SB19

1.4K 54 14
                                    

NINE'S POV


I woke up around 2pm in the afternoon. Naunang magising si Kreia dahil paniguradong may hangover pa ang isang 'yon. For sure sumasakit ang ulo non kasi naparami na naman ng inom. Ewan ko ba sa babaeng 'yon lagi na ata talaga siyang umiinom. Hays heartbroken nga naman oh, sa alak talaga kumakapit. Pero infareness ha, kahit ilang araw pa lang kami magkakilala ni Kreia ang gaan-gaan na nang loob ko sakanya.






Bago ako bumangon ay chineck ko muna phone ko baka kasi tumawag na si Felip. Pagkabukas ko ng phone ko ay hindi nga ako nagkamali, may mangilan-ngilan na na tawag at mensahe galing kay Felip. Binasa ko ang huling message niya, magiging busy daw siya kaya tatawagan niya na lang ako kapag may time na siya. Humingi naman ako ng tawad sakanya dahil hapon na ako nagising at hindi man lang nasagot ang mga tawag niya kanina.







Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na agad ako. Naabutan ko naman si Kreia na nakaupo sa couch nanonood ng TV habang sapo-sapo ang noo niya.








"Ayan kasi, inom pa!" bungad ko sakanya saka siya tinabihan sa couch.







"Wow ha, good morning din!" punong-puno ng sarkasamo na sabi niya sa akin kaya natawa ako. Inirapan niya naman ako dahil sa panunukso ko sakanya.







"Ba't kasi lagi kang naglalasing? Sumbong din kaya kita Justin?" pananakot ko pa sakanya pero natawa lang ang ponyawa.






"Gago ka ba? Eh kahit samahan pa kita magsumbong sakanya walang pake saken 'yon" saad niya pa at ngumiti ng mapakla. Malungkot ko siyang tiningnan, ano ba kasi ang problema sa pagitan nila ni Jah :(






"Ano ba kasi kwento niyo? Pabulong naman" malungkot na sabi ko sakanya pero tinawanan lang ako ng gaga.







"Ganito kasi yun" pag-uumpisa niya kaya umupo ako ng maayos at hinarap siya, handang-handa na makinig sa kuwento niya. Pati TV ay pinatay ko pa para makapag-focus sa mga ilalahad niya.






"Same school kami nung college, bale hindi pa man kami napakilala ng parents namin sa isa't-isa crush ko na siya noon. 1st year college pa lang tinamaan nako sakanya kasi grabe day sobrang sikat ng baby ko hihi, campus crush ang yawa. Ang pogi tas ano, tapos...tapos. Gutom na gutom na ako ghorl kain muna tayo hehe" potangama, punyeta, ponyawa. Sarap sakalin amp! Kinikilig na sana ako sa kuwento niya pero tama bang bitinin ako? Pinaghahampas ko siya dahil don pero tawang-tawa lang ang loka.







Mabuti na lang at nagluto pala siya kaya deretso kain na lang kami. Nahiya naman ako kasi hinintay niya pa talaga ako bago siya kumain. Nagluto siya ng sinigang na baboy, one of my fav. Buti na lang talaga magaling si Kreia maghalungkat sa mansion. Kung hindi siya dumating dito mabubulok na lang siguro lahat ng karne sa ref kasi hindi naman ako marunong magluto. Dito ko na lang kaya patirahin si Kreia, gawin ko siyang tagaluto charrr HAHAHAHA.







"Sherep be gherl?" pagkatikim ko pa lang ay tinanong niya agad ako. Napatango naman ako sakanya dahil sobrang sarap nga ng kanyang luto. Parang tototohanin ko na tuloy yung gagawin ko siyang taga-luto.









"Turuan mo naman ako magluto ghorl" sabi ko sakanya sa kalagitnaan ng pagkain namin.







"Hindi ka marunong?!" nagtatakang tanong niya pa kaya napa-iling ako agad.







"Hindi ka rin tinuruan ni Ken?" tanong niya ulit.







"Tinuruan naman pero yung mga pang breakfast lang" sagot ko at ngumuso. Natawa naman siya sa sinagot ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.








ATTACHED TO A BADBOY Where stories live. Discover now