RUTHLESS 28 - naked

1.9K 32 0
                                    

  ZEAN POV:

(Continuation of flashback )

*BANG*

Bakit ba puro putok ng baril ang naririnig ko ngayon. Parang nabibingi na ako dahil sa mga putok na iyan. Pero hindi lang pala iyon ang dapat kung katakotan kundi ang taong ngayo'y nasa aking harapan. Nagsimula na akong kabahan sa maaari niyang gawin habang siya ay unti unting lumalapit sa akin. Tanging iling lang ang nagagawa ko para ipahiwatig sa kanya na ayaw ko na at halos idikit ko narin ang aking sarili sa pader habang puwersahan niya akong hinihila. At kada hila niya ay mas lalong bumabaon ang mga bubog sa aking kamay na hawak  niya.

"ANO MASAKIT?? PWES MAS MASAKIT ANG GINAWA MO SA ALAGA KO !!! Alam mo ba na pwede tayong hindi magkaanak dahil sa ginawa mo. PAG AKO NABAOG....PATAY KA TALAGA SA AKIN." galit niyang saad sabay pisil sa sugatan ko na kamay. Napasigaw ako sa sakit at naghina kaya nagawa niya akong mahila palapit sa kanya.

"Kahit kailan ay hindi ko gugustohin na magkaanak mula sayo." Saad ko pa ng makalapit ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tapang na iyon basta bigla nalang iyong lumabas sa mga bibig ko at mukhang hindi ko na mababawi iyon dahil bigla niya akong sinandal sa pader sabay sakal sa akin...hindi ako makahinga at ng tignan ko ang mga mata niya para sana ipahiwatig na nahihirapan na ko ay nabanaag ko agad ang nagdidilim niyang tingin na animoy papatay ng tao. Kaya binaling ko nalang sa ibang direksyon ang paningin ko.

At doon nahagip ng mga mata ko ang aking sariling repleksyon sa salamin na nasa harap ko mismo. Kalunos lunos ang aking itsura. Si Death na nakatalikod sa salamin habang sakal ako ng mahigpit at ako na puno ng dugo sa kamay, braso, damit at maging sa mukha. Unti unti narin akong namumutla at labis na naghahabol ng hangin na mahihinga base sa nakikita ko sa salamin. Mukhang makikita ko yata ang aking kamatayan sa kamay ni Death sa pamamagitan ng salamin na ito. Mabuti na yon ng makita ko ang itsura ko habang namamatay.

Akala ko katapusan ko na iyon pero bigla siyang bumitaw sa pagkakasal sa akin. Kaya mabilis na dumapo ang aking mga kamay sa magkabila niyang balikat para hindi matumba habang naghahabol ng hininga. Akala ko ay tapos na siya pero mukhang isa iyong malaking pagkakamali dahil bigla niya akong hinila  papalapit sa salamin habang pareho na nakaharap at nakatingin dito.

"I will not kill you Farrah because you and I will build a happy and strong family in the near FUTURE." sabi niya habang nakatingin sa akin sa salamin.

"D--death p--please a---accept the t--truth that y--you and I w--won't w--work. Hindi t--tayo ang p--para sa isa't isa." Naghahabol parin ng hiningang saad ko. Sorry Death pero hindi ako pwedeng magsinungaling sayo. Mas lalo kalang aasa at masasaktan.

Bigla siyang natahimik at nagdilim mula ang aura niya and I can smell danger again. Not again!!!

At hindi nga ako nagkamali dahil ang sunod na ginawa niya ang nagpakimbal sa akin ng sobra.

Hinawakan niya bigla ang aking ulo sabay umpog sa salamin na nasa aking harapan. Narinig ko pa ang pagkabasag ng salamin pero wala doon ang atensyon ko kundi sa malapot na bagay na tumutulo mula sa aking noo at ng hawakan ko ito ay nakita ko ang kulay pulang likido at hindi ako pwedeng magkamali dahil isa iyong dugo kaling mismo sa noo ko.

Biglang namanhid ang buo kung katawan lalo na ang ulo ko at kasabay noon ang paglamon sa akin ng dilim.

----------

( Present )

Bring back memories!!!!
Bring back the pain!!!

Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Hindi ko rin alam kung paano ako nakasurvive sa nakakayanig na pangyayaring iyon. Ang naalala ko lang ay nagising ako isang araw na ang bigat ng pakiramdam  ko lalo na ang aking ulo at ng hawakan ko ito ay napagtanto ko na may benda at mukhang kagagaling lang ginamot. Natawa pa nga ako sa isipang ginamot niya ako matapos ang kahindakhindak na ginawa niya sa akin, sana ay tinuluyan na niya ako ng saganoon ay wala na siyang aalahanin pa.

