RUTHLESS 46 - New start to forgive

1.4K 33 8
                                    

( AFTER 5 YEARS )

FARRAH POV:

'Never let the sadness of your past and fear of your future ruin the happiness of your present'

Iyan ang nilagay ko as finale and learnings sa last part ng chapter na ginagawa ko. So far, nasa last chapter na ko sa librong sinusulat ko and after this is the Epilogue na kung saan mas pinakaaabangan ng lahat ng mambabasa.

Kaso nahihirapan akong simulan ang epilogue part dahil hindi ko alam kung ano nga  ba ang magiging katapusan ng lahat ng ito. Ano nga ba ang katapusan sa istorya ng buhay ko? Hanggang dito na lang ba ako?

Ang sinusulat ko kasing kwento ay base sa totoong nangyari sa buhay ko. As in lahat talaga ng mga  masasama at magagandang pangyayari na  naganap sa buhay ko. At ang pamagat ng kwento kung ito ay "THE RUTHLESS MAN OBSESSION" base na rin sa pagiging ruthless ni Death sa akin. Noong una ay nagdadalawang isip pa ko kung ito na ba tagala ang gagawin kung pamagat pero naisip ko na dito naman talaga  nagsimula lahat. Nagsimula ang takbo ng buhay ko dahil sa pagiging ruthless at obsess ni Death. At gusto kung maalala lahat ng ito hanggang sa pagtanda ko na kahit si Deven ay gusto kung malaman niya lahat ng tungkol sa amin ni Death. Ayaw ko na magsinungaling sa kanya kahit man lang kaunting detalye tungkol sa pagkatao ko at pagkatao ni Death, dahil alam ko kung gaano kasakit ang mabuhay sa kasinungalingan. At iyan ang isa sa mga dahilan  kung bakit ko sinulat ang kwento ng buhay ko, ang kwento ng buhay namin ni Death.

Then I realize that the saddest part of my life is when the  person who gave me the worst and best memories become a memory. But still I will  cherish and treasure all the memory I have in mind. The memory when we are still together.

Ilan rin sa mga dahilan ko kung bakit ako nagsusulat ng kwento ay dahil sa advise rin ito ni Doctor Camelle. Sabi kasi niya ay dapat may pagkaabalahan ako para ma divert ang atensyon ko mula sa mga masasamang nagyari noon. Dapat may gawin ako para maiwasan ang sarili ko na mag emotional breakdown ulit. Though kahit minsan ay busy at binubuhos ko lahat ng atensyon at oras ko kay Deven ay minsan talaga ay hindi ko maiwasan na isipin ang nagyari noon kaya para maibsan ang lungkot ay nagsusulat na lang ako.

Sa loob ng limang taon ay ganon ang naging routine ko, nag aalaga kay Deven, nagsusulat at nagtatrabaho online para na rin may panggastos. Pero noong araw na nalaman ni Doc Camelle na ang kwentong sinusulat ko pala ay about sa akin at ng mga nakaraan ko ay ng freak out agad siya. Dahil daw sa ginagawa ko ay mas sinasaktan ko lang daw ang sarili ko imbis na makalimot. Pero wala na rin siyang nagawa dahil pinagpatuloy ko parin  ang pagsusulat. Within five years ay natutonan ko ng kontrolin ang emosyon ko sa tulong na rin nila Cross, Camelle, Camela at Deven. They are my hopes and sunshine in my darkess world.

At ngayon heto ako nakatunganga habang kinakagat ang dulo ng ballpen  na hawak ko. Wala na kung maisip na ideya para sa epilogue ko. I'm run out of ideas and words to write. Naubos na yata lahat ng ideyang mayroon ako na pati tinta ng ballpen ko ay ubos na rin. Mukhang gusto na nga yata ako nitong patigilin sa pagsusulat.

I sigh dahil pati ako ay nalilito kung ano nga ba ang magiging wakas ng buhay ko. Pagiging single mom?? Ganon lang?? Bakit parang may kulang at bitin ang thought, feeling ko may something sa buhay ko na siyang magiging wakas ng lahat ng ito? Hindi pa ba ko kontento sa anong mayroon ako ngayon?? Baki parang may hinahanap at hinihintay pa rin ako??

Natigil ako sa pag-iisip ng biglang may kumandong sa akin.

"Mama egg, hindi ka pa tapos story mo??"tanong ng cute at pogi kung anak. Kaka Five years old lang niya kaya nakapagsasalita  na ito ng maayos, yon nga lang kung ano-ano ang tinuturo ni Cross sa anak ko kaya ang tawag nito sa akin ay mama egg. Cute naman siyang pakinggan yon nga lang kapag si Camela ang nakakarinig ay nagkakasa agad iyon ng baril.

THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon