RUTHLESS 31 - Give up !!

1.5K 30 10
                                    

ZEAN POV:

"GRAVE?"

Kinusot ko pa ang mga mata ko to assure na si Grave nga ito at para mas makasiguro ay kinurot ko pa ang pisngi ko at ng maramdam ang sakit ay napagtanto ko na hindi nga ako na mamalikmata o na nanaginip dahil lahat ng ito ay totoo. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kung maging reaksyon. Dapat ba akong umiyak, tumalon o di kaya'y himatayin sa sitwasyon ko na ito. Walang pagsidlan at katumbas ang sayang narararamdaman ko ngayon pero ng hagurin ko ng tingin si Grave ay unti unting nawawala ang mga ngiti ko. Hindi ito ang dating Grave, pumayat siya at ang lalim ng mga mata niya  na animo'y pagod na pagod at kahit hindi ko nakikita ang balat niya dahil sa  balot na balot rin siya ay nasisiguro ko na marami siyang sugat ang pasa tulad ko. At habang hinahagod ko siya ng tingin ay iyon din ang ginagawa niya sa akin. Alam ko na nakikita niya rin ang malaking pagbabago ko tulad ng sa kanya at lahat ng ito ay dahil sa kasakiman ni Death.

Speaking of Death, simula ng mapako ang tingin ko kay Grave ay nawala sa isipan ko si Death pero kahit ganon ay wala akong pakialam kung ano ang iniisip o reaksyon niya dahil ang importante sa akin ay ang makasama si Grave ulit. Kung  nababasa lang ni Death ang iniisip ko ngayon ay malamang baka sinaksak na ko sa likod nito.

At dahil sa pagkasabik ay plano ko sanang yakapin si Grave pero mas mabilis  ang galaw ng demonyo sa likod ko dahil kahit hindi pa naaabot ng mga daliri ko ang balat ni Grave ay nahila na ko ni Death pabalik.

"Don't you dare touch her Farrah hindi ko pinapunta si Grave dito para magyakapan kayo. This is my territory after all kaya ako ang masusunod."  May diing saad pa ni Death. Wait...what??? Siya ang ng papunta kay Grave dito? For what? Kaya ba busy siya kanina at parang may hinihintay na tao ay dahil pinapapunta niya si Grave dito? Knowing Death......alam kung may pinaplano siyang masama dahil hindi siya papayag na papuntahin si Grave dito ng walang masamang hangarin.

"And for you Grave. Baka nakalimutan mo kung ano ba talaga ang sadya mo dito sa pamamahay NAMIN. So fucking do your part in our agreement and I will do my part too." Dagdag pa ni Death na siyang nagpadagsa ng takot sa akin. Agreement? What kind of agreement? Maraming masasamang ideya ang pumasok sa isip ko pero pilit ko iyong winawaksi at iniisip na sana hindi masama ang magiging kahihinatnan ng usapang ito.

"Teka.....anong part-part at agreement ang pinagsasabi ninyo? Nandito si Grave dahil kukunin na niya ako. Di ba Grave?" Hindi ko mapigilang itanong sa kanila. Please Grave.....sabihin mo sa akin at kay Death  na  nandito ka para palayain ako sa imperynong ito.

At habang hinihintay ang sagot niya ay tinitigan ko rin siya sa mata. At ng mabanaag ko ang lungkot sa mga mata niya na wari ay humihingi na siya ng paumanhin sa akin ay halos manlambot ako. Kung si Death ay hindi ko kayang basahin ang emosyon niya gamit ang kanyang mga mata ay iba si Grave dahil madali para sa  akin ang basahin siya at kahit hindi pa niya sinasabi ang sagot niya sa tanong ko ay alam ko na agad base sa pinapakitang emosyon ng kanyang mga mata.

"N---no I'm not." Sabi niya sabay iwas ng tingin. Sabi ko na nga ba!!
At dahil sa naging sagot niya ay bigla nalang nawalan ng lakas ang mga binti ko na siyang dahilan ng pagbagsak ko sa sahig. Nag uunahan na rin ang mga luha ko habang hindi tinatanggal ang tingin kay Grave. Kung hindi siya  nandito para kunin ako, so ano ang pinunta niya dito? Natatakot ako......ayaw kung malaman ang sadya niya dito dahil baka hindi ko kayanin.

"Just fucking tell her Grave ng matapos na tayo." Asik ni Death. Please don't......ayaw kung malaman.

At ng magsimula maglakad si Grave sa harapan namin ay halos manginig ako sa takot sa mga salitang maaaring lumabas sa bibig niya.

"Death can I ask a favor?
Pwede ko bang mayakap si Zean kahit sandali. At pagkatapos non ay s----sasabihin ko na sa kanya ang sadya ko." Hinging pabor ni Grave na  siyang dahilan ng pag angat ng aking paningin sa kanya.

THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon