NINE'S POV
"Gah, are you okay?" Felip asked, we just got back to our mansion. Ni hindi ko nga namalayan na naka-uwi na pala kami. Masyado akong naapektuhan sa sinabi ng matanda, what if it's true? Sometimes I do believe in predictions kaya sobrang natatakot ako kasi minsan na rin akong nagpe-predict tapos nagkakatotoo.
"Gah please talk to me" nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Felip. Pero hindi ko kayang sumagot sa kanya. Nakakapanlumo, para bang magkakatotoo talaga ang sinabi ng matanda. Here I am overthinking again, this too bad for me but I can't help it.
I went upstairs ng hindi pinapansin si Felip, dumiretso ako sa kwarto at nahiga sa kama. Nakatulala at nakatungaga habang nakaharap sa ceiling. Nilalamon ako ng takot, kaba at lungkot, kahit mismong mga daliri at labi ko ay nanginginig sa takot. Pilit kong pinikit ang mga mata ko, winawaksi sa isipan ang kung ano man ang sinabi ng matanda pero sa pagpikit ko ay nakikita ko agad doon ang mangyayari kaya minulat kong muli ang mga mata ko. My eyes started to water, if it ever happens siguro hindi ko kakayanin. I can already feel the damn pain!
Tears gliding freely down my face, my visions became blurry as I filled my mind with so much thoughts. Who's gonna comeback? Bakit kailangan niya pang bumalik? Bakit kailangan niya pa kaming paghiwalayin ni Felip?! It's so unfair! Wala naman kaming ginagawang masama ni Felip, nagmamahalan lang naman kami!
How funny it is! Felip and I haven't yet celebrated our first month together as a couple pero may ganitong hula agad. It's drivin' me insane! I hope that won't really happen!
I tried to stifle my sobs when Felip entered our room. Naramdaman kong umupo siya sa kama dahil umuga ito. I pretended to be asleep when he started carresing my hair but still I'm crying~
"Gah please stop crying" ang lungkot at pag-aalala sa boses ni Felip ay sobrang halata. Minulat ko ang mga mata ko, umupo at hinarap ko siya.
"P-paano kapag nangyari yun Ken?" humihikbing tanong ko sa kanya.
"I won't make that happen gah" he wiped my tears away from my cheeks. Hinapit niya ako papalapit sakanya at maya-maya pa ay niyakap ako nito. Naramdaman ko ring hinalikan niya ang noo ko. Unti-unti akong kumalma sa mga bisig niya, this is where my comfort is. In his embrace.
"Trust me, okay? I won't ever make that happen. I love you" pagpapakalma niya pa sa akin. Napatango naman ako dahil don. I wish we can be like this forever, I wish I can stop the time so that we can stay like this forever.
"Let's eat dinner" maya-maya pa ay inaya niya akong kumain.
"Hindi ko kayang kumain gah, nawalan ako ng gana" walang ganang sagot ko sakanya.
"You have to eat Nianne!" sabi niya pa kaya wala akong nagawa. Napabuntong hininga ako at kumalas sa yakap niya. Inalalayan niya akong tumayo at bumaba agad kami para kumain.
Pagkaupo ko sa dining ay agad niya akong pinagsilbihan. Nilagyan niya ako ng kanin at ulam sa pinggan habang ako'y nakatunganga lang sa pagkaing nakahanda.
"Sino kaya yung sinasabi ng matanda na babalik?" I asked out of the blue.
"Stop thinking that gah, hindi nakakabuti sayong mag-isip ng mga ganyan" pagpapaalala niya sa akin. Hindi ko magawang galawin ang pagkain ko.
"Kain na" sabi niya pa at doon lang ako kumilos. Inunti-unti ko yung pagkain ko, wala talaga kasi akong gana pero pinipilit ko lang kasi ayokong magalit sa akin si Felip. Buong atensyon niya ay nasa akin habang kumakain. Ni pag lunok ko siguro ay binabantayan niya. Ng matapos kaming kumain ay pinauna niya na akong umakyat sa taas.
Bago ako sumampa sa kama ay nag half-bath muna ako. Pagkatapos ay nagpalit na ng pantulog. Kahit alam kong hindi na naman ako makakatulog nito. Ilang sandali pa ay humiga na ako sa kama. Naramdaman ko namang pumasok si Felip ilang minuto pa lang ang nakakalipas.
"Gah drink your meds" sabi niya at bumangon naman ako. Binigay niya sa akin ang dala niyang isang basong tubig at kinuha ang gamot ko sa drawer. Pagkatapos kong uminom ay bumaba ulit siya upang ibalik siguro ang baso. Pagbalik niya sa kwarto ay dala-dala na niya ang kanyang gitara. Alam na alam talaga na hindi na naman ako makakatulog.
Umupo siya at isinandal ang likod sa head board ng kama.
"Come here" he tapped his shoulder. Lumapit naman ako sakanya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Hinalikan niya muna ang noo ko bago siya magsimulang mag strum.
'There are times when I just want to look at your face, with the stars in the night.
There are times when I just want to feel your embrace, with the cold of the night'Napapikit ako sa sobrang lamig at ganda ng boses ni Felip.
'I just can't believe that you are mine now'
Hindi ko rin inakalang magiging akin ka pala. Sino mag-aakalang magiging akin tong badboy na to?
'You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with
Anything in this world
You're all I need to be here with forevermore... 'Unti-unti na akong nilulunod ng antok.
'All those years I've longed to hold you in my arms, I've been dreaming of you
Everynight... I've been watching all the stars that fall down
Wishing you would be mineI just can't believe that you were mine now'
'You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with
Anything in this world
You're all I need to be here with forevermore... 'Pagkatapos nun ay biglang hinila na talaga ako ng antok at bago man tuluyang makatulog...
"Please... don't leave me... Ken" I uttered before drowning to sleep.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
YOU ARE READING
ATTACHED TO A BADBOY
FanfictionNianne Janel Centineo told her self not to fall inlove easily, most especially to those bad boys who are making fun and plays with every girls heart. She's afraid she might got hurt again just like the way his father scarred her heart for cheating o...