FAREWELL

1.6K 58 22
                                    

NINE'S POV

I was left speechless on the sofa, I can't even believe that it happened to Felip. Hindi halata sakanya, yung halata lang is yung badboy aura niya.

He's been a mess for almost 3 years? What's the reason behind? I don't even understand a thing. Nag-o-overthink na naman ako. Pero bakit parang kailangan kong malaman? Ano pa ang mga dapat kailangan kong malaman?

Do I have to ask him? Or hayaan kong siya na ang mag open up sa akin? Naguguluhan ako, this is not even good for me. My doctor in US says overthinking is bad for me dahil nadadagdagan lang nito ang mga iniisip ko which can lead to a higher risk of anxiety and depression.

Natigil lang ako sa mga iniisip ko ng maramdamang may umupo sa tabi ko.

"Hey, are you okay?" Felip asked


"Y-yup, may mga iniisip lang" sagot ko naman


"Here, dinalhan kita ng juice since ayaw ka namang painumin ng mga kaibigan mo ng alak" he laughed at me


"Hindi ba kayo napapagod kakainom?"


"Alcohol has been my comfort since then" he stared at my eyes. The sadness and sorrow is very evident in his eyes again. I can't manage to look into it so I looked away. Hindi ko kaya ang kung ano mang lungkot na nararamdaman niya. I just can't, nakatitig pa lang ako sa mga mata niya niiyak na ako. How much more kapag nalaman ko na ang rason kung bakit siya nagkakaganyan.

"Pwede bang gawing gamot ang alak? Try ko nga baka mas effective pa yan kesa sa gamot na iniinom ko. Baka kapag uminom ako niyan mga tatlong baso pa lang tulog na ako" pag-iiba ko bahagya ng topic at natawa. Binatukan niya naman ako dahil sa kabaliwan ko.

"Aww!" napakamot ako sa ulo ko.

"Buang! Sumbong kita kay tita Shia eh" apakasumbungero din pala nito~

"Sumbong din kita kay tita Ji eh, lagi ka na lang umiinom" I tried to scared him

"Go on, isumbong moko. Walang magagawa si Mommy, she's used to it tho" he then smirked at me.

So totoo nga? Hayyy ewan.

"Hey princess, amin na nga yang si Ken sino-solo mo na naman eh" kuya Xel shouted kaya napalingon kami sakanya.

"Oh inyo na!" sabay tulak ko kay Felip kaya nagtawanan sila. Walang nagawa si Felip kundi ang bumalik sakanila. Naiwan na naman akong mag-isa dito sa sofa.

Wala akong ibang ginawa kundi pagmasdan silang lahat na nagkakasiyahan sa malayo. Agad na nakuha ni Felip ang atensyon ko. He's really a hard drinker huh? Mamula-mula na ang kanyang pisngi sa kakainom pero alam kong hindi pa naman siya lasing.

Pinagmasdan kong mabuti ang bawat galaw at ang bawat emosyong pinapakita niya. Hindi nga nagkakamali si kuya Josh. He's happy but not too happy as what we expected. Nararamdaman ko pa rin kasing may dinadala-dala siyang lungkot. Magaling lang siguro siyang magdala kaya hindi napapansin ng iba.

2:30 am when they decided to end the party. Halos lupaypay na ang iba sa sobrang lasing. Kaya sabi ko sakanila dito na lang sila matulog sa mansion para hindi na sila mahirapan. Nilatag ko din naman agad sa sala ang mga comforters para maihiga na ang mga sobrang lasing na.

"Sorry for the mess Nine" kuya Sejun said

"It's okay kuya Sej" I smiled at him


ATTACHED TO A BADBOY Where stories live. Discover now