At ngayon habang pinagmamasdan parin ang sarili sa salamin ay hinay hinay ko ring hinaplos ang  aking kamay at braso na noo'y puno ng bubog at sugat, at pinagapang ko ito papunta sa aking leeg na sinakal niya na parang hayop lang ako sa kanyang paningin at ang aking noo na ngayo'y magaling na  pero mababakas parin ang peklat dulot ng sugat ko at panghuli, ay hinaplos ko ang aking pisngi na ngayo'y nababasa na ng mga luha ko. Mga luhang walang pahintulot na tumulo mula sa aking walang kabuhay buhay na mga mata at mga luhang saksi sa aking paghihirap at pangungulila. Miss ko na ang aking dating buhay, kung bakit ba kasi may mga taong grabe magmahal na kayang wasakin ang buhay na nakasanayan ko at buhay na gusto mo sana pero sa sitwasyon ko na ito ay hanggang sana lang ako.

"Nakakaawa ka naman Zean. Kung bakit ba kasi ang malas malas mo. May nagmamahal nga sayo kaso sa madilim na paraan. Paraan na unti unti kang binubulag sa liwanag at hahayaan kang mabuhay sa sakit at pagdurusa."nababaliw na saad ko ulit. Kaya siguro nagiging ganito ako ay dahil marahil sa walang kumakausap sa akin maliban kay  Death dahil kapag meron mang magtangka ay baka hindi na sila abutan ng umaga tulad ng nagyari sa isa niyang tauhan. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung napatay ba niya ito dahil wala rin akong lakas na magtanong kay Death, baka iba pa ang isipin non. Pero napaghinuha ko na baka napatay nga niya dahil sa hindi ko  na siya nakikita sa mansyon na ito simula ng mangyari iyon. Kaya simula ngayon ay ako na mismo ang lumalayo sa kanila para hindi na sila madamay pa.

At tulad ng sabi ko sa  sarili ay ang malas malas ko at ako pa ang minahal ni Death........but all my thought vanish  when realization hit me.

"Teka lang !! Matatawag nga bang pagmamahal ang pinapakita ni Death? Eh kung totoo niya akong mahal ay sana hindi na niya naisipang  maghigante ng ganito at hayaan ang pagmamahal niya na patawarin ako. At tsaka dapat hindi niya ako sinasaktan ng ganito kundi iniingatan niya na parang ginto. DEATH!!! Anong klaseng pagmamahal mayroon ka???" Mahinang bulong ko sa mga huling salita. Hindi ko alam kung ba't ko naisip iyon siguro ay nadala lang ako sa lungkot at pagkalito sa lahat ng nagyayari sa akin. Alam ko ang dahilan kung bakit siya naghigante at kung paano niya ako nagawang mahalin noon. Pero ngayon mahal niya ako sa paraan na alam lang niya.
.
.
.
.
.
"Love that you can't understand Farrah.... even a wise man can't understand too... like you and me"

At para akong binuhusan ng malamig na tubig kasing lamig ng boses na iyon. At kahit pa hindi ko lingunin ang may ari ng boses  ay alam ko na kung sino at anong klaseng tao siya. Pero ayaw kung lumingon dahil  natatakot ako sa reaksyon niya kaya patuloy lang ako sa pagtitig sa aking sariling repleksyon.
.
.
.
Isang nakakabinging  katahimikan ang namutawi sa amin at ang tanging naririnig ko lang ay ang  malakas na pintig ng aking puso at bawat patak ng pawis mula sa aking noo. Huwag niyang sabihin na NARINIG niya ang mga sinabi ko. I'm totally dead!!!

"Wala.... ka ...bang ...planong magbihis ....because I'm already burning hot..........because of this fucking lust"parang nababalisang saad niya.

Wahhhhh.......bakit ko ba nakalimutan na nakahubad pa pala ako. Kung kanina ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig, pwes ngayon ay naglalayab na ako sa init dahil sa mga nakakapaso niyang tingin idagdag mo pa ang manginginit kung pisngi at buo kung katawan dulot ng matinding hiya.

🤗🤗akala ninyo ay seryoso na ang pag uusapan nila....well may kunting libog muna. Pero sa susunod na chap ay seryoso na talaga.🤗🤗

😗😗jeanobsession😗😗

THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon