RUTHLESS 8 - love at the mountain

2.1K 38 3
                                    

ZEAN POV( PRESENT )

Habang paakyat kami sa bwesit na bundok na ito ay inaalala ko ang mga alala ng nakaraan. Yung alala na hinding hindi ko pinagsisihan. Oo hindi ako sanay sa pag akyat ng bundok pero akalain mo na nakaya ko, dahil nga may inspirasyon ako noon. At alam ko na hindi malabong malalampasan ko din ito ngayon dahil siya parin ang inspirasyon ko. Ewan ko,, siguro hindi ako mapapagod sa pag akyat sa bundok basta ba siya ang naghihintay sa akin sa tuktok.

Sa pagkaalala ko ay ang unang akyat ko ay noong ng propose ako sa kanya. Corny nga non ehhh...huwag na nga nating pag usapan dahil puro lang yon kahihiyan sa part ko. At kung natatanong ninyo naman kung sino ang kasama ko sa pag akyat ng bundok noon ay si Death lang naman. Siya nakaisip non ehhh. Palagi nga ako non pagsabihan na tumigil na raw ako dahil hindi ko na daw kaya. Pero syempre hindi ako naniwala sa kanya. Kulang na nga lang maniwala akong ayaw niya talaga na magkatuluyan kami ni Grave. Sinabihan ko pa nga siya noon nahh

" How can i prove to him that I love him if I will give up easily. Love is not about giving up, it's about fighting the one you love and being afraid to let her go."

English yon kasi nga mahilig magsalita ng english si Death pero kapag galit yon ay nagtatagalog yon. Weird nohh , weird naman talaga ang taong yon. At pagkatapos kung sabihin sa kanya yon ay natigilan siya at napatulala sa akin na animoy may narealize. Ayyy eewan ko sa kanya.

Hohhhh....inhale---exhale--- inhale--- exhale......  hayy buti nalang at nakarating na kami.

"Ano bang meron dito at dito niya naisipang magpapart--------" nakain ko yata ang dila ko dahil....

WOW as in  WOW......hindi kayo maniniwala sa nakikita ko. Puno ng mga petals ng rose ang lupang tinatapakan ko. At ng ilibot ko ang paningin ko ay may nakita akong inihandang  table sa center na para bang pangdate ang dating. At sa sanga ng ilang puno dito ay may mga litrato namin ni Grave at marami pang palamuti. At  teka , bakit parang tumahimik yata. At ng ilibot ko ulit ang paningin ko ay... what the??? Asan na ang mga kasama ko. Naaliw namn kasi ako sa pagtingin sa paligid kaya hindi ko sila napansin pero ng dumako ang paningin ko sa lalaking nakatayo sa harapan ko hawak ang paborito kung bulaklak at may matamis na ngiti, ay parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko.At yung  suot niya....hindi ako pwedeng magkamali, kaparehong kapareho ang suot niya sa suot din niya noong nag propose ako.

And then I realize na kaya naman pala pamilyar ang lugar na ito dahil itong bundok na ito ay ang bundok na pinuntahan namin noon. Hindi ko lang napansin kanina dahil sa mas gumanda at nagimprove pala ang bundok na ito ngayon.

"Siguro naman ay naalala mo na ang lugar at suot kung ito."pag uuyam niya habang dahan dahang lumalapit sa akin.

" Syempre naman, ano ako  ulyanin" depensa ko na man. Pero sa kaloob looban ko ay sobra na akong kinikilig at kinakabahan pero syempre hindi ko pinapahalata.

"Gusto ko lang ibalik ang lahat ng alaala. Gusto kung maalala natin ulit ang araw na kung saan tayo nagsimula mag ibigan at mangako sa isa't isa. Ang pinagkaiba  lang ay ngayon ako naman ang magpopropose, ako naman ang mag eeffort at ako naman ang magpaparamdam sayo kung gaano ka kaimportante sa akin."mahabang   litanya niya pero puno ng pagmamahal bawat salita na binibitawan niya. Sa totoo lang ay wala talaga akong ideya kung ano ang ginagawa niya pero isa lang ang nasisiguro ko ,,, hinding hindi ko makakalimutan ang araw na  ito.

"Gusto kung maging saksi ang bundok na ito sa pagmamahalan natin. Because love for me is just a word and yet you give that word a meaning. Kaya naman Farrah Zean Frizas ..." pabitin na saad niya habang ako naman ay halos hindi na humihinga.

"WILL YOU SPENT THE REST OF YOUR LIFE WITH ME....WILL YOU BE MY WIFE??" Sabay luhod niya na halos nagpagulo sa buo kung sistema. Handa na ba ako??? Karapat dapat ba ako sa pagmamahal niya?? Pero lahat ng katanungang iyon ay biglang  naglaho ng mismong puso ko na ang nagdesisyon. Kung mahal mo ang isang tao walang ano mangtanong  ang makakahadlang don. JUST FOLLOW YOUR HEART....
AND SO I DID...
"HOW CAN I SAY NO TO THE ONE I LOVE...OFCOURSE I WILL MARRY YOU GRAVE SALVALEON"  naluluhang sagot ko. Pero alam ko na iyon ang pinakatamang desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko.

Pagkatapos niyang isuot sa akin ang singsing ay nabigla ako ng magsisigaw siya na parang baliw at parang pinagmamalaki niya pa ako sa buong mundo. He never fail to amuse me...and I'm lucky to have her as my future husband.

And with that he kiss me full with love. At napapikit nalang ako habang sinusuklian ang mga halik niya. Habang ninanamnam ko ang bawat halik niya ay unti unti ko ring minumulat ang mga mata ko......

Na sana hindi ko na ginawa...
Kaya na tulak ko nalang bigla si Grave na iginagulat din niya.

"What's wrong" alalang tanong niya.

Pero hindi ako pwedeng magkamali nakita ko si.......si...si

"DEATH" bulong ko sa sarili na tanging ako lang din ang nakarinig.

"ANO???" Takhang tanong niya.

"Ahhh..w---wala
I--I mean nasan na sila Anejean diba kasama natin yon???" Maang maangan ko dahil alam ko na namamalikmata lang siguro ako. Sana

"CONGRATULATIONS  GUYS. PERFECT  TALAGA KAYO SA ISA'T ISA. SO ANO SIMULAN NA ANG KASAL ESTE SIMULAN NA ANG PARTY!!!!!" Sigaw ng mga katrabaho ko. Buti nalang at dumating sila dahil nabaling sa kanila ang atensiyon ko.
Sinuklian naman namin sila ng matamis na ngiti.

Pero hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kani kani lang. Siguro namalik mata lang ako dahil sa noong nagpropose ako kay Grave ay nandoon din siya kaya siguro namataan ko siya kanina.

Pero iba na ang aura niya ngayon dahil kung  noon ay may nakita akong isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata ay ngayon ay nanglilisik ang kanyang mata na animoy papatay ng tao at sinabayan pa ng ngisi na para bang may masamang balak. Inaamin ko na lubos akong natakot kahit pa siguro na namamalikmata lang ako.

At para ring pinapahiwatig rin niya na ito na ang huling pagkakataon na magiging masaya kami at wawasakin niya kami. Sana naman mali ang hinala ko..

Siguro ay mas pagtuonan ko ng pansin ang bagong yugto ng pag iibigan namin ni Grave. Tama yonn nga ang dapat kung isipan. Dapat iwaksi ko muna sa isipan ko si Death.

AT WALA AKONG DAPAT IKATAKOT SA KANYA....SANA NGA....

😂😂NAPRESSURE  ako don ahhh ....
Sorry kong lame ...bawi ako sa next chap. Malapit na po nating makilala ang kontrabida sa istoryang ito ...wait a little more guys😥😥

😘😘jeanobsession😘😘

THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon