NINE'S POV
After 3 months...
"HOY GAGA HALIKA KA RITO, BILIS!" rinig kong sigaw sa akin ni Kreia sa kwarto habang ako'y nasa balcony. Ilang buwan na ang nakalipas pero ang bunganga niya ganon pa rin tss.
"Ikaw ang may kailangan kaya ikaw yung pumunta rito" saad ko habang nakatanaw sa matatayog at maliliwanag na gusali sa harap ko. It was 8 in the evening, magandang tingnan ang mga gusali kapag gabi kasi maliliwanag ito.
Patakbo naman si Kreia'ng pumunta sa akin sa balcony at sisinghalan na naman sana ako pero natakpan ko na agad ang bunganga niya.
"Shut the fuck up Kreia! Nasa kabilang kwarto lang sila at hindi nila alam na lumipat na tayo rito!" pagpapatahimik ko pa sakanya. Imbes na sagutin ako ng loka ay hinila niya ako papasok sa kwarto.
"Malalaman din naman nila eh" sagot niya sa akin kaya napairap ako.
"Did you even know the word 'surprise'?" I asked her with so much sarcasm, she just rolled her eyes.
Kreia and I decided to bought the condo next to SB19's here in Manila. So here we are now, hindi nila alam kasi hindi rin namin ipinaalam sakanila. Mabuti na lang at available 'tong condo'ng kadikit nila kaya kinuha na namin. Sa loob ng tatlong buwan ay napapayag ko rin si Mommy na lumipat na ako rito, kilala niya na rin naman na si Kreia kasi kinuwento ko ang lahat ng nangyari. Even my squad knows that I am here in Manila na, syempre kailangan ko rin sila i-update dahil mamaya niyan pupuntahan nila akong boracay wala na pala ako don.
"Hoy gaga, ayaw mo ba sumali? Balakadyan!" sabi na naman ni Kreia habang tutok na tutok sa phone niya. Dahil sa kuryusidad ko ay nilapitan ko siya at inagaw bigla ang phone niya.
"Gaga ka! Ba't hindi mo sinabi?!" asik ko sakanya at kulang na lang ay paghahampasin ko na naman siya dahil sa pagka-irita.
"Kanina mo pa kasi ako pinapatahimik tss. Akin na nga 'yang phone ko, magbabakasakali akong ma replyan ng baby ko" hinablot niya sa akin ang phone niya at nagsimula na namang mag type ng kung ano.
SB19's having a surprise Menpa! Kaya pala gano'n na lang ang pagtawag sa akin kanina ni Kreia. Natataranta ko namang hinagilap ang phone ko sa kung saan. I then opened my twitter, may notif nga ang kanilang official account. Bakit gusto naming sumali? Kasi gusto rin naming ma experience mareplyan bilang isang Fan nila kahit na may interaction naman kami araw-araw. Besides, hindi naman nila malalaman kasi nakatago naman kami sa fan account namin.
"Krei, penge tags" istorbo ko na naman kay Kreia. Pinagtawanan niya muna ako bago i-dm sakin ang tags. Pagkatapos ay nagsimula na rin akong mag type ng kung ano-ano.
'Hi kuya Tey I miss you'
'Hi kuya Sej how are you?'
'Hello kuya Joshie!'
'Jah! Wala lang hahaha'
'Asan asawa ko? Asan si Suson?'Ilan lang 'yan sa mga na reply ko ng marealize kong Real Account pala gamit ko, tangina! I'm doomed! Nasapo ko ang noo ko dahil sa kagagawan ko, sa sobrang taranta ko hindi ko na na check account ko huhu. Ilang saglit pa ay sabog na sabog notifs ko dahil na replyan agad ako ng lima at ang masama pa dyan ay nakilala nila agad ako boset!

YOU ARE READING
ATTACHED TO A BADBOY
Fiksi PenggemarNianne Janel Centineo told her self not to fall inlove easily, most especially to those bad boys who are making fun and plays with every girls heart. She's afraid she might got hurt again just like the way his father scarred her heart for cheating o...