naupo sa couch. Wala kaming ibang ginawa ni Felip kundi magtitigan lang hanggang sa tumawa kaming pareho. Ewan ko kung anong trip naming pareho, nabubuang na ata kami. Pero dahil dun ay naibsan ang lungkot na nararamdaman ko.










"Buang!" natatawa kong sabi kay Felip kaya mas lumakas ang tawa niya.










"Pareho tayong buang sa isa't-isa gah" imbes na tumawa ay kinilig ako sa sinabi niya.









Okay self, imbes na damdamin mo yung lungkot mo i-enjoy mo na lang kasama si Felip. Because every seconds, minutes, hours, counts. Ang importante ngayon sinusulit ko ang bawat oras na kasama ko si Felip.









"Tara sa taas love, mag tiktok" aya ko sa sakanya at agad na tumayo.










"Aba bago to ah, first time mo ata mag-aya gah? " sagot niya pa habang sumusunod sa akin pataas. Tinawanan ko lang siya.










ATTACHED TO A BADBOY Where stories live. Discover now