ZEAN POV:
"FARRAH!!"
Boses ni Death ang nagpabalik sa nalilito at nagtatalo kung pag iisip. Agad ko namang kinuha ang litrato sa album at ibinulsa ito sa suot ko na pantalon.
At ng magtagpo ang mga mata namin ay nabanaag ko agad ang pag aalala at pangamba sa kanyang mata. Teka may masama bang nagyari??
"Nandito ka lang pala. Let's go, we need to hurry up!!" Natataranta niyang saad sabay hila sa akin sa palapulsuhan. Ramdam ko ang higpit ng hawak niya pero hindi iyon masakit kundi para siyang natatakot na pakawalan ako.
TAKOT!!! Hindi ko lubos ma-isip at paniwalaan ang takot at pangamba sa bawat kilos niya. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na darating ang araw na ito na makikita ko siyang may kinakatakutan. Takot siyang may magyari sa amin o sa akin. Ano bang kinakatakot niya??
Pumasok kami sa loob ng aking kwarto at siya na mismo ang naglagay ng damit sa loob ng isang malaking maleta. Teka akala ko ba ay bibisita lang kami kina mama pero bakit parang pinapalayas na niya ako.
"Ayaw mo yon? Magagawa mo na ang plano mong lumayo sa kanya dahil sa buntis ka." Paalala naman ng aking utak. Sabagay ay ito naman talaga ang plano ko, ang lumayo mula sa kanya pero.....
Pero may parte sa akin ang nanghihinayang. Kanon lang ba kadali sa kanya ang eh give up ako? Akala ko pa naman na ayaw niya akong isuko sa mga magulang ko pero tulad lang pala siya ni Grave. Susuko rin siya.
"Ibabalik mo na ba ako sa pamilya ko? Akala ko ay bibi--- I mean magandang balita yan Death. Finally, ibabalik mo na rin ako sa pamilya ko." Pilit kung pinapasigla ang boses ko pero mas nangingibabaw parin ang pagkadismaya. Hindi ko akalain na ganito lang pala kadali sa kanya ang isuko ako.
"Sorry if I will going to break my promise again. Hindi muna tayo bibisita sa pamilya mo. And I will never giving you up to your family Farrah. I will fight and protect you at all cost, you and our-----"
"Protect??kanino?? Nasa panganib ba tayo." Sunod sunod kong tanong. Dinagsa na ako ng takot, hindi lang para sa sarili ko kundi para narin sa bata. Ang naintindihan ko lang ay hindi kami pupunta sa pamilya ko, so saan kami pupunta at bakit niya ako poprotektahan? May papatay ba sa amin?
"I'm so sorry for dragging you into this mess. I didn't mean to involve you into this situation. But I promise to protect you even if it cost my life."
"Death!!" Nasabi ko nalang dahil sa halo halong emosyon. Ngayon ko lang nakita na maging ganito si Death. Alam ko na seryoso siya sa paghingi ng tawad kaya natatakot ako sa maaaring mangyari sa amin lalo na sa magiging anak namin.
"I'm one of the leader of a underground society Farrah. That's why I'm filthy rich because I'm a member of a fucking illegal society. Gusto ko ng umalis sa grupo pero ayaw nila akong payagan. At makaraan ang isang buwan na hindi na ko nagpapakita sa kanila at hindi na sumasali sa illegal nilang gawain ay napagdesisyunan nila akong patayin. Wala akong pakialam sa buhay ko pero ikaw, ayaw kung madamay ka kaya ilalayo kita mula rito at poprotektahan----"
"Sasama ako!!"nasambit ko nalang. Alam ko na dapat ay magalit ako ng husto sa kanya dahil sa kagaguhan niya at sa bwisit na society na kinabibilangan niya pero isasantabi at palalampasin ko muna siya ngayon. Ang kailangan naming gawin ay tumakas at iligtas ang anak namin sa gulong ito kahit hindi niya alam.
"Alam ko na masama ang pinasukan mong trabaho pero wala na kung magagawa. Ako rin naman ang dahilan kung bakit ka nila papatayin. Nilaan mo ang oras mo sa akin at siguro ako rin ang dahilan kung bakit ka aalis sa grupo." Tama!! Isa rin ako sa rason kung bakit kami na nganganib ngayon. Kung hindi sana ako dumating sa buhay niya ay baka walang magtatangkang patayin siya ngayon.
"It will never be your fault. Sorry for causing you so much pain and trouble----"
"Let's go Death. Hindi ngayon ang oras para magsisi, kailangan natin iligtas ang mga sarili natin." Putol ko sa kanya. Mamaya na ang sisihan at kakalimutan ko muna ang plano kung paglayo at pagtatanong tungkol sa litrato. Mas dapat namin tuonan ng pansin ang sitwasyon namin ngayon.
