RUTHLESS 23 - Visitors

1.7K 30 0
                                    

ZEAN POV:

Nandito na kami sa hapagkainan at mukhang katahimikan ang kakainin namin, hindi pala....katahimikan ang kakain sa amin. Wala rin naman akong planong magsalita dahil sa pangyayari kanina. Nagmukha nga akong guilty sa pangyayari na hindi ko naman itinatanggi. Siguro nga nasaktan ko siya pero nasaktan niya rin naman ako, kaya patas lang kami.

Tanging mga ingay lang galing sa mga kubyertos ang maririnig dito sa hapangkainan. Tahimik rin naman si Death pero pasulyab sulyab siya sa akin. Siguro dahil ang bagal bagal kung kumain dahil sa lahat ng galaw na gagawin ko ay may katumbas na sakit. Kahit pagnguya ay nagdudulot ng sakit sa akin, pero kahit ganon ay hindi ko mabanaag sa mukha niya na nagsisisi siya sa ginawa niya sa akin. Wala talaga siyang PUSO.

'Paano mo nasabi na wala siyang puso ehh mahal ka nga niyan' sabat naman ng utak ko. TAKTE......Oo alam ko na mahal niya ako pero ang hindi ko lang alam ay bakit niya ako sinasaktan. Siguro isa na sa dahilan kung bakit niya  ako sinasaktan ay dahil sa si Grave  ang pinili ko......pero feeling ko may iba pa siyang dahilan at gusto kung malaman yon ng maging karapatdapat naman ako sa lahat ng suntok at hampas na ibibigay niya.

"Rinnngg------ringgg"

Pareho pa kaming nabigla ng may tumawag sa cellphone niya. Syempre alam ko na cp yon ni Death dahil halos lahat ng gadget ko ay nasa kanya. Kaya tumayo muna siya para sagutin ang tawag. Siguro importante ang tawag dahil kailangan pa niyang lumayo mula sa akin or ayaw lang talaga niyang marinig ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng mawala saglit ang presensya niya. Halos mapangiwi rin ako ng tangkain kung tumayo. Gusto ko na sanang bumalik sa kwarto para magpahinga at ayaw ko na abotan pa ko ni Death dahil baka kargahin na naman ako non.

Kaya nilibot ko ang paningin ko para makahingi ng tulong at nahagip ng mga mata ko ang isang maid na nakamasid sa akin. Makikita sa mga mata niya na awang awa siya sa akin.  At ng mapansin niya na nakatingin ako sa kanya ay yumuko siya bigla bilang paggalang. Siguro sa kanya nalang ako hihingi ng tulong.

"Ahmm...Miss, pwede mo ba akong ihatid sa kwarto namin ni Dea-----Grave?" Hingi ko ng pabor kay......hindi ko alam ang pangalan niya kaya miss nalang ang itatawag ko. Nag aalangan rin ako kung Death or Grave ang itatawag ko. Malay ko, baka hindi niya alam na ginagaya lang ni Death ang mukha ni Grave. Kapag talaga naiisip ko iyon ay umuusbong bigla ang galit ko.

Tumalima naman siya at lumapit sa akin. Ang hirap talaga kapag hindi nagsasalita ang kausap mo. Pero mas mahirap kapag nasa pugad ka ng demonyo. Maingat naman niya akong inangat pero napatigil kami ng may magsalita bigla.

"What the fuck are you doing Lina. Are you trying to help her to escape?"isang nakakabinging bulyaw ni Death. Nanginig naman si Lina sa narinig. Mukhang mali yata ang pagkakaintindi niya sa nakikita niya ngayon.

"N---no s----sir ---" nauutal na sambit ni Lina. Kita sa mga mata niya ang takot pero ako.....sanay na ko sa kanya. Mas malala  pa riyan ang nakikita ko araw araw , kaya naman sinalo ko na lahat ng sasabihin pa niya. Baka himatayin pa siya.

"No she's not.....nagpapatulong  lang akong magpahatid sa kanya sa kwarto natin. I'm done eating" pagrarason ko pa.

