RUTHLESS 7 - 10 years ago

2.5K 44 6
                                    

(FLASHBACK 10 YEARS AGO)

ZEAN POV

Kapag minamalas ka nga naman. Ano ba ang petsa ngayon at ang malas malas ko. Akalain ninyo. Nahuli ako ng gising kaya hindi na ko nakapag almusal. Don't get me wrong dahil nahuli lang naman ako ng gising dahil sa kagagawa ng project ko. At tapos dahil sa pagmamadali ko ay naiwan ko yung project ko. Ang dami dami ng pwedeng maiwan  ay yon pa talaga kaya no choice ako kundi balikan ang project ko , aba pinaghirapan ko yon at pinagpuyatan kaya pinabalik ko talaga ang driver ko. At kapag nakasunod nga naman sayo ang kamalasan ay nasiraan pa ang sasakyan namin. Sa gitna pa ng hindi mataong lugar. Saan kami hihingi ng tulong. Kaya no choice ulit  ako at bumaba sa kotse at naglakad lakad para humingi ng tulong.

At ito ang malupit!!! May dumaang sport car sa tabi ko at duon pa talaga dumaan sa maputik na bahagi kaya ayon ang kulay puti ko na uniform ay naging kulay brown dahil sa dumi.

PUTANGINA sino ba nakasakay sa sport car nato at hindi manlang nakita na may tao sa daan. At mukhang walang planong magsorry  kaya binato ko ng sapatos ko ang sasakyan niya. At ayon huminto rin.

Pero nawala sa kanya ang atensiyon ko dahil may biglang huminto na sasakyan sa tabi ko ulit at bumaba  doon ang gwapong lalaki. Para siyang Greek God na bumaba sa lupa. At hindi ko inakala ang sinabi niya saakin.

"Heyy Are you ok? sorry sa ginawa ng kapatid ko. I think you need a ride, gusto mo ihatid na kita sa bahay mo ng makabihis ka." Seryosong sabi niya. Dios ko poh ang gwapo na nga ang bait pa. Parang pamilyar siya sa akin dahil sa tingin ko ay ang mukhang ito ang magiging asawa ko sa future.

"By the way I am Grave Salvaleon at your serv-----"

"KUYA !!!what do you think your doing. Malalate na tayo" sabat ni.. ni...teka parang kilala ko tong taong bigla nalang sumasabat ahh.. si DEATH SALVALEON. Yung taong pinutikan ako. Kilala ko siya dahil kaklase ko yan. At isa pang teka, kapatid niya ang gwapong nilalang na ito. Aba kung minamalas ka  nga ulit.

"Ahmmm maam naayos ko na po ang sasakyan pwede na po tayong umuwi." Sigaw naman ng driver ko. Ang bad timing naman ni manong. Makakasakay na sana ako kay Grave. Pero nakakahiya naman sa kanya ng sout ko at ang baho ko pa. Si Death kasi ehhh.

"Ahmm thank you for your offer and concern  Gra--ve. Pero sa tingin ko sa sasakyan nalang namin ako sasakay baka malate ka pa I mean kayo pala."mahinhin na sabi ko sabay tingin  kay Death na may panlilisik na mata. Panira talaga ito ng araw. At tsaka pwede naman siyang umalis dahil tig iisa naman sila ng sasakyan. Humanda ka nalang saakin.

"Ok then bye!! Nice to meet you ahmm--"ahh oo nga pala hindi pako nagpapakilala sa kanya.

"Farrah Zean Frizas" sabay ngiti sa kanya ng matamis.

"Nice name,  but I prefer to call you Zean. So bye Zean .. have a nice day."paalam niya. Oo may nice day nako dahil sa nakilala kita. And I think   crush ko na siya to the highest level.
 
At natapos ang araw ko na may ngiti sa labi kahit pa na sunod sunod ang malas ko.

Kinabukasan non ay naka buo ako ng plano para maging mas malapit ako sa crush ko at yonn ayyy.......makipagkaibigan kay Death para ilakad niya ako kay Grave. Kahit ayaw ko man kay Death ay kailangan kung tiisin para mapalapit ako kay Grave. Magkapatid sila diba kaya hindi malabong mapalapit ako kay Grave.

