OVERHEAR

1.2K 48 6
                                    

NINE'S POV

I woke up late this morning and it was already 10am. Nauna na namang bumangon si Felip sa akin. Dumiretso muna ako sa banyo para mag-ayos. Pagkatapos ay bumaba na rin.







Naabutan ko siyang nanonood ng TV sa living room at umiinom ng kape.









"Good morning love" tinabihan ko siya sa couch at niyakap.








"Goodmorning gah" nakangiti niya ring bati, hinagkan ako pabalik at hinalikan ang noo ko. Kumawala naman agad ako sa yakap at kinuha ang mug niya sa mesa pagkatapos ay sumimsim sa kape niya. Napangiwi ako agad ng matikman ko ang kape.







"Sobrang tamis pa rin Felip Jhon!" nakangiwing panenermon ko na naman sa kanya. Binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngiti kaya pinisil ko siya sa tagiliran.








"Awww, stop it love" natatawang sabi niya sa akin pero sinamaan ko lang siya ng tingin.







"Alam mo namang I love sweets, diba gah?" dagdag niya pa kaya inirapan ko siya.








"Nyenye" natawa siya sa naging reaksyon ko.









"But you know what, love?" he asked me again.







"What?!" naiirita ko ng sagot sakanya.







"I love you more" sagot niya ng may ngiti sa mga labi. Bigla namang namula ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niya kaya napaiwas ako ng tingin.









"Ang aga-aga pa ang harot mo na Kenji!" sabi ko pa ng nakaiwas ang tingin, natawa naman siya.








"Kinilig ka naman eh, halika nga rito" sabi niya sabay hatak sa akin. Niyakap niya akong muli, hindi ko na napigiling ngumiti. Kiniliti niya pa ako kaya tawa na kami ng tawa.







"Hey stop it love, nagugutom na ako" saad ko sakanya at biglang ngumuso.









"Come on, let's eat" sagot niya, tumayo siya at hinatak din ako patayo. Sabay din kaming tumungo sa dining. Pagkatapos ay kumain na kami agad.









Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa living room para mag movie marathon.







"Anime?" he asked me







"No" sagot ko at umiling-iling pa. Nagtalo pa kami kung anong panonoorin namin but we ended up watching action movies.








After 4 hours watching movies, I felt sleepy kaya nakatulog ako.










Pagkagising ko ay mga nasa bandang alas sais na ng gabi. Nabigla pa ako dahil nasa kwarto na ako, binuhat na naman ako ni Felip. Tumungo ako sa banyo para ayusin ang sarili ko para makababa na agad. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kwarto ng biglang narinig kong tila may kausap si Felip.








"NO MA! AYOKO MUNA!" sigaw ni Felip kaya agad akong lumabas ng kwarto para sana puntahan siya pero nagsalita si Tita Ji kaya napahinto ako sa labas ng kwarto. Rinig na rinig ko dito ang pag-uusap nilang dalawa mula sa taas.











"Anak naman, sir Robin called me. Bumalik ka na daw" rinig kong sabi ni Tita Ji sa kabilang linya. Maybe they are face timing since nasa living room si Felip.








But who's sir Robin? At babalik? Saan babalik si Felip? Naguguluhan ako kaya nagpatuloy ako sa pakikinig sa pag-uusap nila. Alam kong mali tong ginagawa ko pero hindi ako mapakali kapag hindi ko narinig ang mga pag-uusapan nila.









"Ma, diba 5 years ang usapan?!?" ramdam ko sa boses ni Felip ang pagkairita pero pinipilit niya pa ring kumalma sa harap ng mama niya.










"I know anak, pero nakakahiya talaga kay sir Robin since ikaw na lang ang hinihintay ng grupo para mabuo kayong ulit. Please naman anak" pagmamakaawa ni tita Ji sakanya. Hindi ko pa rin alam kung anong pinag-uusapan nila pero may pakiramdam akong baka aalis si Felip? Ewan ko hays.









"Paano si Nianne ma? Hindi ko kayang iwan siya dito. Hindi ko kaya!" sagot pabalik ni Felip na biglang nagpahina sa akin. Gusto kong maglupasay sa kinakatayuan ko. Gusto kong umiyak, tama nga ang hinala ko. Aalis siya. Aalis si Ken. Iiwan niya ako dito.










"Mahal ka ni Nianne at alam kong maiitindihan ka niya anak. Trust me" tita Ji said that made me think. Oo nga naman, tiyak maiintindihan ko si Felip dahil mahal ko siya. Pero kaya ko ba? Kakayanin ko ba na araw-araw wala siya sa tabi ko? Kakayanin ko ba ang bawat gabing hindi siya katabi? Makakaya ko ba?









Hindi ko napansing kanina pa pala ako umiiyak. Kanina pa nangangatog ang mga tuhod ko sa sobrang hina. Gusto kong humikbi pero pinipilit ko na huwag.









"Let's just talk about this the next time ma" nagpakawala ng sobrang lalim na buntong hininga si Felip at agad pinatay ang tawag. Bigla naman akong umayos ng tayo at bumalik sa loob ng kwarto at doon pinagpatuloy ang pag-iyak.











I covered my face with pillow so I could just let out my sobs. Iniisip ko pa lang na aalis siya ay dinudurog na ang puso ko, ano pa kaya kapag talagang aalis na siya? But I should understand the situation, alam kong may buhay din siya sa labas. Alam kong hindi lang sa akin umiikot ang mundo niya.











But it's killing me inside knowing that he have to leave. Hindi ko kakayanin pero handa akong kayanin ang lahat para sakanya. Mahal naman ako ni Felip kaya alam kong babalikan niya rin ako dito. Gusto kong sabihin sa kanya na gawin niya ang gusto niyang gawin, gusto kong sabihin sakanya na susuportahan ko siya sa lahat ng bagay. Pero alam kong maiiyak lang ako kapag pinangunahan ko siya.







I have to prepare myself dahil hindi sa lahat ng oras nandito si Ken. I have to prepare myself para kapag umalis siya makakaya ko. Ngayong alam kong aalis nga siya sa lalong madaling panahon, kailangan ko siyang intindihin. Kailangan kong iparamdam sakanya na mahal na mahal ko siya dahil nalalabi na lang ang oras na magkasama kaming dalawa.









After an hour, I hear the door opened so I have to pretend that I am sleeping again. He laid beside me, hug me tight and leaned closer to whisper on my ear.









"I love you so much love" his voice cracked. He's crying damn! T_T  I tried to stifle my sobs again. Ayokong malaman niya na alam ko na...









I love you more than so much love...







~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ATTACHED TO A BADBOY Where stories live. Discover now