RUTHLESS 29 - Agreement

1.7K 30 3
                                    

ZEAN POV;

Naging aligaga ako at hindi alam ang gagawin. Hindi ko rin alam kung anong parte ng katawan ko ang una kung tatakpan. At dahil sa tindi ng aking pagkahiya ay hindi ko na siya magawang tignan at ang mas tinoonan ko ng atensyon ay ang paghahanap ng bagay na pwedeng pangtakip, kung magbibihis naman ako ay mas lalo akong matatagalan. Bahala na, wala namang ka interes interes ang katawan ko na puno ng sugat at pasa.

At ng mahagip ng aking mga mata ang isang bathrobe ay dali dali ko itong sinuot. Hindi alintana ang kanyang mga tingin na sinusundan ang bawat galaw ko. Mukhang wala na akong maitatago sa kanya.

"HINDI MO BA ALAM ANG SALITANG PRIVACY!! Hindi ka man lang kumatok bago pumasok." Iritang saad ko pagtapos magtapis ng bathrobe. Ahh oo nga pala!! Kailan pa nagkaroon ng manners ang isang ruthless at demonyong gaya niya. Kaya dapat hindi na ako magtaka kung bakit bigla bigla na lang siyang sumusulpot ng walang pa sabi.

"PRIVACY?? You don't have any of that. The day you step inside this hell is the day you lost the word PRIVACY!! And let me remind you that this room is also my room so technically pwede akong maglabas masok dito. Everything you see is own by me........even you" walang emosyon na tugon niya habang dahan dahan na lumalapit sa malaking bintana. Hindi ko makita ang reaksyon ng kanyang mukha dahil nakatalikod na siya sa akin pero ramdam ko ang mabigat na aura na nakapalibot sa kanya. Buti nalang at nakatalikod na siya sa akin ng saganon ay hindi niya nakita ang pag usbong ng galit ko dahil sa huling salitang binitiwan niya. Napatingin naman ako sa salamin dahil sa sinabi niya. Ako pag aari niya?? He must be literally and absolutely insane.

"No I'm not and I will never be yours. Pumayag ako na maghigante ka sa akin pero hindi ang angkinin ako na parang pag-aari mo." Depensa ko.

"How I wish I could ignore you like you ignore me Farrah. Alam ko simula't sapol ay ako lang ang nang aangkin sa ating dalawa. I claim you as mine but that's a biggest mistake and totally insane for you. All of this is a lie.........for you but not for me. Lahat ng ito ay totoo pati pagmamahal ko." He said calmly. Gusto kung makita ang reaksyon niya pero hindi ko man lang masilip dahil sa nakatalikod parin siya. Siguro mabuti na'to dahil baka kapag nakatingin siya sa akin ay hindi ko kayanin.

"Alam ko na narinig mo lahat ng sinabi ko kanina at OO inaamin ko na I consider your LOVE as a LIE....
Hindi ko alam kung anong klaseng pagmamahal mayroon ka. "Mahinang usal ko. Hindi niya ako masisisi, mahal niya daw ako pero gusto niyang maghigante. Nasaan ang pagmamahal don.

"Ano bang klase ng pagmamahal ang gusto mo? Pagmamahal na tulad ng kay Grave. Iyong hindi ka padadapuan ng lamok at hindi ka sasaktan kahit isang hipla man lang ng buhok mo. Ganon ba ang gusto mo? Then I'm far from that Farrah, my love is not the love you dream and imagine to have. My love has been cage in the darkest part of my damn heart. And only those people who love me too can accept the love I hide." He said full of emotion.

Nanlambot bigla ang mga tuhod ko kaya bago pa ako bumagsak sa sahig ay dali dali akong umupo sa kama. Bakit ba ang lakas ng impact ng lahat ng salitang binibitawan niya. Para siyang dictionary na lahat ng bagay na gusto kung malaman ay alam na niya pero ako maski ang kahulugan ng pagmamahal niya ay hindi ko man lang mabigyan ng meaning. Nagiging bobo ako kapag nandiyan siya, pero siguro ngayon na ang panahon para lumaban at kahit pa paulit ulit ko na sabihin sa kanya na hindi ako ang babaeng makalaan sa kanya ay gagawin ko.

"Then I'm not the one who can make your love escape from where you hide it. Please Death!!keep it for yourself or maybe keep it for the person who deserve it, who can love you back. Mas matatanggap ko pa ang paghihigante mo pero hindi ko alam kung kaya ko bang tanggapin ang pagmamahal mo. Sana hindi mo nalang sinabi na mahal mo ako ng sa ganoon ay hindi na tayo nahihirapan, ng sa ganon ay madali para sa akin na tanggapin ang lahat ng parusa mo ng walang bahid ng pagmamahal. Dahil nahihirapan akong intindihin lahat, hindi kaya ng puso't isip ko."

THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon