KUYA

1.2K 55 16
                                    

NINE'S POV

I woke up in a bed feeling dizzy, I tried to survey the room with my eyes half-opened but my vision was still blurr. Sinubukan kong umupo habang sapo-sapo ang aking noo dahil sa sobrang pagkahilo. Damn! Where the hell I am? Pero gano'n na lang ang gulat ko ng may isang lalaking umalalay sa akin paupo, ng lingunin ko siya ay bahagya pa akong nagulat.









"Bebeko are you feeling okay now? What happened? Are you hurt?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Josh. Yes, It's Josh Cullen Santos who saved my life, I think so? Kasi siya lang naman nakikita ko rito eh, so ibig sabihin siya yung sumagip sa akin kanina? Am I that lucky enough? I mean, sa dami ng tao si Josh na tropa ni Felip ang sumagip sa akin? Well, maybe.










Bago niya pa man ako pagpasalitain ay binigyan niya muna ako ng tubig. Uminom naman ako ng konti at tumingin sakanya.









"B-bakit ako nandito?" imbes na sagutin ang mga tanong niya ay sinagot ko siya pabalik ng tanong. He let out a deep sigh before answering me.









"I saw you earlier, naglalakad ng tulala sa gitna ng daan. May plano ka bang magpasagasa Nianne? Anong nangyayari sayo?!" he was calm at first pero nag-iba ang timpla ng kanyang mukha ng tanungin niya ako patungkol sa pagpapasagasa, maybe he was upset. And then I just felt my tears rolling down my face again, inalala ko ang rason kung bakit gusto ko na lang tapusin ng gano'n ang buhay ko. Ang kaninang mukhang galit na mukha niya ay napalitan ng pag-aalala ng makita niya akong umiiyak.










"Hey, stop cryin'. Tell me, what happened bebeko?" he cupped my face. His voice was always soft when he's trying to call me 'bebeko'. Pilit kong winawakli ang kamay niya sa mukha ko pero ayaw niya, imbes ay pinalis niya ang mga luha sa pisngi ko. Should I tell him about what just happened? Pero kapag sinabi ko naman sakanya ay maaaring makaabot pa ito kay Felip. But wait, did he even know that Felip is back here?











"Are you looking for Ken?" he asked me again. Kaya bigla akong tumigil sa pag-iyak, umaasang nandito si Felip at makikita ko nang muli. Alam niya na nakabalik na si Felip kaya niya ako tinanong kung hinahanap ko nga ba 'to. Inangat kong muli ang mukha ko at nakipagtitigan sakanya.










"W-where is he? Can I see him, please?" pagmamakaawa ko pa sakanya. Agad namang lumungkot ang mukha niya, hindi ko alam kung bakit.










"He's in our condo, far from here. Sine-settle pa ng manager namin ang pagbabalik niya. Hindi tayo pwedeng pumunta roon, I bet sir Robin was also there kaya hindi talaga pwede Nine, I'm sorry. It's for our privacy" malungkot na sabi niya sa akin pero naiintindihan ko naman. I just wonder why I didn't even know who they really are. Mamaya niyan mga artista pala 'tong mga 'to.










"Oh, it's okay. I understand, but would you mind if I ask you a question?" saad ko sakanya kaya bigla naman siyang napabaling sa akin. I handed him my phone, ipinakita ko sakanya ang sinend sa akin about sa pagbabalik nina Felip at Pauline. Ng makita niya ito ay biglang nanlaki ang mga mata niya sa gulat, pero binawi niya naman agad ito at napalitan ng galit na ekspresyon ang mukha.









"Who send this? It was fake, maaaring gawa-gawa lang 'yan para pilit kayong paghiwalayin ni Ken" kalmado man ay may bahid pa rin ng galit ang kanyang boses. Parang nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib ng malaman mismo sakanya na peke lang 'yon.










