RUTHLESS 37 - Gift and curiosity

1.4K 29 8
                                    


Sorry kung natagalan si Author sa pag update!! Naging busy lang sa mga unexpected celebration at tsaka ng  a adjust pa  kasi ako sa bago kung eye glass. May pagka nerdy na si Author ngayon.😂😂 So ito na nga ang update, sana magustuhan ninyo!!

ZEAN POV:

Lumipas ang araw at naging buwan. Hindi ko lubos ma isip na  nakaya kung magtagal ng isang buwan pagkatapos ng lahat ng nangyari. Pagkatapos ng gabing kinuha ni Death ang pinakaiingatan ko ay ang gabing nagsimulang magbago ang lahat.

Parang nag iba ang ihip ng hangin,nag iba ang ikot ng mundo at dahil sa lahat ng pagbabago ay mas nalito ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat sundin,nahihirapan akong timbangin kung puso ba o utak ang mas paiiralin.

Pakiramdam ko ay hindi pa sapat ang isang buwan para mas maunawaan ko ang sarili ko. Bawat araw na lumilipas ay mas nahihirapan at naiipit ako sa sitwasyon.

Sa lood ng isang buwan ay marami ang nagbago lalo na kay DEATH. Sa bawat kilos niya, sa bawat salita at sa samot saring emosyong pinapakita niya. Siya parin naman si Death na demonyo at walang kinakatakutan pero may parte ng pagkatao niya ang unti unti niyang pinapakita sa akin. Ang pagkatao at ugaling pilit tinatago ni Death noon ay pinapakita na niya ngayon.

Siguro ito ang sinasabi ng mama niya noon, the weakest part of being Death. And what scared me more ay alam ko na hindi niya basta bastang pinapakita ang katangian niyang ito. Takot siyang masabihang mahina at talunan pero ngayon, hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa kanya na gawin ito. Wala naman akong ginawang kabutihan sa kanya. Or maybe his love.

Is this what love can do? Then love is really dangerous for the both of us.

Hindi na niya ako sinasaktan physically at minsan na rin niya akong murahin at sigawan. Naging mahinahon din siya sa akin at araw-araw ay siya na ang nag aalaga sa akin. Oo araw-araw, iniisip ko nga minsan ang trabaho niya. Alam ko na may trabaho siyang kumikita ng malaking pera, may maganda siyang bahay at kotse. Hindi rin siya nauubosan ng pera kaya imposibling wala siyang trabaho. Pero kamakaylan lang ay halos ibuhos niya na lahat ng oras niya sa akin kaya natitiyak ko na napapabayaan na niya ang trabaho niya.

Kaya nakaisip ako ng isang plano noong nakaraang araw. Gusto kung makasiguro kung nagbago na ba talaga siya o nagbabalat kayo lang. Sinubukan ko siyang galitin ulit para lumabas ang dati niyang ugali. Ang pagiging brutal at masama.

At ginawa ko iyon sa pamamagitan ng pagsira sa paborito niyang kotse. Nakita ko iyon na nakapark sa garahe kaya kumuha ako ng bakal na pamalo at pinagbabasag ang salamin ng kotse, binutasan ko rin ang gulong ng kotse niya at binuhusan ng kulay pink na pinta ang buong kotse.

At ng marinig ko ang makabasag tinga niyang boses ay napangiti na ko. Akala ko ay pagagalitan niya ako at paparusahan pero iba sa inaasahan ko ang nangyari. Tandang tanda ko pa ang sinabi niya.

"The hell are you doing FARRAH!!! What have you done. Paano kung masugatan ka, mabinat o magkapasa. Huwag kang gagawa ng bagay na ikapapahamak mo, naiintindihan mo. Leave that fucking car at magpatingin tayo sa doctor. It may cause you some truma."

Alam ko na dapat ay maging masaya ako sa pagbabagong pinapakita niya pero mas nangamba lang ako. Nangambang baka isang araw ay mahu----

*tok*tok*tok

"Maam nakahanda na po ang pagkain. Kain na  po kayo."

"Sige po manang. Susunod ako, salamat."

"Tama na ang pag iisip Zean. Just go with flow at ipaubaya sa Dios ang susunod na mangyayari." Sita ko sa sarili. Mas nagiging komplikado lang ang lahat kung lagi akong nag iisip.

THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon