NINE'S POV
"Love, I-I'm so sorry. I'll be right back okay? Please wait for me, sayo at sayo pa rin ako uuwi. Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko. I love you so much gah" naalimpungatan ako ng marinig ko ang boses ni Felip. Pero nabigo ako ng tuluyan na akong napamulat ng mga mata ko, it's just a dream but it sounds so real hays~
5am, halos dalawang oras lang ang tulog ko at sobrang sakit pa ng ulo ko dahil sa kakaiyak. Nakadungaw ako sa may bintana inaantay ang pagdaan ng eroplano na posibleng sasakyan nila. Aalis ba talaga siya? Syempre, Oo. Ilang sandali pa ay napatayo ako ng matanaw ko sa himpapawid ang dadaang eroplano, ganon na lang din kadali magbagsakan ang luha ko habang titig na titig sa paglayo nito. Napahikbi ako ng tuluyan na talaga itong naglaho, Goodbye love.
"Babalik 'yon, matatagalan pa pero babalik 'yon" napaigtad ako sa kinakatayuan ko ng biglang magsalita si Kreia sa likuran ko. Agad kong pinunasan ang mga luha ko.
"How sure are you?" I asked her, nakatalikod pa rin ako sakanya.
"May isang salita ang manok na 'yon, kapag sinabi niyang babalik siya. Babalik siya" sagot niya. Bakit parang kilala niya si Felip? Humarap ako para sana tanungin siya pero dere-deretso na siyang pumasok sa banyo.
Lumabas ako sa may balcony ng kwarto niya at nag muni-muni na naman. Why do I keep on overthinking? Sakit ko na ba talaga 'to? Napasandal ako sa railings, napapapikit na animo'y sobrang lalim ng iniisip. Bigla ay dumagundong sa buong kwarto ang malakas na tunog na galing sa speaker ni Kreia, tangina eto na naman tayo sa mga kantahan niya. Intro pa lang mapanaket na.
Sa tuwing ika'y nakikita
Di mapigil ang luha sa aking mata~Muli ay napapikit ako at dinamdam ng mabuti ang kanta, pero teka yung boses...parang kay...Felip. Sobrang lalim, parang nandito lang din siya kinakantahan ako. Damn! Sobrang namimiss ko na siya.
Pano nga ba? Pa'no nga ba?
Pano nga bang limutin ka?
Kung sa puso ko ika'y nag-iisa?I opened my eyes, it's him. It's his voice, really. Kilalang-kilala ko ang boses ni Felip, sa kanya talaga 'yon. Sinubukan kong hanapin siya sa buong silid pero bigla rin akong nanlumo ng mapagtantong sa speaker ko na lang maririnig ang kanyang boses. Nilapitan ko ang speaker at pinatay 'yon, agad naman akong pinuntahan ni Kreia dahil pinakialaman ko ang gamit niya.
"Boses niya 'yon diba?" inunahan ko na siya ng tanong. Gulat naman siyang napalingon sa 'kin. Walang tigil pa rin ang mga luha ko sa pag-agos. Ilang sandali pa ay hinawakan ni Kreia ang mukha ko at pinalis ang mga luhang naglalandas.
"Hindi niya sinabi sayo ghorl?" tanong niya sa akin. Nalilito naman akong napa-iling sakanya.
"A-ano ba ang dapat niyang sabihin?" nalilito ko ring tanong pabalik kay Kreia.
"Wala ako sa lugar para sabihin sayo Nine, siguro pinili niyang wag sabihin sayo kasi kaligtasan mo rin ang kanyang iniisip" sagot ni Kreia, naguguluhan man ay sinubukan ko silang intindihin. Ang alam ko lang sa ngayon ay malamang sa malamang magkakakilala sila Felip at Kreia.

YOU ARE READING
ATTACHED TO A BADBOY
FanfictionNianne Janel Centineo told her self not to fall inlove easily, most especially to those bad boys who are making fun and plays with every girls heart. She's afraid she might got hurt again just like the way his father scarred her heart for cheating o...