"Did I tell you to go to our room?. You don't even ask for my permission?. Well your not going anywhere because we have a important visitors." Nagtatagis ang bagang usal pa niya. Pati ba naman yon ay kailangan ko pang itanong sa kanya. Ano ako bata.....pero teka sino naman ang bisita namin? Sana naman ay makatulong sila sa akin sa pagtakas.

"Lina you may go .........but before that, let me warn you to stay away from my wife and don't you dare help her in escaping or else you will DIE."banta ni Death kaya kumalipas ng takbo si Lina. Tiyak ako na sobrang natakot siya at malamang wala ng tutulong sa akin sa bahay na ito, maski lumapit ay baka hindi na nila gawin.

"Paano mo nagawang pagbantaan ang buhay niya.....walang ginagawang masama si Lina." Asik ko pa sa kanya. Kung sa akin pa siya nagbantan ay baka matanggap ko pa, pero para sa maid niya ay hindi ko na iyon maaatim.

"Naniniguro lang Farrah. I know you're planning to escape right?? Then your just wasting your time ang effort. If I were you, I will just accept the fact that you are meant to live with me until your last breathe." He said in a serious tone.
Sino naman ang nagsabi sa kanya na mabubuhay ako kasama siya? Isang malaking kasinungalingan. Hindi mangyayari iyon kahit pa sa panaginip niya. At bago pa ako maka react ay inunahan na niya ako.

"And one more thing, mom and dad will visit us today. So don't ever try to make a scene. Sa pagkakaalam rin nila ay ako si Grave at hindi pa umuuwi si Death. So don't you dare tell them the truth or else....." pabitin pa niyang saad. Sabi na nga ba, babantaan na naman niya ako at ako  na man ay walang magawa kundi sumunod sa kanya

"Or else what???"tanong ko pa. Hindi na ko natatakot sa kanya basta huwag lang niyang idamay si Grave at ang pamilya ko. They are my weakness and also my biggest strength.

"Or else......tutuluyan ko na si Grave. Alam mo ang kaya kung gawin Farrrah. At lahat ng galaw at salita mo ay babantayan ko ng maigi kaya huwag kang MAGKAKAMALI."may ngisi pa niyang banta. Bakit ba parati nalang niyang dinadawit si Grave sa akin. Ahh kasi nga kapag si Grave ang pinag uusapan ay pumipiyok ako at yon ang alas niya sa akin. GO TO HELL DEATH....

"Parati mo nalang pangtakot si Grave sa akin. Lumaban ka ng patas Death." I yelled at him. Kung gusto niya ng laro pwes maging patas naman siya.

"Their is no FAIR in this world Farrah. Kahit pagmamahal mo nga ay hindi patas." Saad niya na nagpatahimik sa akin. Ba't ba parang ako ang sinisisi niya. I can be fair to anything but not my love. Not my love for Grave.

-----------------

Nandito na kami sa sala naghihintay sa mga magulang ni Death. Hindi na kasi ako pumatol sa kanya kanila dahil inaamin ko ay talo na ko panigurado dahil wala  akong laban sa taong sarado ang isipan. Alam ko na hinding hindi siya makikinig sa ano mang paliwanag ko kaya bahala na siya kung ano ang gusto niyang paniwalaan. At ngayon  heto ako nakaupo sa  mahabang sofa katabi si Death. Ayaw niya rin akong paalisin sa pagkakaupo hangga't hindi pa daw umaalis ang mga magulang niya.Balot na balot rin ako para hindi daw makita ng mga magulang niya ang mga pasa ko sa katawan na kagagawan naman niya. Kahit impossible ay hindi ako nawawalan ng pag asa na baka mapansin ng mga magulang niya ang sitwasyon ko sa kamay ni Death. Kahit may possibilidad na mas kampihan nila si Death ay ayaw ko paring sumuko. Sila lang ang pag asa ko.

*beep**beep*

Mukhang dumating na ang pag asa ko.

Sana PAG-ASA nga ang dala nila at hindi DILUBYO...

😎😎kunting revelation sa susunod na chap.😇😇

😗😗jeanobsession😗😗

THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon