ILY

1.4K 50 23
                                    

NINE'S POV

Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising. Wala na si Felip sa tabi ko pati na rin sila tita at Mommy hindi ko na makita sa kwarto. Naligo muna ako at bumaba din agad.

Naabutan kong nanonood ng tv sila tita at mommy.

"Asan po si Ken?" I asked them at agad naman silang napalingon sa akin.

"Gising ka na pala nak, kain ka muna. Halika ipaghahanda na kita" sagot ni Mom, hindi man lang sinagot tanong ko. Well, nagugutom na rin naman ako dahil ala-una na ng hapon.

"Good afternoon tita" humalik ako sa pisngi ni tita Ji.

"Good afternoon honey" she greeted me back. After that sumunod na ako kay mom.

"Did you eat already mom?" tanong ko habang nakasunod sakanya papuntang dining.

"Yes darling, kumain na kami ng tita Ji mo" sagot niya naman habang abala sa paghahanda ng pagkain ko.


"How about Ken, mom? Where is he?" I asked her again.

Pero imbes na sagutin ako ay hinatak niya na ako paupo sa upuan.

"Mom! Where is he?" ulit ko na naman.

"May pinuntahan lang kasama sila kuya mo Sejun" finally! Sinagot din ako.

"Where?"

"Diyan lang sa tabi-tabi, wag na makulit kumain ka na Nianne lalamig ang pagkain" oh~ bat parang ayaw ipaalam sa akin? hmp! Imbes na mangulit ay kumain na lang ako.

"Pagkatapos ko kumain pupuntahan ko sila Mommy ha!" pagpapaalam ko sakanya maya-maya.

"No you can't baby, tutulungan mo kaming mag handa para mamaya" sagot niya naman at napasimangot naman ako agad. May magaganap na inuman pala mamaya. Andaya ng boys! Baka gumala na yung mga yon!

Pagkatapos kong kumain ay tumulong nga ako kila mommy para maghanda. Syempre yung mga light lang na gawain yung mga kaya kong gawin. Ilang sandali pa ay umakyat ako sa taas, Mom told me to get the foods they bought from US. Iba't-ibang klaseng pulutan, cool~ Pero ang tanong, makakainom kaya ako? Tss.

After getting the foods, I went downstairs to place them on a plate. It took us 3 hours preparing for tonight's inuman. Ang extravagant naman ng inuman na to, andaming pagkain! Parang may fiesta lang eh, lol.


It was 6pm already, I haven't seen Felip for a whole damn day! Saan ba kasi sila? Humanda talaga yung mga yon mamaya!


"Should we go out now mom? I'ts getting darker na" I asked mom while we are sitting on the couch.


"Before we go out, follow me upstairs. I have something for you" sabi ni Mom na agad nagpangiti sa akin. Nae-excite akong sumunod sakanya sa taas.


Pagdating namin sa taas ay dumiretso si Mommy sa walk-in closet ko at may kinuhang naka-hanger na dress na may plastic pa sa itaas. Halatang mukhang bago. Pagkatapos ay pumasok kami sa kwarto, kinuha niya ang dress sa loob ng plastic at inilapag ito sa bed. My eyes sparkled when I finally saw the dress. It was A-line Deep V short dress with Rhinestone all over it. Gosh, I really love it.


"Thank you so much Mommy!" I leaned closer to her and gave her a kiss on cheek.


"Your party is not over yet darling! Get dressed already!" nakangising sabi ni Mom kaya napanganga ako sa gulat. It's not over yet? So, this is another celebration? What the! Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang tuwa. Sobrang saya ko na naman, bakit ganito sila sa akin? Naiiyak ako mama~ T~T


ATTACHED TO A BADBOY Where stories live. Discover now