Ako na mismo ang nagpatuloy sa pag iimpaki ng mga damit ko. At habang busy ako sa pag aayos sa mga gamit ko ay bigla na lang nagtanong si Death.
"W--where did you get this??"tukoy niya sa ngayo'y hawak niyang litrato.
Teka litrato?? Kinapa ko agad ang bulsa ko at pinagpawisan agad ako ng malamang wala na dito ang litrato. Nahulog ko siguro iyon habang nag iimpake.
Agad akong tumingin kay Death at nabigla pa ko sa reaksyon niya. Para siyang nakakita ng multo, tinakasan ng kulay ang mukha niya.
Kating kati na kung magtanong tungkol sa babaeng nasa larawan pero pinigilan ko ang sarili ko, hindi ngayon ang tamang oras at panahon para diyan. Makakapaghintay pa siguro ang kuryusidad ko.
Hinablot ko sa kanya ang larawan at sinara agad ang maleta ko sabay hila nito, pero bago pa ako makalabas ng kwarto ay nahawakan na ni Death ang braso ko.
"DEATH kailangan na nating umalis. Huwag muna nating pag usapan ang bagay na iyon."inunahan ko na agad siya. Pag ako hindi makapagtimpi ay baka ungkatin ko talaga ang nakaraan!!.
"But what if I die." Walang emosyon niyang saad na parang walang halaga lang sa kanya ang buhay niya. Na parang maliit na bagay lang ang pagpapakamatay.
"MAMAMATAY TALAGA TAYO KAPAG HINDI PA TAYO UMALIS NGAYON." Sumbat ko sa kanya sabay hagis sa maletang hawak ko. Ako na nga tong ayaw ungkatin ang nakaraan tapos siya pa'yong nagpupumilit.
"It's okay for me to die after telling you the whole truth. I don't want to missed the chance. May malaking posibilidad na mamamatay ako ngayon pero bago iyon gusto kung masabi sayo ang totoo. Katotohanang matagal naming ipinagkait sa iyo. I no longer want to see you live in a life that full of lie." Pagmamatigas niya.
"Can you just stop this bullshit!!" Pigil ko sa kanya.
Life that full of lie
Ng marinig ko iyon sa kanya ay halos manginig ako sa takot. Takot ako na baka tama siya. What if I been only living a life that full of lie. Can I endure the truth, can I survive from the pain?
"I have still 30 minutes to explain to you all the hidden truth. And I will gladly accepted your hatred and angry after telling you the---"
"Bakit mo to ginagawa? Kung may katotohanang matagal ninyo ng tinatago eh ba't ngayon mo lang ito sasabihin? Bakit ngayon pa?" Tanong ko sa kanya. Marami na akong iniisip. Ang pagbubuntis ko, ang sitwasyon namin ngayon, ang nararamdaman ko tapos dadagdagan pa niya. Maraming oras,araw, buwan at taon ang sinayang niya na hindi man lang niya nasabi sa akin ang totoo. Bakit ngayon pa na hirap na hirap na ko.
"Dahil bilang na ang oras ko. At kung mamamatay man ako ay nasisiguro ko na wala ng ibang tao ang maglalakas loob na sabihin sayo ang totoo kundi ako lang. Patawarin mo ako kung ngayon kulang sasabihin. Naging duwag ako makalipas ang labing limang taon. Takot akong masira ang tiwala mo sa lahat ng taong nakapalibot sayo. Takot ako na mabuhay ka sa galit at paghihigante. Takot ako na matulad ka sa akin." Bakas sa boses niya ang sinseridad. 15 years so 15 years na nila akong niloloko. 15 years akong naging tanga at wala man lang ni isa sa kanila ang naawa sa akin?
Ang litrato, kuha ba iyon 15 years ago? May kinalaman ba ang larawan na iyon sa totoong pagkatao ko?
"Ang babae sa litrato, siya ba!!!siya ba ang katotohanang matagal ninyo ng tinatago?? Sino siya Death??? Sino siya sa buhay ko??" Hilam sa luhang tanong ko kay Death. Kung kanina ay binalewala ko lang ang mga nakita ko ay ngayon ay desidido na akong malaman ang totoo. Paano kung mamamatay ako ngayon? Tulad ng sabi ni Death, hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. Kung mamamatay man ako ay mas gusto kung mamatay na mulat sa katotohanan kaysa sa mamatay na mulat sa kasinungalingan.
"Her name is...............
ZEAN FRIZAS!!"
"ANG KAPATID MO!!"
😥😥pabitin muna pero may part 2 pa guys kaya continue reading.😍😍
😘😘jeanobsession😗😗
BINABASA MO ANG
THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )
RandomMy breathe stop when I saw a dangerous but gorgeous man stepped into my view. He's walking with grace and there's an authority aura around him. Parang hawak niya ako sa leeg at nakasalalay ang buhay ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na ang mukhang...