NINE'S POV
After that emotional celebration, ay mali ako lang pala yung naging emotional. Pano ba naman kasi si Felip Jhon ang daming alam T^T
Deserve ko ba talaga mahalin ng ganito? Deserve ko bang pasayahin ng ganito kasaya? Deserve ko ba talaga lahat ng to? I know this is not the right time to overthink but I just can't help it.
"What were you thinking?" Felip asked me as he joined me on bed. Lumapit naman ako sakanya at ihiniga ang ulo ko sa dibdib niya pagkatapos ay pinulupot ko ang kamay ko sa bewang niya. Niyakap niya naman ano pabalik gamit ang isang kamay niya lang.
"I was just thinking of you" I answered with a smile plastered on my lips. Itinaas ko ang kaliwang kamay ko at sabay naming tiningnan ang singsing na ibinigay niya sa akin. This is not just an ordinary ring, it has a diamond on top. Kumikinang sa sobrang ganda.
"Gah do you remember our first day here in Boracay?" tumingala ako para makita ang mukha niya, ginawaran niya naman ako ng isang matamis na ngiti at tumango.
"Natapon yung kape ko" he chuckled.
"Hindi ko kasalanan yun no!" depensa ko sa sarili ko at bahagya ring natawa. Kasalanan niya yun kasi hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya.
"Kasalanan mo, ilang beses kayang natapon kape ko dahil sa kakasigaw mo" tatawa-tawang saad niya pa. Aba kasalanan ko bang magugulatin siya? Natawa ako ng maalala ko kung ilang beses nga natapon kape niya.
"Eh yung pag-aaway natin sa harap nila Mommy? Natatandaan mo pa?" tanong ko ulit sakanya habang nagpipigil ng tawa.
"Nagsabunutan tayo ng buhok non e" sagot niya, nagpipigil din ng tawa.
"Ang sakit kaya nun gah hmp" kunwaring nagtatampong sabi ko sakanya. Pero totoo naman eh, sobrang sakit ng anit ko non dahil sakanya.
"I'm sorry love" he then kissed my cheek, I giggled.
"Sabi mo pa noon sa Mama mo, you can't live here with me" I said then I pouted.
"At sabi mo naman hindi tayo dito magtatagal ng magkasama" he shot back. Oo nasabi namin yung mga yon noon pero ngayon nag-iba na eh. Lahat talaga nagbabago.
"Nagkamali ako gah, magtatagal pala talaga tayong magkasama dito. At mas tatagal pa ngayong may relasyon na tayong dalawa" sabi ko
"Ayoko ng umalis dito, nandito ka na eh. You're my home gah" saad niya pa at hinalikan ako sa noo. Hindi ko naman napigilang kiligin dahil sa sinabi niya.
We spend the whole night reminiscing the good old days we have spent here in the island. Sadyang hindi lang talaga kami makapaniwalang ganito ang magiging kahahantungan namin pareho. Who could have thought that we're together now?
"Eh yung sinabi mo sa dalawang babae na boyfriend moko?" he asked and smirked at me. Of all the topic, bakit kailangang eto pa yung matatandaan niya argh!
It's already 12am and we're not done yet.
"Kapal, buti nga pinagtakpan kita dun sa dalawa eh. Pero teka nga bat ba lagi kang hinahabol ng mga babae?" nagtatakang tanong ko sakanya. Palagi na lang kasi eh, minsan nabibigla na lang ako hinahatak niya na ako patakbo dahil may mga humahabol na naman sakanya. Ilang beses din yun nangyari kaya minsan talaga nananatili na lang kami dito sa mansion kesa sa lumabas.
"Pogi kasi ng boyfriend mo gah, wag ka na magtaka" sagot niya sabay kindat saakin.
"Apakayabang mo talaga Felip Jhon, mamaya niyan mga naging babae mo pala yung mga yon e" napairap ako sakanya.
"Hindi ah!" sagot niya naman.
"May naalala rin ako about dun sa sinabi mo sa guard, hmmm" pinanliitan ko siya ng mga mata. I am pertaining to that night when I was being cornered with those drunked bastards. Muntik na ako non kung di lang talaga siya dumating.
" 'Those bastards are trying to harass my girl' do you remember that line?" dagdag ko pa. I then chuckled, wala lang natawa lang ako kasi inangkin niya ako noon kahit hindi naman talaga ako sakanya. He glared at me, ops.
"Do you know that I'm really worried of you that night? Galit na galit din ako sa mga bastos na lalakeng yun" he said while glaring at me, nakita ko rin kung paanong kumuyom ang kamao niya. Nakakatakot naman to.
"Hey stop it, tapos na yun gah" sabi ko dahil nakakatakot talaga ang aura niya ng i-open ko ang topic na yun. Sana pala hindi ko na yun sinabi.
"Hindi na nila yun magagawa kasi lagi mo na akong kasama ngayon" may bahid pa rin ng galit ang boses niya.
"I know, I know. Kumalma ka na" sabi ko sakanya. Natatandaan ko rin kung paanong parang makakapatay na siya noon ng tao kung di ko lang siya inawat. Grabe kasi magalit si Felip lalo na pag involve ako.
"Let's sleep gah?" sabi ko ng kalmado na siya. Hindi niya ako kinibo, maya-maya pa ay tumayo siya na ikinabigla ko.
"I'll just drink my coffee love" paalam niya, tumango naman ako sakanya. He then went downstairs to get his coffee. Adik pa rin talaga sa kape.
Sinubukan kong matulog pero hindi ko magawa. Sanay na kasi akong matulog na katabi ko si Felip. Itinaas ko bahagya ang kaliwang kamay ko at pinagmasdan na naman ang singsing sa daliri ko. Hindi ko inaasahang si Felip ang unang lalakeng mamahalin ko at magbibigay sa akin ng ganito.
Hindi ko na naman maiwasang mag-isip ng mga bagay-bagay. What if hindi ako pumayag noon kay Mommy na tumira dito? Edi sana wala ako ngayong Felip John hahahaha. Buti na lang talaga pumayag ako at pumayag din siya. Kaya heto ngayon, pinagtagpo kami at pinag-isa.
Ilang sandali pa ay bumalik na siya sa kwarto. Nahiga sa tabi ko at hinagkan ako ng pagkahigpit-higpit. Sobrang sarap lang sa pakiramdam na yakap-yakap mo ang mundo mo. Pero natatakot na naman ako dahil sobrang saya ko na naman. Alam kong lahat ng sayang to ay may kapalit pero sana naman hindi yung sobrang sakit kasi baka hindi ko kayanin.
"Goodnight gah, I love you" he whispered on my ear and kissed my forehead. Napatigil ako sa pag-isip ko ng kung ano-ano dahil sa ginawa niya. Hays enough of this overthinking Nine.
"Goodnight love, I love you more" sagot ko at mas sumiksik pa lalo sakanya.
'Kapag nagmahal ka, dapat handa ka ring masaktan'
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
![](https://img.wattpad.com/cover/218947455-288-k340904.jpg)
YOU ARE READING
ATTACHED TO A BADBOY
FanfictionNianne Janel Centineo told her self not to fall inlove easily, most especially to those bad boys who are making fun and plays with every girls heart. She's afraid she might got hurt again just like the way his father scarred her heart for cheating o...