I decided to tell him the whole story. Inumpisahan ko sa kung paanong si Pauline na best friend ko at si Pauline na dating kasintahan ni Felip ay iisa. Nagulat pa siya dahil ang akala niya ay patay na ang Pauline na ex ni Felip, but my story went well. Pilit niyang inintindi ang lahat hanggang sa sinabi ko rin na iisa lang rin ang tatay naming pareho ni Pauline. Naging magulo ang pagku-kwento ko pero pilit ko 'yong ipinaintindi sakanya. Sinabi ko rin mismo sakanya kung paanong pinagtulakan ko si Felip kay Pauline bago siya umalis sa Boracay.










"So you're saying na pinilit mo si Ken makipagbalikan kay Pauline? Damn, that was a wrong move bebeko" he said with dissapointment.










"W-what do you mean?" natatarantang tanong ko sakanya, kinakabahan at the same time.










"Hindi magagawa ni Ken sayo yun, mahal na mahal ka non eh" pagpapa-intindi niya pa sa akin.








"I just thought that it would make the situation better, I mean baka kapag nagbalikan sila ay magiging maayos ang lahat. And you know, hindi ko gustong masaktan ang isa sakanila since pareho silang mahalaga sa akin" nanlulumo kong page-explain sakanya.










"You're busy minding other people's feeling but how about yours? Ni minsan ba inisip mo rin ang nararamdaman mo?" he said and that hit me so hard. Mas malakas pa 'tong sampal sa mukha ko kesa sa pagsasampal ni Pauline kanina sa akin. Tama siya, ni minsan hindi ko pinakiramdaman ang nararamdaman ko, I was busy minding other people's feeling. To the point na nauubos na rin pala ako dahil sa mismong katangahan ko.









"At yung nararamdaman ni Ken? Nasaktan din 'yon, ikaw ba naman pagtulakan ng taong mahal mo sa taong hindi mo naman na mahal? Kung iisipin mo pa nga lang masakit na eh, ano pa kaya nung ginawa mo na sakanya?" dagdag niya pa na ikinadurog ng puso ko. Hindi ko na naman napigilan ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko. It was all your fault Nine, sinaktan mo yung taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka. Nasasaktan ako ngayon dahil sa ginawa kong pagtulak kay Felip. Hindi ko man lang inisip ang nararamdaman niya noon, basta na lang akong nagdesisyon na ipagtulakan siya, maaaring nadala lang ako sa emosyon ko no'n at ngayon ay pinagsisisihan ko na ang lahat.













"Don't worry, mahal ka pa rin nun. Knowing Ken, hindi ka basta-basta isusuko ng manok na 'yon. Ano naman kung bumalik na si Pauline? Ikaw na ang mahal hindi na siya, and I'm still angry with that girl with her stupid reason why he left Ken back then. Subukan niya lang talaga lumapit ulit sa manok namin, apat kaming babangga sakanya. Hindi kami papayag na makipagbalikan siya ulit kay Ken, pangako namin sayo yan. Nasa tamang tao na yung manok namin hindi na namin hahayaang mapunta ulit siya sa ginago lang siya. You're the right person for Ken bebeko, so please ipaglaban mo yung pagmamahal niyo sa isa't-isa" and that made me cry harder. Naiintindihan ko na ang lahat ngayon dahil ipinaintidi sa akin ng mabuti. Kung hindi ako napadpad dito diko na alam kung saan ako pupulutin ngayon.










"Thank you kuya Joshie~ you're always there when I needed you the most. Ikaw lagi ang nagpapa-intindi sa akin ng lahat kapag hindi ko na talaga alam ang gagawin" I hugged him and said that with full of sincerity. Totoong siya lagi ang nagpapaintindi sa akin ng lahat, and I am very lucky to have a kuya like him.













"Damn! How I missed that "kuya Joshie" of yours" he chuckled and so do I. Hinagkan niya ako pabalik at hinagod-hagod ang likod ko. Maybe he was joking before when he said that I should call him Cullen instead of kuya Joshie~













Thanks to KUYA Josh, I feel better now~
Maitatama ko na rin ngayon kung anong mga pagkakamaling nagawa ko kay Ken.










~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ATTACHED TO A BADBOY Where stories live. Discover now