NINE'S POV
Bawat hakbang nila papalayo ay siya ring pagbigat ng nararamdaman ko. At ng makalayo na sila ng tuluyan ay siya ring unti-unting paghikbi ko hanggang sa humagulhol na talaga ako. Nanatili akong nakaupo sa buhanginan habang hawak-hawak ang dibdib kong sumisikip na sa sobrang sakit.
Napatingala ako sa madilim na kalangitan, pilit itinatanong kung bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat. Akala ko wala ng mas sasakit pa sa pagloloko ni Dad, but this happened. Alam mo yung mahal mo ang tao pero kailangan mong mag let go kasi kailangan? Mahal mo pero kailangan i-let go kasi may mga bagay o tao na hindi naman talaga sayo simula pa man no'ng una.
All my life I've been putting the happiness of those people around me first than myself. Hindi ko kailanman inuna ang sarili ko kasi nga hindi ako selfish. Hanggang ngayon pala kaya ko pa ring magpaubaya, magparaya. I hope it's the right thing to do. Kung pagsisisihan ko man to sa huli handa na ako. Okay lang na ako ang masaktan, hindi lang sila.
Naramdaman kong may pumapatak na tubig pa unti-unti sa mukha ko, umuulan. Kahit kalangitan ay sinasabayan ako sa bugso ng damdamin ko. Napayuko ako habang patuloy pa rin na umiiyak, nahagip ng mata ko ang promise ring na ibinigay sa akin ni Felip. Dahilan para mas mapahikbi ako sa ilalim ng umiiyak din na kalangitan.
'Will you able to keep your promise to me?' 'Will you comeback?'
Pero aasa pa ba ako? Ngayong bumalik na talaga si Pauline? Hindi na ako magugulat kapag nabalitaan ko isang araw na nagkabalikan na pala sila. Mapakla akong napangiti dahil sa naisip ko. Naramdaman kong kanina pa pala nagv-vibrate phone ko, inilabas ko 'to at wala na akong pake kahit mabasa man 'to ng ulan.
50 missed calls and 112 text messages coming from Felip. I tried to open his messages, my vision was blurry because of the rain and tears mixed in my eyes.
From Gah:
'Love balik ka na rito sa mansion please'
'Where are you love? '
'Gah naman'
'Damn! I'ts raining, gah tell me where the hell are you?'
'Nianne please'
'I love you love, balik ka na'
'I don't wanna be with Pauline gah, balik ka na rito'
'Love I've been searching everywhere for you, nasaan ka ba?'
'Gah sumagot ka naman'
'Sobrang nag-aalala na ako love please naman'
Ilan lang yan sa mga mensahe ni Felip, gusto kong tumakbo pauwi ng mansion pero pinipigilan ako ng isip ko. Gustong-gusto kong bumalik sa kanya ngayon na pero pigil na pigil ako. 'I'm so sorry love' T_T
May konting pag-asa ako na mahahanap niya ako ngayon pero ayokong isipin dahil kapag hindi niya ako mahanap ay masasaktan lang ako. Pero asang-asa talaga ako. I turned off my phone so I won't receive any calls and messages from him right now. Baka kapag nabasa ko pa ang iba pa niyang mga mensahe ay maging dahilan pa yon para bumalik ako sakanya.
"UNTI-UNTING LUNURIN ANG AKING NADARAMA" nabigla ako ng may babaeng pasuray-suray at pakanta-kanta habang unti-unting papalapit sa akin. Mahihimigan mo sa boses niya ang pagkalasing, sinisigaw niya na nga ang ikinakanta niya. Sobrang bilib lang ako sa babaeng to kasi kahit sobrang lakas ng ulan ay malakas rin ang pagkanta niya. Lasing na lasing na nga ang isang 'to, she's holding a bottle of wine at napangahalatian niya na ang kanyang iniinom.
YOU ARE READING
ATTACHED TO A BADBOY
FanfictionNianne Janel Centineo told her self not to fall inlove easily, most especially to those bad boys who are making fun and plays with every girls heart. She's afraid she might got hurt again just like the way his father scarred her heart for cheating o...