NINE'S POV
This is their last day here in Boracay, nung ikatlong araw nila rito inulit namin yung Island Hopping syempre gusto rin naming ma experience nila Mommy and tita Ji. Gusto rin naman naming ulitin kasi bitin kami nung nakaraan eh, at hindi kami magsasawang ulit-ulitin yon kasi sobrang worth it di nakakasawa pag sila ang kasama. Kahapon naman ay naglibot lang kami, bumili na naman ng kung ano-ano. We even tried to braid our hair again at syempre kasama na ngayon sila tita at Mommy. Papalagpasin din ba namin ang iba't-ibang foods dito sa Island syempre hindi! We tried different snacks again and also nag boodle fight rin kami.
Sobrang ikli lang ng panahon nila rito kaya hindi namin nagawa lahat ng mga activities gaya noon. Sana pagbalik nila rito mga 2 months sila manatili dito para naman masulit namin lahat.
"Mom kelan balik niyo rito?" I asked mom. Nakaupo kami ngayon sa couch, sila tita at Felip ay nasa taas. Nag-iimpake na siguro si tita, habang ang mga tropa naman namin ay nasa hotel at nag-aayos na rin. Maaga pa kasi flight nila bukas kaya dapat maaga ring mag-ayos ngayon.
"I'm not sure yet darling, sobrang dami ng trabahong naiwan doon eh" malamyang sagot ni Mom kaya kahit ako ay nalungkot din.
"I miss dad" bigla na lang lumabas sa bibig ko kaya nabigla si Mommy. Pero totoo naman, namimiss ko na si Dad hays. Ilang birthday ko na na hindi namin siya kapiling T^T I admit, nagalit ako sakanya pero ama ko pa rin naman siya. Hanggang kailan aabot ang galit ko kung ang nangingibabaw naman ay ang pagmamahal ko sakanya?
"Mom, is there any chance na mabubuo tayo ulit?" I turned my gaze on her but she looked away.
"I-I don't know baby" nauutal na sagot niya sa akin. I understand Mom, she's just tired but I know she loves Dad just how I love him. Napabuntong hininga na lang ako at napasandal sa couch.
"Pasensya na anak ha, hindi ko naman ginustong maging ganito tayo" ramdam ko ang sakit sa bawat salita ni Mom kaya unti-unti na rin akong naluluha kagaya niya.
"I understand Mom, I'm sorry also for bringing up this topic again" sagot ko sabay palis ng luhang bumagsak sa mga mata ko.
"It's okay, kahit naman ako namimiss ko yung gago mong ama" she chukled, tawang hindi saya kundi puro pighati. Kaya hindi ko na rin napigilang hindi mapahikbi. Ito na ba yung kapalit ng saya na sinasabi ko? Kasi kung Oo, sana ganito na lang dahil nakakaya ko pa.
"Hush...stop crying anak andito naman si Mommy eh. Mahal na mahal kita" hinatak niya ako at niyakap.
"I love you" I wisphered to her.
"Oh bakit nag-iiyakan na kayo dyan?" natatarantang tanong ni tita Ji, kaka-baba lang nila mula sa taas. Si Felip naman ay agad na tumungo sa amin.
"She just missed her dad" sagot ni Mom kay tita.
"Aww" bakas sa boses ni tita Ji ang lungkot.
"Ikaw na bahala sa anak ko Ken ha, kelangan na naming magluto dahil maya-maya nandito na mga tropa niyo" ibinigay ako ni Mom kay Ken at agad na tumayo, sabay silang tumungo ni tita sa kusina.
"Gah?" Felip called me while I'm leaning my head on his shoulder.
"Hmm?"
YOU ARE READING
ATTACHED TO A BADBOY
FanficNianne Janel Centineo told her self not to fall inlove easily, most especially to those bad boys who are making fun and plays with every girls heart. She's afraid she might got hurt again just like the way his father scarred her heart for cheating o...