NINE'S POV
It took me how many days bago mawala sa isipan ko ang nangyari. Not literally nawala, minsan naiisip ko pa rin pero nawawala rin agad. Kampante naman akong hindi hahayaan ni Felip na mangyari yon. Hindi niya ako iiwan, hindi siya sasama roon sa kung sino man ang babalik. Maaaring paglayuin man kami pero hindi niya ako hihiwalayan dahil mahal niya ako at alam ko yon.
Ilang araw na ring hindi ako lumalabas ng bahay, ayoko muna baka makita ko na naman yung matanda at may sasabihin na naman. Hindi kayang i-absorb ng utak kong muli kapag nangyaring may sasabihin na naman siya. Nanatili akong nasa kwarto lang palagi noong mga nakaraang araw, walang gana sa lahat ng bagay. Pasalamat na lang ako at hindi nagsasawang umintindi sa akin si Felip. Lahat ginagawa niya sa akin para lang mapasaya ako.
I was sitting on the couch now ready to binge watch on Netflix. Ngayon lang ako ginanahang manood muli. Kakatapos lang naming mag dinner ni Felip, andon pa rin siya sa kusina. It's either he's washing the dishes or he's making coffee again. Adik talaga sa kape, sa isang araw nakaka-apat siguro siya tss.
After a moment, he went out from the kitchen holding a plate and a mug. Nilapag niya sa round table ang plate na puno ng fries at ang kanyang mug. Hindi na ako nakapagpigil at kumuha agad ako sa fries na niluto niya. This is a perfect snack for movies beside popcorn but I also want a drink. Tatayo na sana ako para kumuha pero hindi niya ako hinayaan, siya na ang kumuha para sa akin. Nilapag niya sa harap ko ang soda at umupo na sa tabi ko. Himala, sasamahan siguro akong manood nito. Napansin ko rin noong mga nakaraang araw na hindi na siya masyadong nanonood ng anime dahil mas pinagtuunan niya na ako ng pansin ngayon. How sweet.
"Gah..." he called me before I play the movie.
"Yes love?" I asked him smiling.
"Just one movie okay? Pagkatapos ay matulog na agad tayo" sagot niya, napasimangot naman agad ako. Kaninang dinner niya pa ako kinukulit na matulog daw kami ng maaga ngayon. Ewan ko ba sakanya, first time niya mag-ayang matulog ng maaga eh siya naman lagi yung nagpupuyat. I just rolled my eyes at him.
"No, manonood ako hanggang umaga" madiing sabi ko sakanya, sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Please... " pero agad din namang napalitan ng pagmamaka-awa ang kanyang mukha.
"Bakit ba kasi? Ba't matutulog tayo ng maaga?" naiirita kong tanong sakanya
"Alright, how about two movies?" he asked, umiling lang ako sa kanya.
"Three" sagot ko naman. Napabuntong hininga naman siya, accepting his defeat. Napangisi ako sakanya.
It was already 10pm and I'm now on my third movie. Si Felip ay mukhang hindi naman nanonood dahil busy kaka-cellphone. Hindi siya mapakali at tila palinga-linga sa kung saan, weird. Pinagpatuloy ko lang ang panonood ko at hindi na lang siya pinansin. Pagkatapos ng movie ay agad akong tumayo at pinatay ang flat screen. Nabigla ako ng hindi pa tumatayo si Felip sa couch, nakatutok pa rin ang mata sa cellphone pero mukhang nakatulala. Nilapitan ko siya.
"Gah tapos nako manood" sabi ko sabay tingin sa phone niya pero nabigla siya at biglang tinago ito. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Kanina pa yan a, ano ba yan? " halong galit at irita kong tanong sakanya
"Uhm... Nothing gah" nauutal na sagot niya, mas sinamaan ko siya ng tingin.
YOU ARE READING
ATTACHED TO A BADBOY
FanficNianne Janel Centineo told her self not to fall inlove easily, most especially to those bad boys who are making fun and plays with every girls heart. She's afraid she might got hurt again just like the way his father scarred her heart for cheating o...