At ngayon para mapapayag ko si Death ay bibigyan ko siya ng niluto kung  cookies . Sana  naman magustohan niya.
--------
"Hi Death. Ahmm sorry nga pala kahapon kung binato  ko ng sapatos ang kotse mo. Kasalanan ko na man talaga yon. At bilang pagbawi ay nagluto ako ng cookies for you. I hope you like it" sabi ko sa kanya sabay ngiti ng peki. Sana naman ay kumagat siya sa plano ko. At himala at tinanggap niya at mukhang kumakagat nga siya sa plano ko kasabay ng pagkagat niya sa cookies ko...bwaahhhhhaha... I never thought na ganon lang kabilis pumayag si Death..I wonder why???

"Ahmm ...nga pala pwede ba na tayo nalang ang pair para sa thesis then doon na lang natin gawin sa bahay ninyo kasi ahmm ..hindi pumapayag si mommy na nagdadala ako ng lalaki sa bahay plzzz...."with puppy eyes pa yan. Sige na pumayag kana, yan lang ang chance ko para mapalapit kay Grave.

And after 5 min. Ay  tumango lang siya. Ang dalang talaga magsalita nito. Pero wait.... it means pumapayag siya. Woww mukhang mapapadali ang plano ko but bakit feel ko na nasasaktan siya. Makikita kasi sa mga mata niya. Nako illusyon ko lang  yata yon.
------
At ayon nga,,,, nasagawa ko ng maayos ang plano ko. Super close na kami ni Grave pero si Death.... ayon hindi niya naman ako binigo dahil tinulungan naman niya ako and I think for me, he is a good guy. Para sa iba  nakakatakot siya pero para sa akin hindi. Pero saakin lang naman siya mabait dahil sa ibang tao even si Grave na kapatid niya ay masama ang ugali niya. Pero hindi ko iyon binibigyan ng malisya. Gusto lang talaga niya akong tulongan.

And this is it, I will now propose to Grave to be his girlfriend. I know it sounds weird pero tinamaan na ko and I think I'm obsess to him. Alam ko na pangit pakinggan dahil ako tong babae pero ang bagal bagal na man kasi niya. Kaya ako na ang gumawa ng plano. Kaso advice  ni Death na sa tuktok ng bundok daw ako mag propose dahil hilig ni Grave ang mag hiking kaya kahit hindi pa ko nakakaakyat ng bundok ay gagawin ko nalang alang alang sa ngalan ng pag ibig.

So heto ako parang mamamatay na kaaakyat sa bundok but hindi ako mawawalan ng pag asa. This is for Grave. At luckily nakaraos rin.

"Gra--ve wi---ll yo--u be--- my boy---friend?" Hingal na tanong  ko sa kanya. Grabe hindi nako nagpatumpik tumpik pa dahil sayang ang effort.

"Wait Zean, are you serious?" Maang na tanong din niya.

"Putangina mo Grave...sa tingin mo hindi ako seryoso ehhh halos ikamatay ko na ang pag akyat ng buntok...tapos tatanungin mo ko kung seryo---" galit na bulyaw ko. Pero hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko. At halos ikalaglag ng panty ko ang naging sagot niya.FINALLY

" Ok ok ... I get it....then ofcourse YES Zean sinasagot na kita. Sa totoo lang ako dapat ang nag popropose  sayo but mukhang naunahan mo ko or hindi ka lang talaga makapaghintay" may ngiting sabi niya. And with that we kiss each another na parang walang bukas.

Pero hindi nakaligtas  sa mga mata ko ang isang butil ng luha galing kayyy.........

DEATH????

Anong ibig niyang ipahiwatig sa luhang iyon ?
Umiiyak ba siya dahil sa wakas ay nagkatuluyan kami ni Grave or ang kabaliktaran non......

I don't know....wala sa isip ko yon
Dahil ukupado ng isip ko ang relasyon na aming sisimulan  ni Grave ngayon...

😚😚😚natapos rin.....
Ang ibang flashback ay ang ibang character na ang mag nanarrate...😉😉

😘😘jeanobsession😘😘

THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon