HAPPINESS

1.6K 56 11
                                    

NINE'S POV

Kinabukasan ay maagang sumugod ang mga kaibigan namin sa mansion.

"Bakit bigla kayong nawala?" kuya Sejun asked

"Alam niyo bang nilibot namin yung club dahil hindi namin kayo makita?" dagdag pa ni Karl

"Sabay pa talaga kayong nawala" natatawang saad naman ni kuya Josh

"Mga haeyup keyo" Mic said while laughing

"Nag-alala kami slight" Ino

"Eh kayo? Ba't bigla-bigla niyong iniwan tong mag-isa sa gitna kagabi?" turo ni Felip sa akin

Hindi makatingin ang lahat sa amin, lahat sila nakatingin sa kawalan na tila bang iniiwasan ang tanong ni Felip.

"May lumapit tuloy na lalake, iniwan-iwan niyo kasi!" asik pa ni Felip sakanila kaya biglang nagtinginan ang lahat sa akin.

"Anong ginawa sayo bebeko?" kuya Josh

"Binastos ka ba?" kuya Xel

"Sana hindi na lang kita iniwan don" Justin

"We're sorry princess" Teve said

"Hey! Wala namang ginawa sa akin, actually the guy was nice naman eh" explain ko sakanila

"Shut up Nianne!" Felip glared at me

"What? I'm saying the truth Ken, mabuti naman siguro yung tao pero tinakot mo lang kaya tumakbo paalis" I rolled my eyes at him

"You did that dre?" natatawang tanong ni kuya Stell sakanya.

"Lumalapit kasi sakanya habang sumasayaw" sagot naman ni Felip

"Maasahan ka talaga Ken" kuya Nathan said to him

"Buti nga tinakot ko lang eh" Felip said

"Hey! You're so bad talaga!" irita kong sagot sakanya

"Mas mabuti na yan Nine, para naman wala ng makalapit sayong ibang lalake" singit ni Deniell sa usapan.

"Nyenye~" binelatan ko si Deniell

"Eh sakanya nga tig tatlong babae lumalapit sakanya" parinig ko kay Felip

"Pogi kasi Kenken" kuya Josh said

"Oh eh bakit? Pinansin ko ba?" tanong niya agad

"Bakit kasi di mo pinansin?" pambabara ko sakanya

"Wala nga kasi akong pakialam sakanila!" sagot niya, pabiro ko namang tinakpan ang mga tenga ko. Kunwari di ko gusto marinig mga sinasabi niya.

"Tama na nga yan! Parang nanood naman kami nito ng live movie eh" kuya Xel said habang natatawa

"Lovers Quarrel" gatong sakanya ni Mic kaya nagtawanan sila, I just rolled my eyes at them.

Naupo ako sa couch at in-on na lang ang tv para manood. Naramdaman kong pumunta silang lahat sa kusina. At maya-maya lang ay lumabas si Felip at pumunta sa akin.

"Hindi ka kakain?" tanong niya pero hindi ko siya pinansin. Umalis naman siya agad at bumalik sa kusina.

Nabigla ako ng bumalik siya at may dala ng pagkain para sa akin. Nilapag niya ang isang basong gatas at pinggan na may lamang egg, bacon at sandwich sa mesang kaharap ko.

ATTACHED TO A BADBOY Where stories live. Discover now