NINE'S POV
"Hey it's already late, tapusin niyo na yan nang makapag-pahinga na kayo agad" saad ko sakanila
2 am na kasi hindi pa rin tapos mag-inuman. Mas pinagod lang nila mga sarili nila.
"Eto na nga po patapos na, dalawang tagay na lang to" sagot naman ni Karl
Some of the guys are already starting to clean our mess.
"Kami na magdadala niyan sa loob kuya Sej" sabi ko kay kuya Sejun sabay kuha namin ni Felip sakanya ng mga gamit.
"Hoyyy Josh! Tumayo ka na nga dyan aalis na tayo!" napalingon kami kila Justin at kuya Josh. Nakahiga na si kuya Josh dahil sa sobrang lasing.
"Stell patulong naman" paghingi ni Justin ng tulong.
Inalalayan nilang makatayo si kuya Josh.
"Alis na kami Nine" pagpapaalam ni kuya Xel. Natatawa ako sa iba dahil pa ekis ekis na ang lakad.
Napalingon naman sa amin sila kuya Sejun.
"Mauuna na din kami" paalam niya
"Bye manok, ba-bye bebeko" lasing na sabi ni kuya Josh kaya natawa ako.
"Josh naman! Umayos ka nga!" gigil na sabi ni kuya Stell sakanya
"Mag-iingat kayo" sabi ko sa lahat.
Nang maka-alis sila ay pumasok na din kami ni Felip. Nilapag namin ang mga gamit at dumiretso agad siya sa kusina. Ako naman ay umupo muna sa couch. I'ts been a tiring day.
After a few minutes, Felip went out of the kitchen with a mug on his hand. Kape na naman, adik talaga.
"Pano ka makakatulog niyan?" I asked him
"Pampakuha lang to ng hilo" sagot niya naman. Uminom din kasi siya kanina ng alak.
"Gusto mo?" he asked
He then gave me the mug and I sip on it a little.
"Sobrang tamis naman nito!" reklamo ko
"Anim na kutsara ng sugar yung nilagay ko eh" natatawang sabi niya. Ampota kaya pala sobrang tamis eh.
Binalik ko agad sakanya ang mug, ayoko ng kape niya sobrang tamis.
"Mauna na ako sa taas, mag ha-half-bath pa ako" paalam ko sakanya at tumango naman siya.
I went upstairs at deretso agad sa comfort room. Pagkatapos kong mag half-bath ay nagbihis agad ako ng pantulog ko.
I then take my meds on my drawer, iinom ako baka kasi hindi na naman ako makatulog. I went downstairs again to get some water in the fridge.
Saktong pagbaba ko ay nakahiga na si Felip sa couch. Natutulog na ba to? Tss
Dumiretso muna ako sa kusina para maka-inom na ng gamot.Binalikan ko agad si Felip at ginising.
"Ken!" tinampal ko ang kanyang balikat
"Ken tara na sa taas" sabi ko pa at agad din naman siyang bumangon.
Sabay kaming nahiga sa kama at ilang minuto lang ay nakatulog na siya. Sana lahat mabilis makatulog. Hays~
Lahat ng posisyong pangtulog ay ginawa ko na naman dahil hindi talaga ako makatulog. Pesteng buhay to oh! Naupo ako sa kama at nag-isip.
YOU ARE READING
ATTACHED TO A BADBOY
FanfictionNianne Janel Centineo told her self not to fall inlove easily, most especially to those bad boys who are making fun and plays with every girls heart. She's afraid she might got hurt again just like the way his father scarred her heart for cheating o...