FARRAH POV:
My heart that was dried up after Death left is now fluttering again. Years without Death by my side is just like living in darkness filled with emptiness. But now I finally pick up my shattered pieces and rebuild myself again.
Hindi maalis ang napakalawak na ngiti sa aking labi kahit pa walang tulog kagabi. Kahit pa siguro hagisan ako ng bola o bomba ngayon ay hindi matitinag ang ngiti kung ito. Maaliwalas ang pakiramdan ko na akala mo'y naligo ng sampong beses kanina. Pero hindi ko mapigilan ang sariling maging masaya.
Pakiramdam ko ay ngayon lang ako ngumiti ng totoo. Ngayon lang ako naging masaya sa buong buhay ko. Siguro dahil hindi na ko namumuhay sa kasinungalingan. Malaya na ko mula sa sakit at galit at ngayon nahanap ko na sa wakas ang totoo kung tirahan. I'm finally home because my home is in Death's arms together with our child Deven.
All my life I live in lie but that was before.
All of me is just a lie but now I'm free
I'm a living lie, a replacement of a dead girl, my dead sister. But I already accept it now.
Ito na ko ngayon, buo at masaya kaya wala ng dahilan para balikan pa ang mga nagyari noon. Tapos na ko sa pagiging alipin ng nakaraan. Tapos na ang laban, malaya na kami ni Death.
Speaking of Death, ay pareho kaming puyat at walang tulog kagabi pero kahit ganon ay full charge at gising na gising pa rin ang diwa namin. Don't get me wrong dahil wala kaming ginawang kababalaghan, tanging ang ginawa lang namin ay ang mag staring contest buong magdamag. Pero wala parin kaming panama sa energy ni Graven na kanina pa hyper na hyper.
Maaga kasi kaming umalis ng bahay para hindi madamay sa labanan nila Camela at Cross. Ginawa na nga nilang training ground ang buong bahay dahil sa away nila. Eh kasi naman itong si Graven ay binigay ang sinusulat kung kwento kay Camela, kaya naman nalaman niya na siya pala ang ginawa kung main character na siyang gumaganap sa kawawa kung role. Sinabi ko naman kay Camela na utos ni Cross para hindi ako madamay. Delikado na, baka pati ako ay mabalian ng buto.
At ngayon nga ay kagagaling lang namin sa pamamasyal dahil naisipan namin ni Death na ipasyal muna si Graven bago namin sundoin si Deven. Bakas sa mukha ni Death ang excitement pero may parte din daw sa kanya ang kinakabahan sa maaaring maging reaksyon ni Deven. Pero ako, sure ako na magiging masaya si Deven tulad ng pagiging masaya ko.
"Staring is rude Farrah." Puna sa akin ni Death kahit pa nasa daan ang kanyang atensyon. Papunta na kasi kami ngayon sa bahay nila Grave para iuwi itong madaldal na batang nakatulog na sa backseat.
"Sorry hindi pa kasi ako nakontento kagabi." Pang aasar ko pa sabay tawa. Expected ko na ang matatalim na tingin sa akin ni Death dahil sa tinuran ko. Pero alam ko na sa kaloob looban niya ay kinikilig na yan, kaso dinadaan lang niya sa mala Death glare niya. Hindi mo na ako maloloko Death, kabisado ko na ang bawat galaw mo. Kapag sinabi niya na ok lang siya, ibig sabihin non hindi. Kapag sinabi niyang kaya pa niya, kabaliktaran ang ibig sabihin non. Except na lang kapag sinabi niyang mahal niya ako dahil alam ko na totoo iyon.
"Hala anong ginawa ninyo kagabi. Sumbong ko kayo kay Deven" pangungusisa pa ni Graven. Itong batang tohh!! May future talaga ito sa pagiging reporter. Madaldal na nga sismoso pa.
Sa halip na sumagot ay kinuha ko na lang ang librong hawak niya. Ito yong libro ko kanina na binawi ko kay Camela dahil sa takot na baka tadtarin niya ng bala. Binigay ko naman to kay Graven sa pag aakalang babasahin niya pero ginawa lang pala niyang panakip sa mukha habang natutulog dahil napagod daw siya kalalaro kanina.
Ahmm!! Mukhang may naisip na kung pwedeng gawing Epilogue dito, dahil sa wakas nagkaroon na ng wakas ang storya ng buhay ko. Napunan na ang kulang sa aking puso at ngayon alam ko na kontento na ko sa anong meron ako.
BINABASA MO ANG
THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )
RandomMy breathe stop when I saw a dangerous but gorgeous man stepped into my view. He's walking with grace and there's an authority aura around him. Parang hawak niya ako sa leeg at nakasalalay ang buhay ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na ang mukhang...